CHAPTER 30 {I'm Big?}

12.3K 540 23
                                    

-BLAKE'S POV-

Nandito kami sa opisina ni dad. Kasama ko syempre ang dalawang malapit kong kaibigan.

Sa nangyari kay Fear pinatulog lang pala siya ng mga kalaban. Gising na siya ngayon at si Eve ay nandito rin. Si Bea naman ay nasa klinika, nagpapagaling. Muntikan ng matuluyan si Bea kanina mabuti na lang at nasa mundo ng mahika pa si Tracy at nakapagteleport agad sila dito sa school. Kaya naman nakatawag agad ng tulong si Steve kay ama para matulungan kami.

Pinag-uusapan naman namin ang naganap kanina.

"Alam niyo bang delikado ang ginawa niyo? Kung hindi pa ako dumating baka napano na kayo! At ikaw Blake. Sinabihan na kita na huwag kang pupunta sa kaharian! Lalo na nandon si Draco! I'm really disappointed to you my son."- napagalitan pa ako ni dad.

"Patawad po headmaster. Hindi po nila kasalanan kasi kaming dalawa po ni Fear ang nagpupumilit na pumunta don."- paliwanag ni Eve.

"Totoo ba 'yan? Dahil sa pagpadalos-dalos niyo nag a'agaw buhay ang kaibigan ninyo. Mabuti na lang at naagapan pa. At ngayon nasa kamay pa nila si Aria. Sige nga? Sabihin niyo sakin kung pano niyo siya maililigtas? Alam na nila na nasa propesiya si Aria at hindi lang siya kundi kayong apat kaya hindi sila magdadalawang isip na patayin siya!"- galit na galit pa rin talaga si dad samin.

Hindi ko naman siya masisisi kasi nagpabaya kami at nagpadalos-dalos.

"Patawad po talaga. " - yumuko sila Eve at Fear.

"Mag-iisip ako ng paraan kung pa'no ko siya makukuha sa kanila at tatandaan niyo 'tong sinabi ko. Huwag na huwag kayong pupunta sa mundo ng mahika kundi paparusahan ko na kayo." -babala niya samin.

"Opo headmaster."- sagot naming lahat.

"Sige na. Umalis na kayo at marami pa akong gagawin." -tumayo na sila at lumabas. Nagpaiwan muna ako dito kasi may sasabihin pa ako kay ama.

"Gusto mo bang maparusahan anak? Bakit hindi ka pa umaalis?"- tanong niya sakin habang may binubuksang libro.

"May importante po akong sasabihin sa inyo, dad. Tungkol kay Aria."- pagkasabi ko non ay napatingin siya sakin.

"Anong tungkol sa kanya?"

"Siya po ang nagtataglay ng sinaunang mahika at alam na po ng mga kalaban." -yumuko ako at inihanda ko na ang tenga ko sa mga sasabihin niya.

"ANO?! BAKIT HINDI MO AGAD SINABI SAKIN! MAS MAPAPAHAMAK SI ARIA NGAYON! AT BAKA HINDI NA NATIN MABABAWI ANG KAHARIAN!"- malakas niyang hinambalos ang kanyang mesa sabay tayo at nagulat naman ako ng kunti.

Hindi ako makasagot sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

"Kailan mo pa 'to nalaman? Kailan!"- hinawakan niya ang damit ko kaya medyo nahila niya ako at mas nilapit sa kanya.

"No'ng nakaraang araw lang."- sagot ko.

Nalaman ko na si Aria ang nagtataglay ng sinaunang mahika ay nong biglang naliwanag ang kanyang dibdib. Na naganap lang sa kanilang silid.

"Hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko sayo."- binitiwan na niya ako sabay buntong hininga.

"Mas mahirap na 'to ngayon. Hindi ako basta-bastang makakapasok sa kaharian dahil paniguradong nilagyan na nila yon ng harang para walang makapasok. Kailangan ko na ring mag handa dahil kapag nalaman nila na nandito tayo ay sasalakay sila." - aniya. May tinawag naman si ama. Isang mensahero.

"Pawn, pakisabi kina Lorda at Lorna na kailangan ko ang tulong nila. As soon as possible."- utos niya sa mensahero.

"Masusunod po mahal na hari." -sagot nito.

The Four ELEMENTALIST {WATTYS 2017}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon