Wrong answer

28 0 0
                                    

Dumaan ang isang linggo na naging maayos naman ang flow ng istorya namin ni Aleria.

Unlimited texting, walang sawang conversation tungkol sa mga kung anu-anong bagay kahit walang sense, parang nag-aaksaya lang kami ng load pero ayos lang bukod sa napapagaan niya ang loob ko dahil kagagaling ko lang sa break-up eh! mas matipid pa ito kaysa sa mag-date kami.

"Magina, kylan Monthsary ntin?"--minsang tanong ni Aleria sa text.

"Hah?"--reply ko.

"Anong hah?"--tanong niya pabalik.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya kasi 'di naman kami dumaan sa stage ng ligawan.

"Bkt ang tgal mong mgreply???!!!"--halatang galit na siya.

"Eh! ksi d q alam kng anong isa2got q."--pag-amin ko.

"Hmp...!!!! Aug. 4. 'Yan ung date nung unang cnv q saung I luv u...!!!!!"--pagpapa-alala niya.

"Ah gnon b?"--reply ko.

"Anong gnon b? Prng wla kng pkialam ah!!!!!!"--na misinterpret na niya ang reply ko.

"Sori po."--lambing ko

"Sori? 'Yan lng sa2bhin mo? Sori!!!!!!!"--napansin kong parami ng parami ang exclamation point ng mga messages niya.

Ano pa bang dapat kong sabihin bukod sa sorry? Kaylangan pa bang magmakaawa ako?

"Ang tgal mong mgreply ah! Bhla k nga s buhay mo! Gudnyt!!!!!!!!"--tuluyan na siyang nagalit at 'di na nag-text ulit.

Bakit ba masyadong ma-detalye ang mga babae?

Kaylangan lagi mong alam ang lahat ng tungkol sa moments niyong dalawa kahit walang kwenta o simple lang 'to. Dapat kabisado mong lahat ng "dates" kung kaylan 'yung first date niyo, first na sinabihan ka niya ng "I love you" o first na sinabihan mo siya nito, kaylan kayo nag- first kiss, monthsary, 100 days. . .at kung anu-ano pa. . .Ang dami, para kang nag-aaral ng History o ng mga formulas sa Math.

Hindi ko na rin siya nereplayan.

EPIC FAIL!!! LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon