Simula

58 6 0
                                    

"Anak huwag masyadong maglikot, okay?", pakiusap ng ginang sa babaeng anak na pitong taong gulang.

Tango ang sagot ng batang babae habang nililibot ang paningin sa buong paligid ng bagong tahanan nila.

Napayakap ng mahigpit sa manikang dala ang bata nang mapatingin ito sa likuran ng bahay kung saan ay mayroon nagtataasang mga punong kahoy. Napakadilim ng lugar kahit tirik na tirik ang sikat ng araw. Nanindig ang kanyang mga balahibo. Pakiramdam ng bata ay may mga matang nakatingin sa kanya.

Sa bandang kaliwa naman ng bahay ay mayroong malaking puno ng Acasia kung saan ay may naka-kabit na duyan. Nasa gilid naman nito ang bahay kubo na walang dingding. Tanging sahig lang at isang pahabang mesa.

Napatingin sa ina ang bata ng muli itong magsalita.

"Nagustuhan mo ba ang bagong bahay natin, anak?" Nakangiting tanong nito.

Tango ulit ang sagot ng bata, kahit ang totoo nito'y ayaw niya sa bagong tahanan.

"Halina kayo. Magugustuhan niyo ang loob ng bahay. May sarili kayong kwarto ng ate Ivannah mo." Masayang sambit ng Ginang at naglakad na papasok ng bahay. Kasunod nito ang ate Ivannah niya na hila-hila ang blue nitong travelling bag.

Muling tumingin ang bata sa kakahuyan sa likuran ng bagong bahay nila, at katulad kanina ay pinanindigan siya ng mga balahibo.

"Gaiannah Gem! Pasok na daw sa loob!" Sigaw ng ate niya na nasa loob na ng bahay nila.

"Opo!" Sagot niya at mabilis na naglakad papasok ng bahay.

Ngunit nang nasa pinto palang siya ay may naramdaman siyang kakaiba. Pakiramdam niya ay may malamig na yumakap sa kanya kasabay ng pag-ihip ng hangin sa kanyang mukha. Sa takot ay patakbo itong pumasok ng bahay at agad na niyakap ang ina.

"What's wrong baby?" Malambing na tanong ng Ginang sa anak. Umiling lang ang bata at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa ina.

"Are you sure?" Tanong muli ng Ginang.

" Opo. I'm tired na po mama and sleepy. I want to sleep na po." Mahinhin na sagot ng bata saka humikab pa.

"Ok. Let's go to your room. You will surely love your new room baby." Ani ng Ginang saka inakay ang anak sa ika-lawang palapag ng bahay kung saan naroon ang kwarto ng bata.

Natuwa ang batang si Gaiannah ng makapasok sa kanyang kwarto. Tama lang ang laki nito. Nasa gitna ng kwarto ang four posted na kama. Kulay purple ang sapin at kumot nito, ganun din ang mga unan. Katabi nito ang maliit na mesa na may nakapatong na lampshade. Sa kanang bahagi naman ang dresser nito. Agaw pansin din ang malaking bintana na nakaharap sa kakahuyan.

"So do you like your new room, baby?" Agaw pansin ng Ginang sa anak na halata sa mukha ang pagkamangha.

" Yes po mama. Pero po I am scared po sa view outside." Sabay turo ng bata sa labas ng binata na nakabukas. Hinahangin nito ang kulay purple nitong kurtina.

Iginiya ng Ginang ang anak sa kama at pinahiga. Yumuko ito at hinalikan ang anak sa noo.

"There's nothing to be afraid of, sweetie. You sleep na ha. Mama's gon'na unpack the boxes downstair. Okay?" Tumango lang ang bata sa ina at ipinikit na ang mga mata. Narinig niya pa ang pagsara ng pinto ng kwarto niya.

Malapit na siyang makatulog ng may maramdam siyang dumapo sa kanyang ilong. Agad siyang napamulat ng mga mata. Bumungad sa kanya ang kulay ginto na paru-paro. Hahawakan na sana niya ito nang bigla itong lumipad papuntang paanan ng kanyang kama. Doon ito nagpa-ikot- ikot ng lipad.

Bumangon sa pagkakahiga ang bata at gumapang papunta sa paanan ng kanyang kama. Lumuhod siya at tiningala ang paru-paro na patuloy pa rin ang paglipad. Natuwa siya ng huminto ito sa paglipad, ngunit napatakip siya sa kanyang mga mata ng bigla na lang lumiwanag ang paru-paro.

Hindi nagtagal ay may naramdaman siyang kamay na humahaplos sa mahaba at malagintong kulay niyang buhok. Napadilat siya at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang babaeng nakatayo sa harap niya habang hinahaplos nito ang kanyang buhok.

Napaka-ganda nito. Malaginto din ang mahaba at maalon-alon nitong buhok. Makinis ang mukha nito at nakakalunod tingnan ang mga mata nitong kulay brown at may mahabang pilik-mata.

"Who are you po?" Inosenteng tanong ng bata sa babaeng nasa harap niya.

"Ako ang iyong ina, mahal kong anak." Nakangiting sagot ng babae sa bata at hinalikan ito sa noo ng may buong pagmamahal.

Magsasalita na muli ang bata pero unti-unting naglalaho ang babae. Malungkot ang mga ngiti nito ang huli niyang nakita bago ito tuluyang naglaho.

"Hanggang sa muli nating pagkikita, mahal kong anak."

GiftedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon