Konting tiis nlng devs..kaya mo yan….ito ang paulit ulit na binabanggit ni devon sa kanyang isipan habang masusing tinatanggal ang isang Picasso painting sa office wall ng tanyag at mayamang bahay, correction mansion…teka mas mukha ngang museum to eh sa dami ng mga antigo at mamahaling artifacts na nakalagak dito, ngunit isang larawan lang ang pinunta nya at yun lang ang kukunin nya.
Nadisable na nya kanina pa ang sophisticated ngunit sisiw para sa level nya ang security system ni Mr James Reid. Inorasan na din nya ang gwardya kung kelan ito babalik sa parteng ito ng bahay. Malaki ang tiwala ni Devon sa sarili nya. Bkit naman hindi, simula edad 14 ay nagsimula na ito sa ganitong uri ng trabaho. Ika siyam na taon na nya ito at ni minsan ay di pa cya nahuhuli. Mga dekalibre lang ang kanyang ninanakawan kaya naman hindi sa pagmamayabang ay mayaman na cya. Ngunit minsan ay napapaisip din cya na itigil na ang ganitong gawain, madami na naman cyang pera, bkit di na lng cya magsimula ng isang legal na negosyo kasama ang kanyang tanging kaibigan at ama-amahan na si Joe.
Hay, Devon tigilan mo na yang pagmumuni mo, tsaka na yan, tapusin mo muna tong trabaho mo….bulong nya sa sarili. Buti nlng at wala ang may-ari sa bahay. Ayon sa kanyang pagsasaliksik ay naruon ito ngayon sa Australia para sa negosyo nya at bukas pa ang balik. Well, sorry nlng Mr Reid, pagdating mo ay wala na ang iyong Picasso, trabaho lang walang personalan. Ngunit napansin nya na parang may mali sa Picassong hawak nya at habang iniisip nya kung ano ito ay biglang nakarinig cya ng ingay sa may pintuan….
Sir james ang aga nyo pong bumalik…sambit ng gwardya nya.
James: Oo, maagang natapos lahat ng business dealings ko eh.
Pagod na pumasok sa kanyang mansion c James. Didiretso na sana cya sa kanyang kwarto ng madinig ang pagtunog ng kanyang fax machine na nangangahulugang me nagpapadala ng documento sa kanya..pero cno namn kaya yun? Gabing-gabi na at saka wala namang me alam na andito na cya dahil bukas pa nga talga ang uwi nya…napansin din nyang parang di umiilaw ang kanyang alarm system sa me gilid ng kanyang opisina.
James: Sira ba ang security system natin?
Guard: Di po sir…sandali lang po at titignan ko
At dahan-dahan clang pumunta dun para mag imbestiga….
Anak ng pating!! Bkit andito tong mokong na to?? Bukas pa uwi nito ah…sambulat ni devon ng marinig ang 2 nag uusap. Nagulat din cya nung tumunog ang fax machine ngunit di na nya ito pinansin sa pagmamadaling ikubli ang sarili nya sa mga padating. Ngunit pagkatapos ng pagtunog ng fax machine ay may sumunod cyang narinig na ingay na nanggaling sa likod ng painting na hawak nya..alam nya ang tunog na iyon….
Devon: DAPA!!!
Nagulat c James sa mga sumunod na pangyayari. Isang mallit na pagsabog ang yumanig sa kanyang opisina sabay ng pagyakap at tulak ng isang di kilalang tao sa kanya. Matinik c James sa mga babae at sa pagkakayapos nilang dalawa ng sila’y bumagsak ay alam nyang babae ang taong ito. Kung di dahil sa taong ito ay marahil gutay gutay na ang katawan nya. Bgla cyang natauhan ng tumayo ang taong nagligtas sa buhay nya at parang bula na nawala. Pero teka sino ang taong ito at ano ang ginagawa nya sa bahay nya?
BINABASA MO ANG
Puso Ko, Ninakaw Mo!!
RomanceA billionaire art collector; one of the world's most eligible bachelor suddenly meets an elusive, international thief in a not so ordinary situation...can he guard his heart or will this thief finally steal it? can their worlds coexist?