First:
-*- Tres -*-
It's been 3 months nang dumating ulit si Manang at kasama niya yung apo niya. At ang alam ko ay pinag-aral ni Mama yung apo ni Manang.
Kaka-uwi ko lang galing sa school at dumiretso ko sa kwarto ko para mag-bihis.
Bumaba ako sa kwarto ko at tutungo sana sa kusina pero narinig kong maingay sa kwarto ni Manang.
Lumapit ako at sumilip. Si Manang ay naka-upo sa higaan, si Mama at Papa naman naka-tayo sa harap ni Manang.
"Manang, sa tingin ko ay kailangan mo ng mag-resign. Mas ma-kakabuti iyon para sayo. Tutulungan ka pa rin namin. Mag-papadala kami ng mga kailangan mo." Ani Papa nang may malungkot na tono.
Nag-buntong hininga si Manang na para bang sobrang lungkot niya. "Day-off lang ang kailangan ko, mga anak. Kailangan ko lang ng oras para makapag-isip. Babalik ako kapag maayos na."
May problema kaya? Bakit parang ang lungkot naman nila.
"Ihahatid na namin kayo sa sakayan ng bus bago kami umalis patungo sa States. Nandoon na si Mang Rolly at ihahatid niya kayo hanggang sa inyo." Ani Papa at inalalayan si Manang na makatayo. "Grace, mauna na kami ni Manang sa kotse. Kausapin mo si Tres."
Agad akong umalis sa pwesto ko at umakyat sa taas. Pero bago ako pumasok sa kwarto ko ay sinilip ko yung kwarto nung apo ni Manang.
"Oh? Wala pa siya?" Nasabi ko na lang nang makita kong walang tao sa loob.
"Tres! Anak, where are you?" Boses ni Mama. Napa-takbo ako sa kwarto ko at dahan dahan kong sinara yung pinto.
Kumatok si Mama. Kinalma ko muna yung sarili ko bago ko buksan yung pinto.
"Hi, Ma." Kinindatan ko siya. Nawala yung ngiti sa mukha ko nang mapansin kong mugto yung mata niya.
"Bakit ka kumindat, anak? Kirat ka ba?" Kunot noong sabi niya. Hinila niya ako at sabay kaming umupo sa dulo ng higaan ko. Nag-buntong hininga siya bago mag-simula. "Nasabi naman namin sayo ng Papa mo na ngayon yung alis namin, right?" Tumango ako. "That means maiiwan ka dito mag-isa." Napa-ngiti ako.
So, isasama ni Manang yung apo niya. That's good. Solo ko yung bahay.
"Okay lang, Ma." Himilata ako sa higaan ko.
"Gusto mo bang sumama, ihahatid namin si Manang." Malungkot na sabi niya.
"Sasama ko.." pinababa ko na si Mama at nag-bihis ako.
~*°*~
Nang maihatid namin si Manang kung nasaan si Mang Rolly ay hinatid ko naman sila Mama sa airport.
"Anak, matagal kaming mawawala kaya bantayan mo yung bahay. Wag kang magpa-papasok ng ibang tao. Kuha?" Tinaasan ako ng kilay ni Mama.
"Yeah, kuha." Sabi ko saka nag-beso kay Mama. "By the way...Ma, bakit wala yung apo ni Manang?"
Hindi na nasagot ni Mama yung tanong ko kasi tinawag na lahat ng mga pasahero ng flight papuntang U.S.
"Bye, son." Paalam pa ni Papa.
Kumaway ako nang makalayo na sila.
Nang maka-balik ako sa bahay ay kinilabutan ako. Humangin kasi bigla.
Bago ulit ako pumasok sa kwarto ko ay sinilip ko ulit yung kwarto nung apo ni Manang.
"Weird, bakit wala siya?" Sinara ko yung pinto. "Baka naman nauna na yon sa probinsya nila."
Nag-tungo na ko sa kwarto ko at humilata. "I miss you, baby.." sabi ko sa higaan ko.
This is so great! Gustong gusto ko talaga pag-tahimik sa bahay. Walang maingay.
~*•*~
BINABASA MO ANG
All Alone
Teen FictionNaranasan mo na bang maiwanan ng hindi mo namamalayan? Na akala mo nandyan siya, pero yung totoo ay wala naman siya. Yung iniwan ka ng basta na lang at walang pasabi, naranasan mo na ba yon? Naranasan mo na ba na maghintay kahit na hindi dumating yu...