(Sorry medyo late na update ng AshBook ko... Medyo naging busy po sa Christmas Parties haha yah parties, dami eh. Anyway madami akong namiss ikwento nitong mga nagdaang araw so let's get started!)
Preparing for the party here, party there... So yah, in short, we're really busy. Nadoble pa pagka busy ko cos aside sa regular work ko eh kinuha ako ulit sa tutorial center kung saan nagwork ako full time dati, this time part time nalang.
Halos tinatamad na ako mag online dahil darating pagod na and ano ba nga naman aasahan ko ngayon na ashboo moments eh waley naman yata at busy bee sila sa kanya-kanyang nilang shows and maybe sa kani-kanilang buhay. Hahaha.
Tapos Sunday nun, Dec. 11, 2016 sabi ko ay 1 month na ang nakakalipas since the AshBooo in Japan moments. Tagal na rin di sila nagkakasama, kakamiss na... And kelan kaya sila ulit magkakasama? Hays, hintay mode na naman kami.
Then, Monday, Dec. 12, 2016... After a long, busy day from work, nag check ako online wala lang tambay saglit. Tapos madaming photos na lumalabas sa rehearsals daw for ABS-CBN Christmas Special 2016 na gaganapin bukas. Pero mukhang si Sarah lang yata ang andun eh hays... Patintero na naman ba? Last year si Bamboo lang andun. May show kasi ngayon si Bamboo eh. Timing naman.lols. Nag try akong mag soco, nag dm ako kay Miss V to ask if nasa ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL si B, pinaglaruan niya lang yata mga sagot niya sakin haha...in short wala akong malinaw na sagot na nakuha if andun or wala so okay fine... Haha... So I'm not expecting anything to happen.
Tuesday, Dec.13, 2016... Maghapon busy ulit, halos late na nga ako umuwi and nag dinner. Late din nakapag online. Pero gulat ako pag open ko ng aking twitter, tadtad ng pictures ng 4 coaches sa ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL. Yes, they are already performing. Kaso tama na naman yata naisip ko, mali na naman ang blocking hahaha. Ano pa nga ba. Pero sabi nga ng ashboo fans ayos lang basta pareho sila nasa Christmas special. Actually pareho naman sila andun lagi nung last year lang wala si Sarah at may sakit daw... Daw. Haha. So balik tayo sa kasalukuyan haha. Ayun mali nga ang blocking. Pero kagulat nung nagsabi si ate Jen via dm na lumipat ng pwesto si B at nasa gitna na silang dalawa ni Sarah. Ayun buti may FB live hehe... Ni watch ko, aba oo nga haha. Yung pagbalik na nila after the other performers had performed, bumalik ang coaches and then parang wow magkatabi na ang AshBoo haha. Para-paraan B? Haha pero syempre opinion ko lang yun. Opo, ang nasa isip ko po ay sinadya ni B na medyo magpa-late sa 2nd part na babalik na sila sa stage hahaha. Tapos nagjoke pa nga kami na medyo walang distance yung dalawa sa gitna kasi naiipit nung dalawa pang coaches na di kaliitan hahaha ... Peace! Ganyan kakulit ang AshBoo fans. Ayos nga eh parang nagsisiksikan sila sa gitna. Pero oo nga pala bago yun, napansin din ng fans nila syempre na sulyapan yung dalawa nung 1st blocking na di pa sila magkatabi haha. Eh kita naman eh haha. Wag kayong ano, nakita yun sa video hehe.
So yun mukhang sea gull na naman ang AshBoo fans hahaha. Di na naman magkamayaw sa kakaingay sa twitter. Si Cha na shock sa picture na pinakita ko na magkatabi na nga haha. Natawa ako sa tanong niya na paano daw nagkatabi eh magkahiwalay palang kanina. Na sinagot ko naman ng makulit na para-paraan syempre. Sige lang ashboo fans haha... Kasi bihira naman to mangyari. Hahaha take this moment ika nga.
So that's all for now... AshBoo is present on ABS-CBN CHRISTMAS SPECIAL...maliit na bagay lang na magkasama sila with other performers peron super saya na po namin sa maliit na bagay na yun. Kaya wag kayong bitter, at least appreciative kami sa maliit na bagay. Wala man silang collab okay lang basta magkasama sila dun.
(Thank for reading... There's another story to share about 24KMAGIC collab naman ng ashboo next time po yan... Antok na ako eh hehe. Thanks for still reading my stories! Good night! Ay 2 a.m na pala, good morning!)
astEngagL -
BINABASA MO ANG
My AshBook
FanfictionWhere did I start being hooked to these two amazing music royalties? Paano nga ba nagsimula ang lahat? Bakit sakanila nahulog yung puso ko? Mga tanong na minsan mahirap talagang ipaliwanag. Kaya naisip ko agad na gawin to. A rush decision though...