Chapter 11: Finding Her

52 4 0
                                    

Cassandra's POV

"Ehem, ehem........" napaubo na lang ako pagkagising ko, base sa tingin ko at experience nasa lumang warehouse ako, hayy......pati ba naman dito may naghahabol sakin, mga gangsters na yan talaga, tsk.

"Gising ka na pala, Princess!" sabi ng isang lalaking medyo familiar sakin kasi nakikita ko na siya sa mga gang fights.

"Bakit ba ako ang pinupunterya mo? Bakit ayaw mong sa mismong gang na lang namin, mind your own business nasa K-Pop Industry na ako, wala na kong time para diyan!" sabi ko.

"Aba matapang ka ah, alam mo bang pedeng pede kitang barilin ngayon?" sabi niya.

"Oo, kaya ko din namang umiwas eh, di ako tanga" sabi ko.

"Hay pero anyways, di naman yung gang standing ang kailangan ko eh kayo nga ang number 1 sa gangster world, sa tingin mo ba madaling agawin yon? Kaya pera muna ang kailangan ko sayo" sabi niya.

"Hahaha ano ako? Uto-uto?" sabi ko.

"Kung hindi mo naman ako sususndin, idadamay ko sa gangster world ang pinakamamahal mong EXO" sabi niya.

"Tapos?" I asked.

"Iyon na! Sige maiwan muna kita diyan, haharapin ko pa sila, nandon sila sa labas hinahanap ka tapos ikaw ganyan lang?"

"WHAT THE HECK?" I said, ano ba yan its better kung hindi na nila ako pinansin, nadamay pa tuloy sila kaya ko naman eh, makatayo na nga.

Xiumin's POV

Nandito kami sa tapat ng warehouse na itinext kay Sky, bigyan daw namin sila ng 5 million para pakawalan ng buhay si Sandra, kaya kumuha si Sky ng five million muna sa account niya.

"Putek ano ba yan? Makakatok na nga!" bulyaw ni Kris at kumatok.

"Tama ba tong adress na pinuntahan natin?" tanong ni Suho.

"Oo, eto oh warehouse 10, Chongha Subdivision" sabi ni Sky.

"Wait guys may tumatawag lang sakin" sabi ni Ji Soo kaya sinagot muna niya yun.

"Sige" sabi ni DO at pumunta muna si Ji Soo sa likod.

Napansin ko namang bukas na yung warehouse na kanina ay sarado, wow may multo ba di.....to......

"Guys bukas yung gate" sabi ko na halos bulong na.

"Ano?! Bu......kas?" napatigil si Kai at napalapit sa gate na wala ng lock.

"Guys bukas nga tara" sabi ulit ni Kai kaya sumunod na kami pati si Ji Soo na tapos na yung tawag.

"Guys, hinahanap tayong lahat sa SM, sabi ko bukas na tayo makakabalik kasi nagrereunion tayo ng Family and Friends natin kaya naniwala naman sila" sabi ni Ji Soo kaya napailing na lang ang iba.

"Hello?" tawag ni Tao pero wala namang sumasagot.

Biglang nabuhay yung TV na nasa taas at nandoon si Sandra na nakatali at bagot na nakaupo.

"Hahahaha" rinig kong tawa ni Kris kaya lahat kami ay napasama ang tingin sa kanya.

"Bakit? Hay nako sabi ko sa inyo nagaksaya lang tayo ng oras sa pagpunta dito, yang pang babaeng yan" sabi niya.

"Huh? Bakit?" tanong ni Chen.

"Kaklase ko yan sa training ko dati you know battling, at ang masasabi ko lang, nakakatakot siyang kasparring" sabi niya.

"So, nakilala mo na siya dati? Bakit di mo sinabi samin?" tanong ni Suho.

"Nalaman ko lang noong sinabi niyong Jin yung apilido niya" sabi ni Kris kaya napabalik ang tingin namin sa TV at nakitang wala ng nakataling Sandra doon.

"Putek? Nathan na thiya?" sabi ni Sese.

Nakarinig naman kami ng kalampag sa isang room na nandito sa loob kaya agad kaming nagpunta doon para buksan pero nakalock.

"Wait lang guys, tabi" sabi ko at bumwelo at tsaka sinipa yung pinto.

"Woah, galing mo hyung ah" rinig kong sabi pa ni Baek kaya tinanguhan ko na lang sila at pumasok na kami.

"Guys?!" tanong ni Sandra ng mapadako ang tingin niya samin, napapalibutan siya ngayon ng nasa mahigit na 20 na lalaki pero ngayon nasa amin na ang kalahati, ano ba yan siya magisa lang tapos kalahati kaagad?

"Rock n' Roll guys" sabi ni Tao na sumugod na kaya nagsimula na din kami.

Suho's POV

"Guys, thank you talaga. Pero, bakit niyo ba ako hinanap?" tanong Sandra samin, nandito kami ngayon sa bench na tanaw ang beach at nanonood ng sunset.

"Wala lang" sagot ni Xiumin, seriously dre? Wala lang? Ikaw pa nga tong sumipa ng pinto kanina.

"Hay nako Sandra, wag kang maniwala diyan kay Xiumin, syempre friend ka namin" sabi ko at nginitian siya, nagsitanguhan din naman yung iba.

"Okay guys! Tara na! Hinahanap na tayo sa entertainment, umiwi na tayo sa mga dorm natin" sabi ni Sky kaya nagsitayuan na kami. Ako, si Sehun, si Baekhyun sa isang kotse ni Xiumin, si Sandra, Sky at Ji Soo naman sa bagong kotse ni Ji Soo, astig nga nong kotse niya ang ganda, si Kai, DO, at Chen sa kotse ni Chanyeol tapos yung M sa kotse ni Tao.

Mga ilang minuto din ng nakarating kami sa Entertainment main building.

"EXO! Saan kayo nang galing?!" hay si manager hyung talaga...........😒

-----------------------

When The Fangirl Became The Idol [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon