Chapter 18

5.9K 149 29
                                    

A/N: Slight shifting of languages. Sorry

+Elle's Point of View+

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

+Elle's Point of View+

Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at sinalubong ako ng isang maliwanag na ilaw. Hindi ko alam kung paano pero nagawa ko itong tignan ng hindi man lang nasasaktan ang mga mata. Ngunit ramdam ko ang sobrang panghihina ko na para ba akong mamamatay sa panghihina.

"She's already awake!" sigaw ng isang naka lab coat. Malabo pa ang mga mata ko kaya hindi ko makita ang mukha neto. Ngunit malinaw sa akin ang paglapit ng isang lalake at alalang alala ito.

"Labanan mo ang sakit, please." bulong neto sa mga tenga ko. Sa hindi malamang kadahilanan ay tumulo ang mga luha ko. Ngumiti ako ng mapait at hinawakan ang buhok niya

"H-Hindi ako si Geneva Dark." mapait na sabi ko rito at halatang natigilan siya. Mas lalong tumulo ang mga luha ko sa nakita kong reaksyon niya. I knew it, si Geneva nanaman ang nakikita niya.

"Just stay awake, please." hiling niya at ibinaon ang mukha niya sa akin. Ngunit sinuway ko siya at ipinikit ang aking mga mata

"Go away Dark." malamig na pagtaboy ko dito habang pinipigilan ang mga luha na gustong gusto nang bumagsak sa aking mga mata. Hindi ko alam kung naiiyak ako dahil sa sobrang panghihina o naiiyak ako dahil nasasaktan ako.

Naramdaman ko na may sinaksak nanaman sila sa akin. At onti-onting nanlabo ang aking paningin hanggang sa makatulog na naman ako.

---

Bigla akong napaupo pagkagising na pagkagising ko ngunit agad akong nasilaw sa sikat ng araw. Napangiwi naman ako dahil doon. Nakita ko ang salamin ko na nakalapag sa mesa kaya agad ko iyong hinablot at sinuot.

"Oh, you're awake!"

Napatingin ako kung sino ang nagsalita at kumunot ang noo ko.

"Minzy? Anong ginagawa mo dito?" takhang tanong ko at ngumisi siya

"May inaasikaso ngayon si kadiliman. Kaya ako muna ang pinagbantay niya sayo. You know actually, ayoko sana. Pero dahil maganda ako, pumayag na rin ako."

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Anong connect?

"Teka, b-buhay ako?" paninigurado ko at kinapa ang sarili ko

"Obviously! Dahil yan sa itinurok sayo kaya nalabanan ng katawan mo ang lason. Actually kung hindi ka malakas ay mamamatay ka na dapat dahil hindi mo kakayanin ang sakit. But you're alive as hell!"

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Dapat ba akong magpasalamat?

"And for your information, four straight days kang natulog! Hindi mo ba alam na halos mabaliw na ang mga kaibi--no wait. Ang mga pinsan mo kakahanap sayo."

BloodNight AcademyWhere stories live. Discover now