AUTUMNIlang oras ang lumipas at natapos na din ang event kaya pagkatapos nilang magpaalam, ay dumiretso na sila dito sa loob. Umupo naman sa tabi ko sina Jungkook at Yoongi habang ang iba naman ay sa ibang sofa o upuan.
"Kamusta?" Tanong ko sakanila. Ngumiti naman sila sa akin.
"Masayaaaa! Ang sweet ng mga ARMY! Kaso yung iba tinatawag pa din akong Oppa kahit mas matanda sila sakin" pinat ko naman ang ulo ni Jungkook.
"Tara na? Para makapagpahinga na kayo?" Aya ko sakanila. Tumango naman sila at tumayo na kaya naglakad na kami papalabas at dumiretso sa van nila. Tahimik at mabilis ang byahe namin pabalik ng dorm kaya pagkatapat namin sa entrance, bumaba na agad ako at dumiretso sa entrance at doon hinintay ang bangtan na sumunod sa akin. Wala lang, trip ko lang.
"Wala na kayong schedule ngayon a bukas naman aattend kayo ng music bank kaya makakapagpahinga na kayo ngayon" sabi ko bago ako pumasok sa dorm na kinalalagyan ko at umupo sa sofa. Hmm ano kaya gagawin ko? Manonood nalang ako ng movie. Tatayo na sana ako nang may kumatok galing sa pintuan. Tumayo na ako at pinagbuksan ng pinto kung sino man.
"Oh? Hoseok Oppa naparito ka? Halika pasok" ngumiti naman siya at pumasok tsaka umupo sa sofa.
"Magpapaalam sana ako sayo na lalabas muna ako at aayain sana kita"
"Ako? Saan naman?"
"Magkikita kami ni Noona ko. Balibalita ko kasi na crush mo daw siya kaya naisip ko na pakilala ka din" automatic na nanlaki ang mga mata. OMG
"Totoo?! Kailan? Anong oras?" Narinig ko naman tumawa ng mahina itong kausap ko pero OMG GUMAGANA NANAMAN PAGFAFANGIRL KO
"Ngayon na kaya tara na" sabi niya at tumayo kaso pinigilan ko siya.
"WAIT! Maliligo lang ako ulit. Dyan ka lang" sabi ko at nagmadaling pumasok sa loob ng banyo at naligo. Pagkatapos ko maligo, doon ko lang narealize na hindi pala ako nakakuha ng susuotin ko. Paano kapag nakita ako ni Hoseok omg nakakahiya pero wait nasa sala naman siya diba? Eh pagkalabas mo kasi ng banyo, kwarto ko na. Oo nga no? Autumn, ang OA mo. Ibinalot ko na yung twalya sa katawan ko at dahan dahang lumabas. Buti nalang nakasara ang pintuan kaya nilock ko iyon at nagsimula ng isuot yung susuotin ko. White sweaters at black high-waist na short ang sinuot ko. Pagkatapos ko magpatuyo ng buhok, naglagay ako ng light makeup, foundation at lip tint lang hehehe
"Tara?" Sabi ko pagkalabas ko ng kwarto. Tumango naman siya at tumayo na kaya lumabas na kami ng dorm at
"Wait. Ano sasakyan natin?" Tanong ko sakanya.
"Yung kotse mo nalang hehe para makatipid tayo" sabi niya at nagkamot pa ng ulo. Tumango nalang ako at dumiretso na kami sa kotse ko.
Kung iniisip niyong tahimik ang biyahe, nagkakamali kayo. Maingay pero masaya at doon ko nalaman na sa daming bagay na kaming magkasundo ni Hoseok, ang pinakamagkakasundong salita kami ni Hoseok, fun. Nagkakanta kami at minsan sumasayaw pa at minsan sinasabay pa namin ang mga high note.
Mas lalo akong ginanahan ng mapatugtog ang isa sa mga gustong gusto kong kanta ng bangtan. Cypher.
"Oh yes! This is my style!" Sabi ko at sumasabay sa beat ng kanta. Nakikisabay din sakin si Hoseok kaya ayan go headbang headbang hahahaha
"Parehas pala kayo ni Taehyung, fan ng Cypher" sabi niya sa akin pagkatapos ng kanta
"Isa ang Cypher sa mga pinakagusto kong kanta sa inyo. You guys are spitting fire while rapping" sabi ko at pumarada na sa isang coffee shop. Lumabas na kami sa kotse ko at as usual, nakacap at black mask itong kasama ko.
YOU ARE READING
Manager || kim taehyung
Fanfiction"BTS, meet your new manager, Park Autumn" "Hi BTS! I'm Autumn" "Autumn Noonaaaaa! Si Taehyung hyung ginugulo ako!" "Kim Taehyung! tigilan mo si maknae! matulog ka nalang din!" "Oppa! Oppa mo ako! TAEHYUNG OPPA" "Manager niyo ako, Kim Taehyung!" "N...