~ 43 ♡ Pink Alert ♡

2.5K 39 2
                                    

Dedicated this chapter to kylierouselette jhoyfajiculaydorothy_ganda raChelle_wallbyPrincessWithDarkSide TwentyNineAlandra BlesBasergo EinafitArenasMayAnnSimeros rexellyn47 JannineCayabyab Love lots! 😍😙😚

//

~ Maimai

One week. Isang linggo na ang nakalipas simula ng umalis sila stacy.

Maraming nagtatanong lalo na sakin kung bakit bigla nalang silang umalis nung araw na yun. Pero kahit na anong tanong nila, hindi ko pwedeng sabihin. Yun lang ang pinanghahawakan ko sa ngayon. Sa loob ng maraming taon, ngayon lang ako nagkaroon ng mga tunay na kaibigan. Ngayon ko lang naramdaman ang tunay at tapat na kaibigan.

At sa kanila yun.

Miss ko na sila.

T____T

Medyo matagal pa bago ko sila makita. Hihintayin ko pa ang bakasyon at pupuntahan ko agad sila. Kahit malayo wala akong pakealam.

Yung araw na na tumawag si stacy sakin, yun ang araw na sinabi nya sakin ang mga dahilan ng biglaang pag alis nila. Yun din ang araw na binigay nila ang address nila sa korea.

Sobra ang tiwalang binigay nila sakin. At nangako ako sa kanila at sa sarili ko na hinding hindi ko yun sisirain.

Gusto ko na silang puntahan...

"Hey! Tara?" Nagulat ako sa biglang pag sulpot ni macky sa likod ko.

"Sabay ako" si engel naman.

Silang dalawa na ni macky ang nakakasabay ko mag lunch simula ng mawala sila stacy at lyca. Pero madalas si macky lang.

"Oh? Si shirley? Hindi mo yata kasabay ngayon?" Tanong ko kay engel. Sya kasi minsan ang kasabay nun mag lunch dahil nung araw na nawala si stacy, yun din ang araw na nag break si shirley at Ian.

Yes. Nag break ulit. Hays ewan.

Ang gulo nila.

"Umuwi na sya. Nahihilo" malungkot na sabi ni engel.

"Nanaman???! Tsk." -macky.

"Napapadalas yata ang pag absent ni shirley lately? Bumabalik ba yung sakit nya??" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami.

"I don't know. Mamaya pupunta ako sa kanila." Sabi ni engel.

"Ahh.. sige samahan kita" nakangiting sabi naman ni macky.

Pagpasok namin ng cafeteria, as usual... pinag titinginan nanaman kami ng mga inggitera. Pano ba naman, kasabay kong naglalakad ang dalawa sa heartrobs ng EU.

Wala silang pake! Maglaway sila!!


Ayan na naman yang babaeng yan oh!

Oo nga! Kasama nanaman nya si papa macky!

Oo nga! Malandi talaga!

Mana talaga sa mga kaibigan nya!

Sinabi mo pa!

          

Pati si papa engel nilalandi nya!

"Don't mind them." Nakangiting bulong sakin ni macky. Ang sama na kasi ng tingin ko sa mga babaeng kung bumulong, wagas! Kulang nalang isigaw.. mga pesteng bulate chicks to! >__<

"Ako na ang oorder" sabi ni engel.

"Okay." -macky

"Thanks"  sabi ko naman tapos naupo nako sa hinilang chair ni macky sakin. Ang sweet nya talaga! Kaya nga love na love ko sya! ^__^

Naupo na din sya sa tabi ko.

Baka nagtataka kayo, at nag iisip sa mga oras nato. Yes. Tama ang iniisip nyo. Nakaupo ako ngayon sa sagradong upuan, este pwesto pala ng apat na heartrobs dito sa EU kung saan sila lang ang may ari. Naiiba at walang nakakaupo kundi sila lang.

Alam na din namin ang kwento kung bakit. Well masasabi kong napaka valuable ni Ian pagdating sa mga ganitong bagay. Isipin mo yun? Ayaw nyang pinauupuan ang chair ng kapatid nyang dito mismo namatay.

At masasabi ko ding napaka swerte ko dahil bukod sa kanilang apat, ako, si lyca at stacy palanh ang nakakaupo dito sa pwesto nila. ^__^

How lucky I am knowing na ang daming nakatingin sakin at kulang nalang mamatay sila inggit!

"Here. Pero hindi nako makakasabay. Tinawagan ako ng mom ni shirley. Nasa hospital sya ngayon. Alis nako" sabi ni engel pagkalapag nya ng pagkain sa lamesa.

Nagulat din ako syempre. Ano bang nangyayari sa babaeng yun?? Ang maldita nya pero may sakit naman pala...

"Ganun ba? Gusto mo samahan kita?" Tanong ni macky na napatayo sa sinabi ni engel.

"Oo nga samahan ka na namin" sabi ko naman.

"No. It's okay. Hindi naman sya malala. Pwede naman kayong sumunod mamaya after class nalang siguro." Sabi ni engel kaya hindi na din kami nagpumilit pa. Naupo na ulit si macky.

Ang bilis umalis ni engel. Halatang nagmamadali sya. Makikita mo din sa kanya ang sobrang pag aalala sa bestfriend nya.

Minsan nga nagtataka ako eh. Pano ba sila naging mag bestfriend ng babaeng yun. --__'-

"Ano na namang iniisip mo dyan??" Tanong ni macky sakin.

"Ha?.. Ano lang kasi.... ahm iniisip ko lang, paano ba naging mag bestfriend si shirley at engel? I-ii mean, alam ko naman na simula bata palang, pero paano nagkasundo ang ganung opposite na ugali? Isang maldita at mabait?" Deretsahang tanong ko. Ewan. Umiiral na naman kasi ang pagiging chismosa side ko. ^__^

"Ahh.. no. Hindi talaga maldita si shirley. She's a very kind and beautiful woman inside, and in out. Yeah, ang nakikita nyo ngayon, sobrang opposite din ng ugali ni shirley nuon. Nakilala namin syang napaka bait. Matulungin, maawain, palangiti, loveable, lahat na. Halos lahat na ng katangian na gusto ng mga lalaki nasa kanya na. Kaya nga na inlove sa kanya ang dalawang lalaki nun. Pero dahil mag bestfriend ang dalawang lalaking yun, nagparaya ang isa. Kaya lang, biglang umalis si shirley almost one year ago na ang nakakalipas which is nalaman namin na ang tunay na dahilan ay nagkaron sya ng malalang sakit. At ng dahil sa sakit na yun, naapektuhan ang ugali nya. She had a brain cancer. She suffered a lot but she survived. Ang alam naming lahat, dahil lang sa career kaya nya iniwan si Ice pero mali pala. Habang galit na galit sa kanya si Ice, nahihirapan at lumalaban na pala sya sa sakit nya dun sa malayong lugar." Mahabang sabi ni macky.

But Wait...

Parang ang gulo.

Ibig sabihin,...

A Prince Jerk Meets A Beautiful Nerd - Completed -Where stories live. Discover now