Raph Pov
Napahiga nalang ako sa sobrang pagod. Hindi ko aakalain na makunat pala yung batong iyon.
"You ok?" Franchelle
"Yeah. I'm. Just tired."
"We should go check the others. Let's go." Franchelle.
"Yeah. Let's go."
Tumayo na ako nagsimula na kaming maglakad. Nakakaramdam ako ng kaunting pagyanig ng sahig. Habang papalapit kami sa mga kasamahan namin, mas lalong lumalakas ang pagyanig. Parang mga nagbabagsakang malalaking bato. Tumakbo na kami at gaya ng aking inaasahan. May mga malalaking bato ang nagsisibagsakan mula sa itaas. Hindi ko alam kung saan galing basta sunod-sunod ang mga pagbagsak ng mga bato. Parang ulan. Teka. Ito ba yung Rain of Chaos? Nakita ko ang mga kasamahan ko na matatamaan na sila ng bato kaya naman tumakbo ako at iniligtas sila bago pa man may matamaan. Tinulungan narin ako ni Franchelle sa pagligtas sa kanila. Bakas sa mukha nila ang pagkagulat dahil sino ba naman ang magugulat. Nakatayo ka lang sa mga ilalim ng nagbabagsakang bato tapos sa isang iglap malayo ka na sa pwestong iyon.
"Sino kayo?!" Ace
"Who are you?!" Chan
"Who the hell are you?!" Shannen
"F*ck! Wag mong sabihing kalaban kayo?!" Dianne
-_-
Ang oa ha. Napatingin ako sa kanila with straight face. Kung ano-ano pinagsasabi nila.
"Raph, we should go help Kuya Rolly. He needs back up" Franchelle.
"Ok."
"Oy! Oy! Teka lang." Ando
"P*ta, wag niyo kaming iwan!" Athena
Hindi ko na sila pinakinggan at nagtuloy-tuloy na sa lalaking kumakalaban sa boss. Isang lalakeng may dragon scales katulad ko pero hindi sa kamay kundi sa mukha. Pula ang kanyang mata at may nagsisilabasang apoy sa kanyang katawan. Normal ang kanyang nga bisig pero alam mong mainit iyon dahil sa apoy na inilalabas nito. Mabilis itong gumalaw. Nagkatinginan kami ni Franchelle at agad kong naintindihan. Pumunta ako sa likod ng boss at sinipa ng malakas paitaas. Nagulat si Rolly ng makita niyang lumilipad ang kanyang kalaban pero agad din siyang nakabawi. Pagkabagsak ng boss agad ko ulit itong sinipa papunta sa likod ko. Nakarinig ako ng malakas na impact, hindi sa sahig, kundi sa lakas ng impact ng pagkasuntok ni Franchelle at patuloy ito.
76%
70%
69%
65%
60%
Tinulungan ko na rin ito. Sinuntok ko ang kanyang mukha ng paulit-ulit. Tumulong narin sa paghit si Rolly kaya wala nang nagawa ang boss kundi tanggapin ang lahat.
54%
48%
41%
30%
21%
4%
0%
Nagkabasag-basag ang kanyang katawan. Senyales na natalo na namin ito. Napaupo si Franchelle nang dahil narin sa pagod. Naglakad ako papunta sa kanya at umupo narin sa tabi niya. Napalingon siya sa akin pero nginitian ko nalang siya.
"Oy love birds, mamaya nalang pwede? Tulungan pa natin si Zed." Rolly
Tumayo na ako at inilahad ang aking kamay sa kanya. Bahagya namula ang pisngi niya at nag-iwas ng tingin. Teka, may sakit ba ito? Kinuha niya ang kamay ko ng hindi nakatingin at tinulungan ko siyang makatayo.
"You ok?"
"Yes. Let's go." Franchelle
Pumunta na kami sa gawi ni Zed na matamang nakikilaban sa warlock na iyon. Hindi na ako magtataka kung iba na ang itsura niya. May pakpak siya na puti at may halo sa kaniyang uluhan. May hawak itong kulay puti at shield na kasing laki na niya. Ang katawan niya ay umiilaw ng puti at may scales din siya sa kanyang kanang braso. Narito narin ang mga kasamahan namin.
"Putek, kayo na ba yan?! Mukha kayong halimaw!" Nard
"Wag na lagyan ng mukha dahil halimaw na talaga sila. Mga mamaw eh!!" Ando
"Lakas niyo naman." Deb
"Oy, oy share naman ng powers niyo hahaha." Athena
"Oo nga. Madaya." Ace
"Woot! Woot! Lakas natin ah!" Dianne
"Edi kayo na." Shannen
"French Fries!!" Chan
Napatingin kami sa huling sumigaw.
"Gutom na nga kasi ako." Chan
"Puro ka pagkain." Ace
"Eh kasi nga gutom ako." Chan
"Don't talk to me." Ace
"Ace naman." Chan
Napailing nalang ako sa kulitan ng dalawang ito. Naghanda na ako at sumugod sa kalaban. Itinaas niya ang staff niya at nagpalabas ng mga fireballs ngunit madali ko lang sila nailagan. Sumugod narin si Franchelle at nagpalabas siya ng maraming wind spear sa paligid niya at ipinatama iyon sa boss.
Clones
Bulong ko. Pero, walang lumabas. Eh? Tiningnan ko ang skill ko sa skill box at nawala silang lahat. Tanging yung one-hit skill ko lang ang natira. Huh? Ano to? Bug?
"Ilag!" Franchelle
Ngunit huli na nang marinig ko iyon. Natamaan na ako ng lightning bolt na nasa kamay niya. Argh. Ang sakit. Tumilapon ako sa lakas ng impact. Bumaba sa 76% ang hp ko. Hindi ko aakalain na malakas pala iyon. Tatayo na sana ako pero hindi ko maigalaw ang katawan ko kasabay ng paglabas nito sa V.S. ko
Character sa been paralized. Can not move for 10 sec.
Lumapit sa akin yung boss at ihahampas na niya sa akin ang kanyang staff pero sinalag ito ni Zed gamit ang kanyang shield. Nagcast narin ng kanya kanyang skill ang mga kasama ko.
"Freezing Arrow" Nard
"Impact Shield" Ace
"Tripple Bash" Ando
"Water Prison" Deb
"Blazing Lance" Chan
"Holy Light" Rolly
At yung mga medic nag buffs lang. Malaki ang naibawas namin sa kalaban. Mula sa tatlong patong na lifebar ay naging dalawa't kalahati nalang ito. Kasabay non ang pagkawala ko sa paralized effect na iyon. Tumayo na ako at naghanda na ulit lumaban.
Sinuntok ko ito sa tagiliran pero sinalag niya ito gamit ang kanyang staff ngunit hindi ako tumigil at tinangka ko ulit siyang suntukin sa mukha pero inilagan niya lang ito. Hindi pala biro ang boss na ito. Kahit apat na kaming sabay-sabay na umaatake ay naiilagan parin niya ang mga ito. Lumayo muna ako sa boss at nag-isip. Ano bang pwede kong gawin. Masyado siyang malakas at mabilis. Hindi kaya kung simpleng mga atake lang dahil nababasa niya ang mga ito. Nag-open ako ng menu at tiningnan ulit ang skill box ko. Ganun parin. Isang skill lang meron ako. Pinindot ko ito at may lumabas sa V.S. ko ang