Maegan POV
Katatapos ko lang magluto ng ulam, si Naia naman ay naipatas na ang mga napamili namin, siya na ang tumapos ng hindi ko pa naipapatas, tapos narin itong mag-saing, lumapit ito at kumuha ng kutsara gustong tikman ang nililuto kong ulam."Wow!! Besh ang sarap nitong Pinakbet mo, ang sarap talaga grabe, daig mo pa si Lukring" sabi ni Naia na kukuha pa sana ng ulam pero inawat ko.
"Besh, enough, kumain na tayo, wait maghain lang ako"
Pumunta akong lababo, kumuha ng plato, kutsara, baso.Nakita kong tumayo si Naia at siya naman ang kumuha ng kanin."Besh, mapaparami kain ko nito, sarap talaga"si naia
"Kuu, tama na bola mo, nalaki na ulo ko"
Kumakain na kami ni Naia ng may kumatok sa aming pintuan, nakita kong tumayo naman si Naia at siya na ang nag-prisintang mag bukas ng pinto.
"Ohh problema nyong dalawa bakit andito kayo hah"
Dinig na dinig ko ang boses ni naia kaya pinuntahan ko narin ito at nakita ko si Hiro at Dylan."Kaw naman naia, may dala kaming ulam at kanin, niyakag kasi ako ni Dylan na dito na daw kami kumain ng hapunan, para pang welcome narin namin sa inyo, nanibago nga ako ngayon dito kay Dylan, hindi na lambutin at hindi na ko kinikulit, parang nagpapakalalake na, sana naman" sabi ni hiro na nakangiti.
Napagisip isip ko na kasing tigilan na ang paghabol kay dylan dahil napapagod narin ako, kasi lagi rin naman niya akong tinataboy.
Nakita kong tuluyan ng binuksan ni naia ang pinto at pinapasok na ang dalawa.
"Daliii!! Pasok na ang sarap ng kain ko, iistorbohin nyo ani bang ulam dala nyo?!"
"Nilagang Baka" sagot ni Dylan nakita kong tumingin siya sakin pero di ko nalang ito pinansin, na parang ikinagulat nito dahil tinalikuran ko lang sila at bumalik na sa hapag.
Nang makalapit na sila sa mesa ay niyaya ko silang maupo.
"Ohh dylan , hiro maupo na kayo at kumain" tumayo ako at kinuha ang dala nilang ulam at kanin, pumunta ako sa lababo at ikinuha narin sila ng plato, kutsara at baso"
"Wait, wait, magtimpla lang ako ng juice, para masaya" sabi naman ni Naia.
Napapansin ko habang kumakain kami ay panay ang sulyap sa akin ni Dylan, problema nito di ba siya naman ang may gusto na tigilan ko na siya, ngayong tinigilan ko na ang pangungulit rito parang siya naman ang interesado sa akin, parang ulaga lang hah.
"Bat ang tahimik mo Besh, kanina ko pa napapansin hah?" sabi ni Naia na tumingin sa akin.
"Wala to besh, pagod lang ako"
"Naia, anong oras pasok nyo bukas?" Tanong naman ni hiro kay naia.
"7:00pm sabay kami ni Maegan"
"Ayy ganun ba, atleast makikita kita bago ka umalis, 5:00am kami hanggang 3pm, tapos tatawagan nalang kami ni chief kung pababalikun kami, kailan pala day off mo?"
"Sa Saturday, bakit?!"
Si naia"Ayun ohh parehas pala tayo naia" si hiro
"So?!"
"Di pwede mo na kong idate"
"Haler as if naman mahiya ka nga hiro, kilabutan ka sa mukha mong makapal"
"Ikaw Maegan kailan day off mo?" Tanong ni Dylan saken.
"Sa friday"
Walang gana kong tugon rito."Half day lang ako nun Maegan"
"Paki ko"
Nakita kong natahimik naman si Dylan, si Naia naman at Hiro ay nanlaki ang mga mata nito.
"Besh ikaw ba yan?!, "
Si naia"Bakit ba, ehh sa nakakapagod na kaya,ayokong ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman saken, excuse me maganda ako kaya makakahanap pa ko ng mas better at hindi Jokla"
"At sa palagay mo papayag ako hah!!, ngayong tinamaan na ko sayo at handang magpakalalaki hindi ka mapupunta sa iba Maegan hindi ako papayag" sabi ni Dylan na unti unting lumalapit sa akin ,nagulat ako ng itinayo ako nito at hinalikan.
TBC
BINABASA MO ANG
THE STRANGER'S KISS
HumorNag-simula ang lahat ng may isang stranghero ang biglang pumasok sa loob ng cottage nila Naia. Sa pag-aakalang isang masamang tao ito'y napasigaw siya ng malakas, upang mapatahimik siya ay dali-dali siyang hinalikan nito. Laking gulat niya ng pagbu...