CHAPTER NINE: The Intramurals, Day 2.
[HAYAA's POV]
Maaga ako ngayong pumunta sa school. Kahit dati naman lagi akong maagang pumapasok e. Dahil wala pa naman silang tatlo, naglakad-lakad muna ako at tumingin-tingin sa mga booth. Napansin ko naman 'yung sa souvenir booth. Pumunta ako para tumingin ng pwedeng ibigay sa kanilang tatlo. Siguro ibibigay ko 'to sa graduation.
Teka, ayos 'to, bagay 'to kay Ashie, eto na lang. Sunod ay naghanap ako ng pwede kong ibigay kay Aria. Ang hirap naman maghanap, hindi ko kasi sya gaanong kabisado e. Si Yuan na nga lang muna. Hmmm..... Ito na lang kaya? Sige pwede na 'to. 'Yung kay Aria na lang. May nakita akong isang cute na bagay, ito na lang, sana magustuhan nila ito.
"Miss, magkano itong tatlo?" -tanong ko sa bantay ng booth.
"Ano po ma'am, a, dalawa pong 120 at isang 150, 390 po lahat." -sagot nya.
"Sige kunin ko." -ako.
Inabot ko na 'yung bayad sa kanya.
"Salamat." -sabi ko.
"Thank you po, ma'am, sa susunod po ulit hehehe!"
Ngumiti ako sa kanya. Lumabas na ako para sana tignan kung nandito na sila kaso mukhang wala pa e. Pumunta muna ako sa likod ng building na lagi ko noong tinatambayan.
"Nakaka-miss din pala dito!" -sabi ko.
Hay! Ang gaan talaga lagi ng pakiramdam ko kapag nandito ako. Humiga ako sa may damuhan habang naghihintay sa kanila.
-----
[ARIA's POV]
Nandito na ako sa school. Maaga akong pumunta para mapagplanuhan ang gagawin ko kay Hayaa kasi alam ko naman na maaga sya laging pumapasok.
"Thalia, nakausap mo na ba sila Joseph? 'Yung plano ha?!" -sabi ko sa kanya.
"Oo, handa na sila, si Hayaa na lang ang hinihintay!" -sagot nya.
I smirked. Sa wakas, makakaganti na rin ako. Hayaa, wait for my sweetest revenge!
-----
[ASHIE's POV]
"Yuan! Bilisan mo naman! Daig mo pa ang babae kung mag-ayos e!" -ako.
Almost 1 hour na syang nag-aayos sa room nya, dinaig pa ako!
"Eto na!" -Yuan.
Maya-maya lang ay lumabas na sya.
"Hay! Sa wakas. Tara na dali!"
Bumaba na kami tapos sumakay ng kotse para pumasok. Pagdating namin sa school, nakabukas na ang lahat ng booth.
"Nasan kaya si Hayaa? Ikaw kasi ang tagal mo e!" -sisi ko sa kanya.
"Matagal ba 'yun? Kulang pa nga 'yung oras e." -sabi pa nya.
"Hay! Ewan ko sayo!"
Tumingin ako sa paligid ko at sakto nakita ko si Hayaa! Tatawagin ko sana sya kaso biglang may nagsalita sa speaker.
"All person with eye glasses or sun glasses will be caught and send to jail! All person with eye glasses or sun glasses will be caught and send to jail!" -sabi sa speaker.
Sigurado sa jail booth iyon. Tumingin ulit ako kay Hayaa, pagtingin ko sa direksyon nya kanina, wala na sya. Teka, saan kaya sya nagpunta?
"Nakita mo kung saan nagpunta si Hayaa?" -tanong ko kay Yuan.
"Hindi e, nakita mo na ba sya?" -tanong nya rin.
"Oo, nandoon sya kanina." -turo ko sa kaninang pwesto ni Hayaa.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd's Love Tutor
Teen FictionIsang nerd tutor na hindi nabu-bully dahil sya ang tagapagligtas ng mga estudyante kapag malapit na ang quarterly examinations. Pero sa pagdating ng transferee, biglang magbabago ang lahat. Makakapag-adjust nga ba sya sa pagbabago ng buhay nya? Maka...