04

15 0 0
                                    

Chapter Four

Untold Love

Joseph POV

Ilang linggo ang nakalipas at heto kami nasa harap ng isang malawak na asul na dagat.

Tulad ng plano nina Matt may camping nga kami sa tabi ng dagat, akala ko noong una nagbibiro sila pero noong nagtext sila na dadaanan daw nila ako sa bahay nang alas tres, doon na ako nataranta dahil hindi ako naiingli kumilos at mag-impake ng gamit ko. Siguro dapat ko nang itatak sa utak ko na, minsan nagseseryoso din pala si Matt sa mga sinasabi niya.

Nasa isa kaming private resort nina Kloster, ang masasabi ko lang ay ang gaan sa pakiramdam nang lugar.

Hindi ko maiwasan ang mamangha, at mas lalo itong pagmasdan. Mula sa malawak na karagatan hanggang sa ilang mga puno sa palagid.

Sa gilid ko nakita ko si Aliyah na nakapikit at dinadama rin ang sariwang hangin tulad nang ginagawa ko. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa ginagawa niya habang tinatangay ang mahaba niyang mga buhok.

'Teka, ano itong ginagawa ko?' tanong ko sa sarili ko. Maling mali ito, Joseph narito ka para magsaya at para na din kalimutan ang kung ano man natitirang nararamdaman mo para sa kanya.

Hindi ako aware noong una na kasama pala siya. Knowing her, alam ko hindi niya gusto ang mga ganitong lakad lalo't mahaba ang byahe. Nagulat na lang ako na kasama pala siya at ang mas masaklap pa siya ang katabi ko buong byahe.

Bago pa niya makitang nakatingin ako sa kanya ay umiwas na ako at naglakad palayo.

Tama tong ginagawa ko, ako na lang ang lalayo kung kailangan tsaka dapat ienjoy ko tong bakasyon na ito.

Pero sa kakaiwas ko, mukhang pinaglalaruan ako nang pagkakataon

Hindi ko halos maintindihan kung ano ang dapat kong ikilos sa mga oras na katabi ko siya. Tila tatakasan ako ng katinuan sa bawat mapapatabi siya sa akin, 'Joseph Umayos ka' bulong ko sa isip ko.

Wala akong magawa dahil sila na mismo mga kaibigan ko ang gumagawa nang paraan para makatabi ko siya. Akala nila hindi ko nahahalata, alam ko nanadya tong mga to.

Muli ko naalala yung naging usapan namin ni mama, siguro na ako sa nararamdaman ko. Tama si mama baka hindi pa ito ang oras naming dalawa, ipauubaya ko na lang ito sa tadhana at kailangan ko na palayain ang sarili ko sa halos matagal na pagkakatali ng nararamdaman ko sa kanya. Kung kami man para sa isa't-isa edi kami, pero kung hindi edi hindi ganoon kasimple.

Kaya sa halip na mas umiwas, hinayaan ko na lang.

Ilang oras ang lumipas na puro tawanan lang ang ginawa namin, halos ang daming kalukohan na dala nina Matt.

Everything happens here is such a good memories I will treasure until I lost my life. Seeing them happy like this is such a nice view. Kinuha ko ang cellphone ko para kunan ang masayang pagtatampisaw nila sa dagat.

 Kinuha ko ang cellphone ko para kunan ang masayang pagtatampisaw nila sa dagat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It all started in M.UTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon