chapter 70

13.2K 310 18
                                    

Sophia P.O.V

Pangalawang araw na namin itong paglalakbay patungo sa fire kingdom, kong sakaling lumipad kami ay baka kahapon pa kami nakarating pero hindi kami maaaring magpadalos dalos lalo na ngayo't nagkalat ang mga dark user. Napagpasyahan naming sa fire kingdom nalang magtungo at doon kausapin ang lahat ng hari at reyna dahil kong sakaling kami pa ang pupunta sa kani kanilang kaharian ay siguradong aabutin kami ng isang linggo.

'Malayo pa ba tayo?'- mahinang tanong ni kate at mahahalata mo ang pagot sa kanyang boses.

'Malapit na tayo'- sambit naman ni ethan at hindi naman kalaunan ay nakita namin mula sa aming kinatatayuan ang isang kastilyo.

'Wow'- manghang manghang sambit nina melody at kate.

Nandito kami sa taas ng isang burol kaya kitang kita namin ang kabuohan ng kastilyo at ang mga bahay na nakapaligid dito. Napakaganda nitong pagmasdan at napakapayapa.

'Let's go=_='- malamig na sambit ni kaito at nauna nang naglakad. Hindi ko alam kong anong problema ni kaito pero kahapon pa siya tila wala sa kundisyon. Wala nang umimik pa sa mga kasama ko at sumunod na lang sa kanya, para kasi siyang papatay anu mang oras.

Habang papalapit sa mga kabahayan na nakapaligid sa fire kingdom ay hindi ko mapigilang ilibot ang aking paningin, makikita mo sa paligid ang mga taong masayang nagkekwentohan at naglalaro naman ang mga bata na tila walang panganib na nagbabanta sa tuwing may makakasalubong kami ay agad nilang itinitigil ang kanilang ginagawa at magalang na bumabati sa amin.

'Magandang umaga'

'Magandang umaga mga kamahalan'

Yan ang mga naririnig kong pagbati ng mga nakakasalubong namin. Kitang kita sa mga mata nila ang respeto at paghanga sa mga kasama ko.

'Ang daming chix'- nakangising sambit ni mark habang kumakaway pa habang si vince naman ay todo ngiti sa mga babae.

*Pak*

'Aray naman, bakit ka nambabatok?'- makasabay na sambit ni mark at vince kina mica at kate.

'tigilan niyo nga yang pagiging malandi niyo, hindi ito oras ng paglalandi'- nakataas kilay na sambit ni mica.

'Hindi tayo pumunta dito para lang maglandi kayo'- sambit naman ni kate.

'Hindi naman ako naglalandi ah, ngumingiti kasi kaya nginingitian ko rin'- kumakamot namang sambit ni vince.

'Huwag kang magselos, alam mo namang ikaw lang ang mahal ko *wink*'- sambit naman ni mark na ikinapula ni kate

'Che'- kate

Napailing na lang ako sa inasta ng apat. Daig pa ang bata kong magbangayan, hindi man lang nahiya sa mga tao sa paligid nila =_=.

'Kumain na muna tayo,gutom na ko.'- nakasimangot na sambit ni alex habang hinihimas ang tiyan. Kaya naman natigil ang pagbabangayan ng apat at napatingin kay alex.

'Oo nga, kumain na muna tayo'- sambit naman ni tracy, kong kanina makikita mo ang inis sa mukha nina kate at mica ngayon naman ay para silang batang nakakita ng candy ng bangitin ang pagkain.

Wala na kaming nagawa kundi ang maghanap ng makakainan, kahit na sinasabi nila fiona sa sa palasyo na lamang kami kumain ay ayaw paring makinig nina alex. Gutom na raw sila at baka hindi na umabot ng buhay m ng sa palasyo pa sila kakain.

'Wahhhh pagkain*_*'- sambit ni alex ng makapasok kami sa isang maliit na kainan. Isang simpleng kainan lang ang pinuntahan namin pero kahit na ganon ay magada parin ito at napakatahimik.

'Magandang umaga po mga kamahalan, ano pong gusto ninyo?'- nakangiting tanong ng isang babaeng medyo may katandaan na.

Agad namang kumuha ng kani kanilang pagkain ang mga kasama ko na tila hindi pina kain ng ilang araw=_=. Napapatawa na lang ang ibang nakakakita sa pagiging isip bata ng mga kasama ko, hindi mo aakalaing isa sa mga malalakas sa academy dahil sa mga asal nila.

'Ano ba akin yan'- galit na sambit ni tracy kay troy ng kumuha ito sa kanyang pagkain.

'Kaunti lang naman eh'- sambit naman ni troy.

'Bumili ka ng iyo'- mataray namang sambit ni tracy.

Habang ang iba naman ay tahimik lang na kumakain, sabagay hindi ko naman sila masisisi dahil simula ng maglakbay kami ay wala pa kaming maayos na kain, isang simpleng prutas lang at tubig ay sapat na saamin.

*cough**cough**cough*

'T-tubig'- nahihirapang sambit ni mark at bago pa man siya maabotan ni mica ng tubig ay agad niya nang ininom ang juice na nasa kanyang tabi.

'Wahhh akin yon eh *pout*'- parang batang sambit ni alex na nasa tabi niya.

'Hahaha indirect kiss yon pre'- tumatawang kantyaw ni vince kay mark at alex na ikinasamid ko.

*cough**cough**cough*

'Ok ka lang sophia?'- nag aalalang tanong ni fiona.

'Araw ba ngayon ng pagkasamid?'- tanong ni mica ng maiabot na akin ang tubig na hawak niya.

Kita ko naman ang pag ngisi ni haru na nasa harap ko lamang habang nakatingin sa akin. Hindi ko na lamang siya pinansin at itinuon ang attention sa aking pag kain.

Kahit papaano ay natapos naman ng matiwasay ang aming pagkain. Pagkatapos naming kumain ay agad rin kaming nagsimulang maglakbay.

Someone P.O.V

'Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo kamahalan?'- magalang na sambit ng aking alipin, dapat lang silang maging magalang sa akin dahil kahit na isang pagkakamali lang ay hindi ako magdadalawang isip na bawian sila ng buhay.

'Gusto kong kunin mo ang aking anak.'- malamig kong sambit, tama na siguro ang ibinigay ko sa kanyang kalayaan. Ngayon naman ay oras na para ang obligasyon niya naman dito ang kanyang atupagin*evil smirk*.

'Pe-pero kamahalan, ayaw po ng mahal na prinsepe na bumalik dito'- kinakabahang sambit ng aking alipin.

'Gawin mo ang lahat para mapabalik lang siya rito. Gamitin mo ang mga kaibigan niya o kong ano man basta mapabalik siya rito. Oras na biguin mo ako ay buhay mo ang kapalit, ngayon lumalayas ka na.'- malamig kong sambit na ikinaputla niya.

'O-opo kamahalan'- sambit niya at agad na umalis.

Kahit na anong gawin niya ay dito at dito parin ang bagsak niya dahil ito na ang kanyang kapalaran simula pa lang ng ipinanganak na siya.maghintay ka lang anak at hindi magtatagal ay babalik ka rin sa lugar na iyong kinamumuhian  *smirk*.

_________________________________________


Fortis Magicum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon