CHAPTER THIRTY-FIVE (𝙸𝙸)

20.7K 1K 77
                                    


Smith hospital is 82 km from where we are, and us, I'm talking about Ashton and I, needs to travel for 54 km to go back to our HQ. Just by thinking how long we will travel to go back makes my head aches. Kung sana'y maayos ang kapaligiran eh. Ngunit hindi. Makulimlim ngayon-wala nang nakakatakas na araw sa mga ulap dahil sa polusyon. Ghad.

"Ang layo," Lance said frowning. Halatang hindi ito sang ayon sa plano. Pero ano ang magagawa namin? Wala.

Isa pa, hindi kami maaaring makapagcommunicate. Remember our upgraded cellphones? Hanggang 10 km lang ang dapat na distansya para kami'y makapag usap-usap.

"What vehicles would you use to go back there?" Tanong ni Allison. Well, isa pa 'yan sa problema. Wala kaming masasakyan at kailangan pa naming humanap rito kahit lumang kotse na umaandar. Pero kung titignan ang kapaligiran? Malabo.

"Ah!"

Sabay-sabay kaming nakatingin kay Farrah na nakita kong dali-daling tumatayo mula sa kanyang upuan at halos matapon na ang pagkain niya.

Well yes, we're now eating. Isa sa dahilan kung bakit hindi pa kami nakakaalis imbis na kanina pa.

Our lovely mentor- ate Tracy doesn't want us to go there na walang laman ang aming tiyan- that's what she said. At dahil luto na ang pagkain namin, mabilis niyang inutusang ang iba kanina na pumasok sa loob at kuhanin ang mga plastic plates and utensils pati tubig sa refrigerator nila. Pero sa tingin ko'y bukas pa kami makakabyahe. Bakit?

Kasi makulimlim. Halatang uulan nga. Isa pang dahilan, maggagabi na. Tumatiming lang itong si ateTracy at kunyari'y patay malisya tapos mamaya, kapag papaalis na kami, sigurado ako, babanggitin niya ang mga iyon-na uulan at pagabi na, mapanganib.

Huminga ako ng malalim. Wala kaming ibang magagawa ni Ashton. After all, we're team. Hindi papayag ang mga ito na paalisin kami ng alam nilang may mangyayaring masama sa amin.

We're just leader, kaya maaari rin kaming mapahamak.

Naputol ang aking pag iisip ng may humawak sa aking kamay at pilit akong pinapatayo. Sino pa ba?

"Best dali! May ipapakita ako sayo!" Wala na akong nagawa kundi tumayo at sumunod sa kanya. I heard some of the guys- from the other group asking what Farrah just said, which Ashley gladly explained, thankfully.

"Ano ba 'yon?" Bugnot kong tanong rito. She just wink at me. I rolled my eyes at humalukipkip nang bitawan niya ang aking kamay mula sa pagkakahila.

Lumapit kami sa aming malaking sasakyan. Kumunot ang noo ko. Ano ang ipapakita nito sa akin?

Binuksan niya ang pinto at humarap sa akin ng may malaking ngiti sa labi bago ako sinenyasan na sumunod. Wala akong ibang nagawa kundi ilakad ang mga paa ko upang sumunod sa kanya. Bwisit 'tong babaeng 'to, pa-intense. Bakit hindi na lang niya sabihin kaagad?

Dumaan kami sa living room nitong sasakyan- 'yung may nga sofa, kung saan kami nagmimeeting. Nang lumagpas kami mayroong pinto na siyang binuksan ni Farrah at bumungad sa akin ang mga kutson na dikit dikit na ilalim, actually twelve na kutson yata rito sa ibaba, habang sa gilid naman ay may mga kama na nakadikit, este nakadugtong mismo sa mga metal sa gilid na parang lumulutang, Nuebe ang mga kama na nakaganon. And I think, napakatitibay nito dahil gawa sa makakapal na bakal ang mga nagdurugtong rito. Maluwag ito... ah! Ito ang sinasabi nilang bedroom, huh?


At nang nasa pinakadulo kami ay may pinto muli. At nang binuksan ito ni Farrah ay namangha ako.


"I told 'ya! May mga motorsiklo!" She said excitingly while looking at something she discovered. Oh my gosh!

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon