CHAPTER 26

36 4 2
                                    

Hindi kumikibo si Lance habang naglalakad sila ni Samantha sa kahabaan ng......sidewalk .
Pabuntong hiningang minasdan nya ang binata na nauunang maglakad sa kanya .
OK naman kami kanina ah , what's wrong with him..

"Sa fastfood nalang tayo ..pasensya kana wala akong budget na pang restaurant eh."
Baling nito sa kanya , napaka formal lang nito ng sabihin iyon , na kung tumanggi sya eh wala itong magagawa , ano nga ba naman ang aasahan nya .

Doon lang nya napansin na nasa tapat sila ng isang sikat na fastfood , pang masa.
Mula sa mga poster na nakapaskil sa labas ay mukha namang palatable ang mga iyon kaya tumango nalang ulit sya. May pera naman sya kaso , baka maturn off ito sa kanya kapag sya pa ang nagyaya at nagbayad kung sa restaurant nya gustong kumain.

Inalalayan sya ni Lance papasok sa loob , maraming nakapila , at halos punuan , pero mabango naman ang halimuyak ng mga pagkain , amoy na amoy ang spaghetti., nagrambulan tuloy ang bituka nya sa tyan kaya napahimas sya doon.

Napalinga linga sa paligid si Samantha ng mapansing wala sa tabi si Lance , at gayong nalang ang inis nya ng napansin itong may kausap na crew , at babae pa ..iniwan sya para makipagharutan ?
Sya itong hindi na kinausap, tapos nakikipagngitian pa ito ngayon habang sya iniwang nagugutom?

"Sam .."

Napapitlag pa sya sa pagkakatayo ng marinig si Lance na tawagin ang pangalan nya .
Ng tingalain nya ito ay may dala na itong isang tray ng pagkain ,
At kailan pa sya nakaorder ng Hindi ko napapansin?

"Oh?"
Labas sa ilong na sagot nya sabay irap.

Nagtatakang napataas naman ito ng kilay sa iginawi nya.
"May problema ba?"

"May problema nga ba ?"
Panggagagad nya .
Naiiling na inginuso nalang ni lance ang table nila .

Napapahimas sa batok na minamasdan ni Lance si Samantha na nakahalukipkip lang  na nakikipagtitigan sa pagkain sa harap nya .

"Sam.."
Tawag pansin nya sa dalaga . Hindi nya alam kung ano ang ikinaiinit ng ulo nito . Kanina lang sya ang nananahimik , pero ngayon bumaligtad ang sutwasyon , sya ang hindi mapakali , .

"Ano.!"
Pasinghal na tanong nito , at inirapan na naman sya.

"Kumain kana , lalamig na yan ."

"So what? Kakain ako kapag gusto ko ."
Nakaingos na sagot nito.

"Ano bang nangyayari sayo ?
Ganyan kaba kapag gutom , lalo kang nagsusungit , hindi pala dapat kita ginugutom.."

Pansin ni Lance ang mabilis na pamumula ng kilay ni Samantha , at ang pagsasalubong non , pati ang pisngi nito namumula nadin, sa inis sa kanya , halata iyon , at gusto nyang matawa , kaya napatakip nalang sya sa bibig upang pigilan ang tawa nya .
Lalo namang namula ito sa reaksyon niya.

PAPER ROSE(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon