Chapter 40: Step Sister

58.5K 1.6K 245
                                    

Kheana Zaila's POV.

"Kamusta na siya?" Tanong ko kay Drake paglabas niya ng Clinic. Dito niya kasi dinala si Khrysthelle.


"Hindi pa rin siya nagkakamalay hanggang ngayon" sagot nito. Naramdaman ko ang pag-aalala sa boses niya. Maya-maya pa ay dumating si Blake, lumapit ito samin.


"How is she?" Tanong din ni Blake.


"Hindi pa siya nagkakamalay eh"sagot ni Drake. Pumasok si Blake sa Clinic.


"Kung gusto mo ihatid mo nalang siya mamaya sa bahay nila kapag nagkamalay na" sambit ko sa kanya. Napakunot-noo siya sa sinabi ko pero hindi na siya sumagot.




Ilang minuto pa ay lumabas na si Blake sa Clinic, tinatawagan na din si Drake dahil kailangan daw nilang ituloy yung laro.




"Sige na. Ako nalang magbabantay kay Khrysthelle, balik ka nalang mamaya dito pagkatapos ng laro ninyo" sabi ko.



"Sigurado ka ba?" Tanong ni Drake sakin, ngumiti lang ako sabay tango. Hinawakan nito ang mukha ko.


"I love you, My Queen" nakangiting wika niya sakin sabay halik sa noo ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.


"I love you too, My King" sabi ko. Pinisil nito ang pisngi ko bago naglakad palabas ng clinic.



Kaya heto! nagbabantay ng pasyente, ang tagal niyang magkamalay. Ano kaya kung tuluyan ko na siya. Haha! Ang sama ko naman.



Halos isang oras akong nagbantay kay Khrysthelle, maya-maya pa ay bigla siyang gumalaw kaya agad akong lumapit sa kanya.



"Khrysthelle, kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko, kahit papano nakaramdam din ako ng awa.



"Kheana, anong nangyari?" Mahinang sambit niya habang nakatingin sakin.


"Natamaan ka ng bola kanina kaya nawalan ka ng malay, kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ko.



"Medyo masakit lang ang ulo ko. Nasaan si Xander?" naramdaman ko ang pagkirot ng puso ko ng hanapin niya si Drake.


"Tinuloy nila yung laro kaya ako muna nagbantay sayo dito, pero babalik din siya mamaya pagkatapos ng laro" sabi ko. Pilit siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.



"Salamat, Kheana" sabi niya. Nginitian ko lang siya.


"Ok lang yun. Siya nga pala ihahatid ka na niya mamaya sa bahay niyo para makapagpahinga ka" sabi ko kaya napatingin siya agad sakin.


"Kheana, huwag na. Baka makaabala pa ako sakanya. Kaya ko namang umuwi mag-isa eh" tanggi niya.



"Khrysthelle, Ihahatid ka niya. Hindi ka pwedeng umuwi mag-isa baka mamaya mapaano ka pa diyan" depensa ko kaya wala na siyang nagawa.


Ilang sandali pa ay dumating na si Drake at Blake kasama ang mga kaibigan ko. Nilapitan agad ni Drake si Khrysthelle. Bakit ganon? Kita ko kung paano nag-aalala si Drake sa kanya. Anong meron?


"Kamusta na pakiramdam mo?" Tanong ni Drake sa kanya.


"Medyo masakit pa ulo ko eh, gusto ko munang magpahinga" sabi niya, naramdaman ko ang pagsiko sakin ni Yuri.



"Pabebe lang yan!" Bulong niya sakin. Pinanlakihan ko lang siya ng mata.


"Sige na, iuwi mo na siya" utos ko kay Drake, nagtatakang tumingin sakin si Blake pero nginitian ko lang siya.


Back Off, She's Mine (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon