Chapter 29:
*knock knock*
nagulat ako ng may kumatok sa pinto ko, di ko na binuksan psh. ang sarap ng higa ko eh, tsaka wala akong tulog. dahil to dun sa dalawang bwisit na lalaking yun eh !!! bakit sabay yung date?!! di ko tuloy alan kung kanino ako sasama -.-
"anak..." kumatok ulit yung taong naghihintay sa labas, siyempre pinagbuksan ko na, pagbukas ko si mommy pala
"oh? anong nangyari sayo?! ikaw ba yung character na zombie tsunami?! jusko naman anak ! maganda naman at malambot yung kama mo bakit di ka natulog ng maayos?!" sigaw ni mommy, ano bang itsura ko? tumingin ako sa salamin jusme naman !! ang laki ng eyebags ko
"psh. wala to mommy" sabi ko sabay punta sa cr. magbe-breakfast
"hay nako. tara na at magbreakfast" tapos sinabayan ko na si mommy palabas
bumaba na kami, as usual yung pagkain dito sa bahay hotdog, bacon, and egg nanaman. favorite ata ni manang yollie yun pangbreakfast eh, umupo nako sa table tapatan lang kami ni mama. since dalawa lang kami maliit lang yung table. psh wala namang ibang tao dito kung wala yung tatlong baliw eh, inabot sakin ni mommy yung fried rice. wala ako sa mood kumain
"ano ba nangyari anak? pwede ka naman magshare no" sabi sakin ni mommy
hayyy...
"mommy, pano pag may dalawang lalaki ba inaya ka ng date tapos sabay yun oras? sino pipiliin mo?"
ngumiti naman si mommy sakin
"simple lang naman anak, ganito yan.
.
.
.
.
.
sino ba yung mas gusto mong kasama?"
hmmm. pareho silang masaya kasama, si keith puro kalokohan kaya natatawa ako, si hugh kahit nagsusungit at may PMS mas nachachallenge ako dahil parang ako lang din siya. aish!!
"......sino yung palaging nasa isip mo?"
palagi? psh pano kung nagooverthink lang ako?
"yung kahit corny pakinggan hindi mo siya kaya malayo sayo"
di pa naman sila nawawala sakin? pano ko malalaman?
".... dapat siya yung taong nakakapagpatibok ng puso mo, yung parang magical..."
"hindi ba sakit lang sa puso yun mommy?" sabi ko sakanya, palagi kong nafifeel kay hugh yun ah? mas sakit ata ako sa puso
"nagpapatawa ka ba? pero dapat ang piliin mo kung sino sinasabi nito" sabay turo niya sa puso ko
psh. ang corny naman nun
"aish !! mommy!!! wag na nga, excuse me po" tapos umakyat ako sa taas. alam ko namang maguguluhan lang ako sa sinasabi ni mommy. kasi nakapili nako kung sino. i think siguro tama ako? kasi siya yung mas ramdam kong siya yung nageeffort. tama naman ako dba? hayyy. sana sana tama ako ng desisyon.
umakyat ako sa kwarto ko at maghahanap nalang ako ng damit ko para sa date mamaya, wag nalang kaya ako pumunta sa date? para walang pipiliin! ayos ba yung idea ko? sakit lang kasi silang dalawa sa ulo. kaso ang bad ko naman pag ganun. pag open ko ng cabinet ko nakita ko agad yung isang dress na yun, i just want something plain today so pinili ko yung plain cream dress na may ribbon na black sa gitna.
aissssh! inaantok nako, time check: 11 am palang may ilang hours pako bago kumilos, humiga muna ko sa kama at matutulog
ZzZzZzZzZ
BINABASA MO ANG
The Unusual Guy
Romanceshe's a b*tch and man hater! but then she met HIM, he changed her world. will HE choose to love her or break her? will they reach their happy ending?