Kiss
"Bitawan mo nga ako!" Sabi ko kay Lance at tinulak siya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.
"Tss. Arte!" Inirapan ko siya at dumiretso na kela Clinton.
"Can I go home now?" Sabi ko. I guess, tapos na ang non sense training ko kaya pwede na akong umuwi.(?) At tutal, bored narin ako.
"No. Di pa tayo tapos." Masungit na sabi niya. Sila Adana naman ay nag patunog ng daliri. Okayyyy? Ano na naman ba ang pinaplano nila?
"You have the rights to choose kung sino ang gusto mong kalabanin saming apat Master." Ani Thunder. Huh? Ano na naman ba ito?
"Paktay na! Halimaw yang dalawang yan e. Wala na, Mawawalan na ng gwapo sa grupo--"Naputol si Sedrick nang batukan siya ni Adana.
"Sinong nag sabing gwapo ka at papatayin ko?" Sabi pa nito.
"W-Wala! To naman di mabiro." Sabi pa nito. Umubo ako upang makuha ang atensyon nila.
"Ehem. I'll chooce Clinton." Sabi ko.
"Isa pa Queen. Isa sa dalawa, dalawa sa isa ang labanan." Sabi ni Adana. Tumango ako at tinuro siya. Isn't unfair? Dala-dalawa makakalaban namin ni Lance. Tch, dibale, sa tingin ko naman ay kaya ko sila.
"Fine. I choose you." Sabi ko at humanda na.
"Di man lang ako naka pili ng makakalaban?" Reklamo ni Lance. Inakbayan naman siya ni Thunder at Sedrick.
"Hays mabuting sayo kami napunta no. Kawawa kami dyan kay master sige ka, magugunaw ang mundo dahil wala ng susunod sa lahi ko." Anito at
saka tumawa."Tss. Mga mahihina naman kayo e." Sabi pa ni Lance. Ngumisi naman si Sedrick sa kanya.
"Yabang! Pag ako nag seryoso dito lilibre moko ng dinner!" Parang batang sabi nito. Napa face palm tuloy ako. Mas may sense pang kalaban sila Adana kesa sa dalawang kumag nato e.
"Tama na yan! Si Lance unang sasabak!" Sigaw ni Clinton. Umupo naman kami dahil manonood kami.
"Let's see kung hanggang saan ka." Ani Adana at ngumisi.
"Ibuhos mo na lahat ng lakas mo dahil ito na ang huling sukatan para maka pasa kayo." Habol pa ni Clinton at tumabi sa akin. Well, Alam kong kaya ni Lance iyan. He's the rank 2! At di biro ang mapasama sa lucky rank 5. Sa UGB lang ang bugbugan pero patayan naman sa labas. Marami na akong naingkwentrong ganyan. Maraming nag aabang sakin at gusto akong patayin. May mga nanunugod sa school kaya ito ang dahilan kung bakit ban o kick out ako. Ban? Ban kase may isang grupong muntik nakong barilin pero naagaw ko yon at siya ang binaril ko. Sa paa lang yon actually at self depense yon! Pero ban parin ako. Tsk.
Ngumisi ang dalawa kay Lance at sa isang pito lang ni Clinton ay mabilis nilang napatumba si Lance nang tadyakan siya ni Thunder. They're strong! Di talaga sila dapat maliitin dahil ang minamaliit ang umaangat at ang nangmamaliit ang bumababa.
"Madalas ang physical fights pag nasa mundo ka na ng mafia. Of course, self depense kung sakaling maubusan ka ng bala sa gitna ng labanan." Ngumisi si Clinton. He's right but I think, kaya kong depensahan ang sarili ko.
Mabilis na tumayo si Lance at tinadyakan si Sedrick ngunit ni pag react ay wala. Parang wala lang yon sakanya. Isa pang suntok mula sa kanang pisngi ang tumama kay Lance at uppercut galing kay Sedrick. Trained talaga ang dalawang mokong nato!
Dumudugo na ang ilong ni Lance pero gumanti parin siya ng suntok kay Sedrick. Straight punch! Sisipa pa sana si Thunder pero sinuntok ni Lance yung tuhod sabay siko kay Sedrick na aamba ng suntok Gawd, naliligo na sila sa kanya-kanyang dugo. Habang busy si Lance kay Sedrick, di niya namalayan ang back kick ni Thunder dahilan ng biglaang pag luhod ni Lance. Fvck! Mainit-init na laban! Nag tunguan ang dalawa tila may planong masama. Bumwelo sina Sedrick at Thunder na balak tadyakan ang ulo ni Lance nang....nang tumayo si Lance at sabay na in-uppercut ang dalawa. Di lang uppercut dahil sunod-sunod na suntok mula kaliwa at kanan ang tinamo nila kay Lance. Ang bilis ng pangyayari dahil diko nasundan yung iba! Ang alam ko lang. Si Lance ang panalo.