Chapter 1: The real world

9 1 0
                                    

First of all, gusto ko lang sabihin na hindi ako isang lalaki na saksakan ng gwapo at ubod ng yaman na tulad ng sa ibang istorya. Im just a normal person, which is gifted in the field of "dreaming". Medyo weird no? kasi sa dinami dami ng kinds of intelligence at abilities ehh ito pa ang napunta sakin! xD. Di pa nga pala ako nakakapagpakilala, ako nga pala si Joseph Trinidad. Sa mundong ibabaw isa lang akong laruan, pinaglalaruan ng mga taong mapang abuso, at mga problema. Kaya naman masasabi ko na swerte ako na magkaroon ako ng isa pang mundo, at yun ay ang mundo ng panaginip! :) sa aking mga panaginip totoo lahat. Lahat ng mga bagay na hindi ko nagagawa sa totoong mundo eh nakakaya ko. Minsan isa akong superhero, marami na akong nailigtas. Minsan naman isa lang akong simpleng tao, pero naglalakbay sa napakagandang paraiso. Kaya naman mas marami pa ang oras na tulog ako kesa gising at nakikihalubilo sa mga tao.

.

.

.

Highschool palang ako ngayon, fourth year to be exact. Graduating pero wala akong pakialam. Di ko kasi talaga trip ang mga tao, iba iba ng ugali at personality. Kaya naman hirap mag adjust sa pakikitunguan mo.

.

.

.

"Joseph, pakopya naman ng homework mo!" sabi ng isang kong kaklase.

.

"Wala akong nagawa ehh." 

pero palusot lang yun. :P

.

"Wala ka talagang silbi. Matulog ka nalang dyan! >:("

So, ako pa ang may kasalanan? >__<"

.

.

.

As usual, kapag nasa classroom ako ehh lagi lang ako natutulog. Madalas nga akong mapagalitan ng mga teacher ko pero, sanay na sila. At isa pa kaya ko ang sarili ko pag dating sa academics.

.

.

.

Umupo na ako sa aking silya, Niyuko ang aking ulo at maya-maya pa eh nakatulog na ako.

.

.

.

(In my dream)

Nandito ako ngayon sa isang madilim na lugar, panay itim lang ang nakikita ko. Naglakad-lakad ako pero wala itong patutunguhan. Maya-maya pa ay nakarinig ako ng isang alulong. Ilang saglit pa meron namang mga yabag ng paa. Di ko alam kung saan ito mangagaling, pero alerto ako. Bigla nalang may isang halimaw na tumumbad sa harapan ko at tila ba sasakmalin ako ng bigla akong napasigaw at nagising.

.

.

.

"WAAA!!!!, Halimaw! lumayo ka sakin! wag moko kainin di ako masarap! xDDD"

.

Di ko alam kaharap ko na pala ang teacher ko. xD

.

"Anong halimaw ang pinagsasabi mo dyan? Ako? Aba! ikaw na nga tong tulog sa klase ko ehh ikaw pa itong nang-iinsulto! pwes, pumunta ka sa Guidance ngayon na!"

.

Minsan kailangan kong mag-ingat! konektado pala lahat sa tunay na mundo! xD

.

.

.

Pumunta na ako sa guidance office, pero dahil suki na ako dito ehh sanay na ako!.

.

.

.

Makalipas ang ilang minuto, pinalabas na ako. Hay! nakakatamad sermonan ng paulit-ulit. Makapunta na nga lang sa paborito kong lugar dito sa school. Sa may off-limits kung saan ako madalas matulog! :D

.

.

.

Pero tila nag-iba ang simoy ng hangin. Kung dati bagsak agad ako pagdatin dito, eh bigla nalang ako natigilan. 

.

Naalala ko ang mgasalitang binitiwan sakin ni Mam. Corpuz, yung guidance councilor namin.

.

.

.

"Kung panay sa panaginip nalang ang magiging basehan mo sa buhay eh walang mangyayari sayo!"

.

Totoo kaya yun? Eh di naman nya ako naiintindihan eh! siguro nilalason lang nya ang utak ko para matigil na ang pagtulog ko sa klase, at mabawasan ang pagpunta ko sa opisina nya! xD haha!

.

.

.

Pero dahil sa pag-iisip sa bagay na iyon ay hindi na ako nakatulog! :(

In my DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon