Part2

9 0 0
                                    

AUTUMN'S P.O.V.
       Andito ako ngayon sa school ni Summer. Haist, oo pumayag ako sa gusto nya . Kahit may kaunting sama ng loob ako sa kanya ay hindi ko parin sya kayang tiisin. Kahit anong mangyari ay kapatid ko parin siya higit sa lahat kakambal ko parin sya..Sandali lang naman to hanggang makabalik sya.Nasa America na sya ngayon kasama si mommy at daddy at nag papagamot.
   "Baby!" Narinig kong may sumisigaw na lalaki. Nagulat nalang ako ng biglang may umakbay sa akin na lalaki. Paglingon ko ay nakita ko ang pamilyar na mukha. Sino nga ba to?
Ah, naalala ko na. si Sky. "Kumusta ka na? Hindi ka pumasok ng isang linggo ah! Namiss kita ng sobra baby", napangiwe ako sa sinabi nya. "Ah, ayos lang?", alinlangan kong sagot sa kanya. May mga ilang detalye akong alam tungkol sa kanya dahil sa mga sinabi ni Summer.
   Patuloy kaming naglalakad at hindi nya parin tinatanggal ang pag kakaakbay niya sa akin. Naiilang ako sa ginagawa niya. Gusto kong alisin ang pag kakaakbay niya ngunit baka magtaka sya. Kung kayat hinayaan ko na lamang sya hanggang makarating kami ng classroom. Hinayaan ko lang sya mauna dahil sabi ni Summer ay magkatabi lang naman sila ng upuan.
     Uupo na sana ako sa tabi niya ng may makita akong tatlong roses sa upuan ko. Kinuha niya ito at inabot sa akin. "For you", nakangiteng saad niya. ""Uhmm, thank you?", sagot ko sa kanya at kinuha ang bulaklak at nilagay sa bag ko. Tsk. Ang korni.
"May sakit ka ba baby?", sabi niya sabay hipo sa noo ko. "Para kasing antahimik mo ngayon!", dagdag nito. "Uhm, medyo masama lang ang pakiramdam ko", sagot ko sa kanya. Niyakap niya ako. Nagulat ako sa ginawa niya kung kayat naitulak ko siya ng hindi sinasadya. Nakita ko sa mata niya ang pag kagulat at pag tataka. "Uhm pasensya na, baka kasi mahawa ka sa sakit ko baby", muntik na akong maduwal noong sabihin ko ang salitang baby. Si Drake lang ang gusto kong tawaging baby.

      Sabay kaming kumain sa canteen. Naiilang ako dahil masyado syang nakadikit sa akin. At nakakahiya pa dahil andaming taong nakakakita sa amin, ganito ba lagi ang ginagawa nila ni Summer? My God, hindi ba sila nahihiya?

       Sumapit ang uwian . Sabay kaming lumabas ng classroom at hinatid nya ako hanggang sa aming kotse. At nagulat ako sa sunod na ginawa niya dahil hinalikan niya ang pisngi ko sabay sabi ng babye. Natigilan ako saglit. Hindi ko namalayan na nakaalis na pala siya.

      Pagkauwi ay agad akong pumasok sa kwarto ko at binuksan ang aking cp.pagkabukas  nito ay sunod sunod na message ng tumambad sa akin , karamihan dito ay mula kay Drake at tinatanong kong nasan ako at ano ang nangyari , bakit daw hindi ako pumasok.  Tsk, napangite ako sa mga mensahe nya. Namiss niya din pala ako. Sinabi ko nalang na nagbakasyon ako sa ibang bansa.
Masaya akong nakatulog.

Kinabukasan gaya ng kinagawian ay hinatid ako ng driver at nakita ko si Sky na nag aabang sa akin. Gaya kahapon ay sabay kaming pumasok at habang naglalakad ay hinawakan niya ang kamay ko. Napapitlag ako sa ginawa niya ngunit di ko pinahalata.

Makalipas ang ilang linggo ay nasanay na rin ako na kasama si si Sky. Masarap syang kasama, malakas ang sense of humor niya at di sya pumapalyang pasayahin ako .

Ang isa sa hindi ko makakalimutan ay noong monthsary nila ni Summer. Pag kapasok ko ng school ay may mga estudyanteng  nag aabot sa akin nag mga roses, at sa sahig ay may mga petals ng roses. Sinundan ko ito hanggang makarating ako sa stage, at nakita ko doon si Sky na napakagwapo sa suot nya. Nakangite sya ng makita ako at nagsimulang tumugtog ng gitara. Nakakatunaw ang titig niya. Buong kanta ay nakatitig lamang ako sa kanya. Para bang hinihipnotise ako ng mga mata niya.

Hindi pa doon nagtatapos ang lahat, dinla niya ako sa isang napakagandang lugar at sa gitna nito ay may lamesa at mga pagkain at sa paligid ay may mga kandila na bumubuo ng hugis puso.

Hinawakan niya ang kamay ko at tila ba may koryenteng biglang dumaloy sa aking palad.naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko. Napakasaya ng araw na iyon. Hidi ko alam na matatapos na pala ang kasiyahan na aking nadarama.

    Pagkauwi ko ay agad akong nakatanggap ng tawag kay Summer. Masaya niyang ibinalita sa akin na uuwi na sya. May kaunting kirot akong naramdaman sa aking puso ng malaman ko ito.

   Kinabukasan ay napansin ni Sky ang pagiging matamlay ko. Tinanong nya kung ano ang problema. Ngumite lamang ako sa kanya. Eto na ang huling beses na makakasama ko si Sky.

   Pagkauwe ay nagulat ako sa aking nakita. Si Summer ay nakaupo sa sofa. Ambilis niya atang nakarating. "Autumn", masayang saad ni Summer at niyakap ako. Tipid na ngite lang ang sinukli ko sa kanya at pumasok na sa silid.

Kinabukasan ay back to reality na ako. Sa school ko na ulit ako papasok, babalik na si Summer. Pagkadating sa school ay nakita ko si Drake na nakingite sa akin. "Welcome back", masayang sabi niya sa akin. Tipid akong ngumite sa kanya.
.   Bigla kong naalala si Sky. Sigh. Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Natapos ang araw kona si Sky lang ang laman ng isip ko. Naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Piniligko nalang ang ulo ko.

Nagulat ako sa  naabutan ko sa bahay. Pagkapasok ko ng pinto ay para bang napako ako sa kinatatayuan ko. Si Sky, nakaupo siya sa sofa katabi ni Summer. Aatras na sana ako ng bigla akong tawagin ni Summer. Nagtama ang mga mata namin ni Sky naramdaman ko nalang ang mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Nakita ko ang pagkagulat at pagtataka sa mata niya. Dali dali akong tumakbo patungo sa kwarto ko ng bigla akong na out of balance ,hinintay ko ang paglagapak ko sa sahig ngunit wala akong naramdaman. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko si sky na hawak hawak ako at nakatitig sya sa akin. Agad ko syang tinulak  at mabilis na pumasok sa aking kwarto. Pagkapasok ay agad akong naupo at hinawakan ang dibdib ko.

      Ng biglang may kumatok sa pinto ko. Pagkabukas ko ay nakita ko si Summer na masayang masaya. Umupo sya sa tabi ko at masayang itinaas ang kamay niya.

ONE SHADOW, SAME FACEWhere stories live. Discover now