Chapter 18: So close to...

9.6K 205 6
                                    

"Kare wa anata no ushironi arimasu."

Yeah, that's right. I'm right behind you, AD.

~ ~ ~

"'Wag kang magmukmok mo diyan. Ikaw mismo ang sumayang sa pagkakataon kanina."

Napabuntong-hininga ako at tinanggap ang bote ng alak na inabot niya. "You know I can't just show myself to her like this."

Nginisihan ako ni Neiji -- ang kanang kamay ko at ang kasalukuyang namamahala sa lahat ng naiwan dito. Sumandal ako sa upuan ko at sandaling ipinikit ang mga mata ko. God knew how much I wanted to run to her and pull her into my embrace again. Just like months ago when they we're in Palawan.

"You've been waiting for this for almost three years now."

Alam ko 'yun. Alam na alam ko. Inayos ko ulit ang upo ko at nagpakawala na naman ng malalim na buntong-hininga. "I miss her."

"Then go to her and be a man."

Nobody in my family has been informed that I'm already here. Ayokong malaman nila nang hindi nalalaman ni AD. Damn it. Just saying her name makes it worse. I miss her so bad.

For almost three years without her was hell. Ito ang naging unang magkakataon na makita ko ulit siya ng ganoon kalapit. Ginawa at tinapos ko na ang lahat ng dapat kong tapusin. Nasunod ko na ang kasunduan kaya naman wala ng makakapigil na makita ko siya ngayon. But fuck, this is the hardest in everything I've done -- ang magpigil na lapitan siya.

Nagawa ko na noong lumabag sa kasunduan. Iyon ang araw na nalaman kong may seminar sila sa Palawan. That was my lowest point and I risked my life just to see her. Hindi ko man nagawa ng malapitan, nagawa ko naman kahit na nakatingin lang ako sa malayo. That resulted to more months with that damn old woman in the hell country. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ang ginawa ko.

Nauwi lang din ako sa pagbalik sa hotel kung saan ako ngayon tumutuloy. Hindi ako babalik hangga't hindi ko siya nakakausap muna ng maayos. Gustong-gusto ko na siyang lapitan kanina pero ni hindi ko magawa.

"Putangina, Francis, sa tingin mo tatanggapin ka na lang niya nang ganoon kadali?"

Para na akong tangang kinakausap ang sarili ko. Nakagago na 'to.

Nang makapasok ako sa hotel room ko ay hindi na ako nag-abalang magpalit. Ibinagsak ko na ang sarili ko sa kama at pumikit. Pagod na pagod na ako pero hindi naman ako makatulog.

She still demands everything she wants. Tea is still her thing. Her features were the same but only that they did mature. Ni hindi ko alam na may igaganda pa pala siya. She's been beautiful since then but she's more stunning today.

It will take more than my self-control to not hug her to death when I see her again.

~ ~ ~

"S-Sir, a-akala ko po kasi hindi niyo na kami babalikan. A-Akala p-po namin pinaubaya niyo na kami kay Neiji!"

Natawa na lang ako at tinapiktapik ang huli kong apprentice bago ako umalis. Siya ang isa sa mga bodyguards ko noon. Binatang-binata na siya ngayon at ang laki ng pinagbago. Mukhang maganda ang ginawa ni Neiji sa kanya.

Kahit na sinabi kong ayos lang ay hindi pa rin sila nagpapigil na maghanda ng ganito. They prepared a small party. Pa-welcome party naman daw nila para sa'kin.

Laging may report si Neiji tungkol sa mga pagbabago at balita dito. Kaya naman hindi na ako nagulat na halos hindi ko na makilala ang ilan sa kanila. Pati ang lugar na 'to ay may mga pinagbago na rin.

Pagkatapos doon ay nagpunta naman kami ni Neiji sa mga casino. Marami na ring pagbabago pero wala namang problema sa pamamalakad.

That old woman did kept her part of the deal after all.

Magugustuhan mo rin ang

          

Wala naman na akong ibang gagawin kaya naman bumalik na ako sa hotel. Hindi rin naman ako pwedeng makita ng kahit sino. Lalong-lalo na ang mga ugok kong pinsan. Kaya lang ay mukhang maling ideya na bumalik ako doon.

"I miss you, man! Ang kiss ko?"

"Tangina mo, Alexei, tigilan mo nga ako."

Tinawanan lang niya ako at inakbayan pa. "How's your grand return here? Kamusta si A--"

"Ilibre mo ako ng hapunan."

Hinila ko siya papunta sa restaurant ng hotel na ito. Tinawanan lang na naman niya ako dahil alam na niyang iniiwasan ko ang bagay na iyon. Ayokong pag-usapan siya dahil baka hindi na ako makapagpigil at liparin ko ang ospital, makita lang siya.

Bibinaba ni Alexei ang hawak niyang bote ng alak. "Nandito na pala ang lawyer ni madame."

Kumunot ang noo ko. "Malaki pa rin ang kasalanan niyang matanda mong babae kaya itigil mo muna ang pagbanggit mo sa kanya."

"Hanggang ngayon ba naman?" Ngumisi siya. "Madame was happy with your decision so be glad. Buti nga ay pinauwi ka na niya."

Napailing ako. "Ako pa ngayon ang may utang na loob na pinauwi na niya ako? Baka nakakalimutan niyong sapilitan niyong ginawa ang mga pinagawa niyo sa'kin?"

Tinawanan na naman niya. Nabaliw na yata talaga siya kasama ang matandang iyon dahil tawa na naman siya ng tawa. Hinayaan ko na lang siya at nagsimulang kumain ng dumating ang in-order niya.

"You've save everything that are rightfully hers. Isipin mo na lang na kung hindi mo ginawa iyon ay baka namatay si madame ng minumulto si --" Hindi na niya itinuloy ang pagbanggit sa pangalan niya ng tignan ko siya ng masama. "Ang sensitive mo. Hahaha! Makikipagpustahan ako sayo, hindi ka tatagal ng hindi mo siya kinakausap o kaya naman ay kahit lapitan lang."

I don't have the energy to argue with him. I do miss her. So much. At alam na alam kong hindi na talaga ako magtatagal ng hindi pa siya kinakausap.

Wala namang nagbago sa paglipas ng halos tatlong taon.

Mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal.

~ ~ ~

"Kailangan mong mapirmahan ang lahat ng ito."

Nag-angat ako ng tingin at napasimangot ako ng makita si Alexei. Kailan ba ako tatantanan ng lalaking 'to? "Sino ang nagpapasok sayo dito?"

Ngumisi lang siya at prenteng naupo sa sofa. "E 'di 'yung mga alipores mo. They are kind enough to let me in."

Napailing na lang ako at lumipat ng upuan sa tapat na sofa niya. Wala naman akong magagawa dahil nandito na siya. Kung paalisin ko naman siya ay alam ko ng hindi niya ako tatantanan maghapon. Mas maganda ng harapin siya ngayon.

"Ano ba ang mga ito?"

"'Yang ang mga papeles na papapirmahan sa kanya. Kailangan rin ng pirma mo dahil ikaw ang tumayong guardian sa paglilipat sa kanya ng lahat."

"Hindi ba pirma ng matandang babaeng iyon ang kailangan?"

"'Wag ka ng makulit. Ikaw ang tumayong guardian niya, tapos ang usapan. Bakit ngayon ka pa aangal e heto ang pinaghirapan mo?"

Kinuha ko ang mga papeles sa kanya at sinimulang basahin ang laman noon.

Almost three years ago, I was kidnapped by Alexei for this. I have to make sure everything is fine. Naaalala ko na naman ang boses ng matandang babaeng iyon.

"Manang-mana sa'kin ang ina niya kaya naman sigurado akong manang-mana rin siya sa pinagmanahan niya. Her mom wouldn't take this so it is better to make sure my plan B is on it's way -- and you, young Montelvaro, will help me."

Tumataas pa rin ang balahibo ko tuwing maririnig ko sa isip ko ang boses ng matandang babaeng 'yun. Hindi ko ginawa ang lahat para sa kanya, ginawa ko iyon dahil may kinalaman iyon kay AD.

"Alam mo, ikaw lang naman ang nagpapahirap sa sarili mo. Umuwi ka na sa kanya nang makauwi ka na rin sa mismong pamilya mo."

Napangiti ako. "Nami-miss ko na nga sila pero alam kong maiintindihan naman nila. Mommy would definitely be mad but she'll forgive her only son."

"Hindi muna ako magpapakita sa pamilya mo dahil kung sakali pala ay ako ang kakatayin nila. Ako ang kumuha sayo."

Ako naman ngayon ang ngumisi. "Buti alam mo. Magtago ka na sa pinanggalingan mo dahil isusumbong kita sa prinsesa namin."

Nakita ko na agad sa mukha niya na hindi nga niya gugustuhing makaharap ang bunso namin -- si Kayelle. "Don't mention your spoiled cousin."

Tinawanan ko na lang siya at tinapos na ang binabasa ko. Nang masigurado kong maayos na ang lahat, pinirmahan ko na ang kailangan mapirmahan.

~ ~ ~

"Excuse me, Miss Asinas?"

Nakakunot na agad ang noo niya. "Yes?"

Enru looks like he expected her to be this grumpy. Nasanay na siguro talaga siya matandang babaeng iyon. Napabuntong-hininga na lang ako.

"I'm your grandmother's lawyer. Can we talk?"

"About what?"

"You and Mr. Francis Montel--"

Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. It was all blank. "No."

Tumayo na siya at ganon ganon lang naglakad na siya paalis. Zachary was already looking apologetic to Enru. Bumuntong-hininga lang din siya at tumayo na.

"Come back here tomorrow. I'll try to talk sense to her. You are...?"

"I'm Enru Reyes. Pakisabi na lang na urgent ang kailangan naming pag-usapan."

Tumango ang pinsan ko at sumunod sa kung saan man nagpunta si AD. Ngayon naman ay hinarap ako ni Enru.

"We need Miss Asinas to sign this. You know that, sir. Aalis na ako."

Napabuntong-hininga lang ako at napatingin kung saan sila nagpunta.

I walk to where they are going. I need to see AD now.

The Asshole Mafia Boss and the OB-gyn BitchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon