Attention! I want you guys to know that this is the chapter that happened to Rose before she met Henry. YOU GUYS REALLY NEED TO READ THIS PART! Even though it has a little bit long chapter. But this will able all of you understand the story. Please read wisely! :)▪▪▪
|The Flashback|
-Rose-
Nakatingin ako sa salamin at ibinubutones ang aking uniform. Papasok na ako sa school. 17 years old palang ako noon. At nalalapit na ang 18th birthday ko. At ine-expect ko na magiging maganda ang debut ko. Dahil ipinangako iyon sakin ng aking mga magulang.
"Ate?" Sigaw ko habang bumababa ng hagdan. May kaya kami. Malaki din ang bahay namin. Nag aaral din ako sa Private school, dahil doctor ang mommy ko at at ang daddy ko. Doon din sila nagkakilala sa ospital. At pagkatapos ay nagkadebelupan sila at naging mag asawa. At ngayon, heto na kami. Isinilang nila ang dalawang magagandang babaeng anak -ako at ang Ate Flora.
"Ate papasok na ako sa school! Asan ka na b-" napatigil ako sa pag sasalita, ng makita ko si Ate. Humahagulhol sa pag iyak. Nakaupo sya sa gilid ng comfort room.
"A-ate?" Kinunot ko ang noo ko. At nalungkot ako sa nakita ko. Nang tawagin ko ang pangalan nya ay itiniaas nya ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Namamaga ang mga mata nya sa pag-iyak. Mas lalo akong kinabahan sa nakita ko.
"B-bakit ka umiiyak?" Umupo ako sa harapan nya, "Anong problema ate?" Tanong ko.
Patuloy lang sya sa pag iyak at hinawakan nya ang mga kamay ko.
"Rose..." Mahinang tawag nya, "sila mama." Banggit nya at sunod sunod na pag hagulhol ang inilabas nya. Kinunot ko naman ang noo ko. Nadagdagan ang pag aalala ko dahil sa sinabi nya.
"Ha? Bakit?" Inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sakanya, at hinaplos ang braso nya, "a-anong nangyari kila mama?" Tanong ko. Nagsimula ng tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba. Wag sanang... Hindi. Hindi pwede. Hindi iyon mangyayari. Hindi iyon pwedeng mangyare.
Matagal pang bago sumagot si ate. Umiyak lang sya ng umiyak. Namumuo na ang takot sa isipan ko.
"Ate! Sagutin mo ko!" Itinaas ko na ang boses ko sakanya. Gusto kong malaman. Gusto kong sagutin nya ako, "anong nangyari kila mama?!" Tanong ko at iniaalog ang braso nya.
Bago ang araw na iyon ay nagbook ng flight sila mama at papa papuntang America para sa kanilang trabaho. Hindi nila sinabi kung para saan iyon dahil hindi naman kami marunong makialam sa mga proyekto nila sa trabaho. Gabi sila umalis ng bansa. Kaya ngayong hapon ay dapat tumawag na sila sa amin na kung nakarating na ba sila.
Nanginginig na ang mga balikat ang buong katawan ko sa takot. Pero hindi pa rin ako sinasagot ni ate. Nagsimula na akong magalit sakanya, inalog ko ang braso nya, "ate!? Ano ba!? Sumagot ka naman! Please!" Nagsimula na tumulo ang luha sa mga mata ko, "sabihin mo! Anong nangyare kila mama!?" Sabi ko sakanya, almost shouting.
Nagpatuloy sya sa pag iyak. At kinuha ang dyaryo sa tagiliran nya at ibinigay iyon sa akin. Napakunot ang aking noo at dahan dahang tinignan iyon.
Eroplano ng NAIA, nag crash. Lahat ng pasahero, pinaghahanap!
Nanglaki ang mga mata ko at bumuhos ang luha sa nakita ko, "A-anong ibig sabihin nito ate!? Bakit mo ba binibigay to sakin, ha!?" Malakas kong ibinalik sakanya ang dyaryo na binigay nga saakin, "wala dyan ang sagot sa tanong ko! Gusto kong sagutin mo ko!" Hindi ko namalayang umiiyak na ako gaya nya, inialog ko ulit ang braso nya, "sagutin mo ko! Anong nangyare kila mama-"
YOU ARE READING
Dangerous Rose
RomanceShe's been bullied, been hurt physically and emotionally. And worst, been raped by someone she loves. She will do everything and anything to make them suffer from what they did. And after her bad experiences in life, she didn't think of trusti...