Chapter Three: The Naked Eye Concert

7 1 0
                                    


Sophie.

Eto na naman si Drag Queen Ashley. Wala na naman siyang ginawa kung hindi hilahin ako sa gymnasium. Wala akong balak na manood ng mga concert, lalo na ng mga bandang ayaw kong pakinggan. Pero, dahil sa mapaglarong tadhana, I need to see the concert for once. But it is too late. Sarado na ang entrance papunta doon sa loob para malapitan naming makita ang Naked Eye.

"Ma'am, hindi po namin kayo pwedeng papasukin. May bayad po kasi ang concert na 'to." sabi nung guard

"Wha? Talagang may ticket reservations, huh? Ganoon ba talaga kasikat ang Naked Eye band na yan?" sarkastiko kong sinabi. "I am not to spend any penny I have for them. Mahalaga ang kada piso, nuh!"

"This is not about your money, Sophie. This is about your clearance." diin ni Ashley. "Better stay here. Baka kaya ko pang pakiusapan si Kuya na papasukin tayo."

Umalis na siya. Kung ako ang tatatanungin, I should be at the library, reviewing my next lessons. Ayoko nang mahuli dahil running ako for summa cum laude. Well, it is my promise to my Dad. Ilang minuto pa ay nararamdaman kong nagba-vibrate ang cellphone ko. It is Hannah, calling.

"Hello? Bakit ka naman napatawag?" tanong ko sa kanya. "Is there any problem?"

"Wala namang problem, Sophie. I just want to know kung nasaan kayo ni Ashley." seryoso niyang sabi.

"We're here at the Gym, sa main entrance. Gusto kasi ni Ashley manood ng Naked Eye Concert pero sold out na 'yung tickets." walang kabuhay-buhay kong sabi.

Natawa si Hannah. "Better stay in there. Pupuntahan ko kayo. I have my tickets with me."

Wha? "You are joking, right?" sabi ko.

"No, I am not. May tickets talaga ko. May nag-sponsor kasi sa akin." sabi niya. "Apat na VIP tickets kaya sinama ko na kayo. By the way, I have Jeremy with me. Sige, pupuntahan ko na kayo dyan."

Literal akong napanganga. Wow! VIP tickets pa talaga yung meron siya ha. Ikaw na talaga, Hannah.

"So, how was it? Very convenient diba?" Sabi ni Hannah habang nakaupo kami sa VIP seats ng concert.
Nakakahiya nga kasi kasama namin ang President, Owners at mga teachers dito sa school. Buti nga wala si Miss Perez. Ayokong makita siya dito.

"Fantastic!" sagot ni Ashley. "At least makikita natin si Nathan Castillo nang malapitan. Right, Sophie?"

"Oo na." Binigyan ko siya ng what the hell look. Kung hindi ko nga lang siya kaibigan, sinapak ko na siya dito. Kahit inis ako, I appreciate her efforts naman. "And thank you for that."

Niyakap niya ako at binulungan. "Hindi ka magaling magsinungaling, Sophie. Alam kong inis ka. Para din naman to sa 'yo eh."

Umalis na siya sa pagkakayakap at parang may something sa mukha niyang hindi ko mapaliwanag. Am I that hard towards her? Ganoon ba ko kasamang kaibigan?

"Better enjoy the concert. Kapag hindi mo nagustuhan, I will not bother you anymore. Ikaw na ang bahala na kausapin ang client mo." matigas niyang sabi. "I have done my part, so better do yours."

Sh*t! Galit nga si Ashley. Parang gusto niya akong kainin sa mga sinasabi niya eh. And worse, she even parts her chair from me. The heck! Ngayon pa ba kami mag-aaway? Tss. Mamaya na nga lang kita kakausapin, Ashley.

"FO na ba kayo?" tanong ni Hannah. "Ikaw naman kasi. Nag-eeffort na nga siya for you, pero ayaw mo pa rin."

Ano ba yan! Pati ba naman ikaw, Hannah? "I appreciate her moves. I even thank her for that." sabi ko.

Mohlo by se ti líbit

          

"Well, you know Ashley more than I do. Pero sa nakikita ko, she's hurt."

Tumingin ako kay Ashley. Oo nga. May lungkot sa mga mata niyang hindi ko maipaliwanag. Shocks! Nasaktan ko nga si Ashley.

"Ash?" Malungkot kong sinabi habang papalapit ako sa kanya. "Galit ka ba?"

Tumingin siya sa akin saka siya... tumawa. Wha? Bakit siya tumatawa?

"I got you there." natatawamg sabi niya. "Akala mo talaga galit ako, nuh?"

Nakahinga ako nang maluwang. "So you're not mad?" tanong ko. Umiling siya. "Thank heavens! Akala ko galit ka eh."

Lumapit siya sa akin saka ako niyakap. "Well, nagtampo lang naman ako. Pero, hindi kita matiis eh. Best friend kita kaya nandito lang ako sa 'yo palagi."

Yes. Tinopak lang pala si Ashley kaya siya nainis sa akin. Well, I love her like my own sister. Sayang nga at wala dito si Ate Grace. She's my cousin yet I consider her as my sister.

"Sophie, let the party started!" Tuwang-tuwa na sinabi ni Ashley.

Well, it is time for the Naked Eye Concert. Good luck to me! Sana magustuhan ko ang jamming nila.

Ilang minuto lang nagsimula na 'yung concert. Unang lumabas 'yung vocalist. Alam ko siya ang vocalist dahil siya yung palaging iniinterview namin dati.

"Iyan si Ulysses Dimalanta, vocalist ng Naked Eye band." sabi ni Ashley.

Ilang minuto lang, lumabas na lahat ng members ng banda. May pamilyar na mukha akong nakita. Gusto ko nang kainin ako ng lupa dahil 'yung lalaking nakabangga ko sa cafeteria, isa pala sa mga members ng Naked Eye band, and he is the guitarist.

"Good afternoon, San Vicente!" malakas na bati ni Ulysses. "Salamat sa pagpunta para sa fund raising concert namin. Lahat po ng proceeds na makukuha namin ay ibibigay namin sa isa sa mga taong mahahalaga sa buhay namin na may sakit. Sana sa tulong niyo, maibsan ang sakit na nararamdaman niya at nawa'y gumaling na siya."

So, kaya pala may bayad ito dahil fund raising project pala. Well, hindi naman ako magbabayad kahit fund raising pa 'to. Nagsimula na ang concert. Marami silang kinanta. Pero, ang mas tumatak sa akin ay ang Tadhana ng Up Dharma Down.

Bakit di papatulan
ang pagsuyong nagkulang
Ako'y umaasa
hilaga't kanluran
Huwag mong ikatakot
ang bulong ng damdamin mo
ako ang sasagip sa 'yo.

All I know is I hate that song. Pero, hindi ko na naiwasang umiyak. Memorable ang kantang yan dahil theme song namin yan noon ni Benedict. Minahal ko naman si Benedict. Pero, nagsakripisyo ako para kay Ate Grace. She deserves Benedict more than I am.

"Better bring hankies with you, Sophie." sabad ni Ashley. "Alam kong nasasaktan ka pero you should know how to control it. Alam kong nasaktan ka rin sa nagawa mo. Pero, isang tanong, isang sagot. Do you still love Benedict?"

Natigilan ako sa sinabi ni Ashley. Do I love Benedict again? My answer is... "No."

"So, ano? Enjoy naman, hindi ba?" nakangiting sinabi ni Ashley. Napangiti ako. Well, I will admit it. Nag-enjoy talaga ako. "I know what that means. Mag-ready ka na, may meet and greet pa pala tayo sa mga members ng Naked Eye."

Agad naman kaming pumunta sa backstage. Nandoon na rin sina Hannah at Jeremy. OP kami ni Ashley dahil ang sweet-sweet nila. Kung hindi nga lang niya subject si Jeremy, I know Hannah will not be with him. Ngayon lang nangyari na may kasama kaming tatlo sa isang concert.

"Hindi ba kayo ganyan ka-sweet ni Simon, Ashley?" tanong ko sa kanya.

Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo niya. "I hate that guy, kaya please, never wish that I will like him!"

Nanaig ang katahimikan sa amin ni Ashley. Alam ko namang gusto na niya si Simon pero hindi pwede dahil sa tradisyon ng pamilya nila, ang Fixed Marriage.

"Nandito na ang Naked Eye band members." sabi nung organizer.

Isa-isa na silang lumabas, simula kay Ulysses, doon sa drummer, acoustic guitar player, bass guitar player at yung electric guitar player na nakabangga ko sa cafeteria kanina. Nakatingin siya sa akin pagpasok niya at noong umupo na siya, agad naman siyang ngumiti sa akin.

"Good day po sa inyong lahat. Salamat po sa panahong ibinigay ninyo para sa amin. Malaking tulong po ang ibinigay niyo." Paliwanag ni Ulysses.

"Uhm, may mga tanong po ba kayo sa kanila?" sabi ng organizer.

Nagtaas ng kamay si Ashley. Tumayo siya at nagtanong sa Naked Eye.

"Uh, I am one of the biggest fans. Idol ko kayo since debut niyo hanggang ngayon. My question is, anu-ano pa ang next projects ng Naked Eye?"

"Sa ngayon, wala pa kaming tinatanggap na projects. Gusto muna kasi naming matapos ang schooling bago sumabak muli sa jamming and concerts." sabi ni Ulysses.

Marami pang nagtanong sa kanila pero umalis na rin sila agad. Well, ayokong magtanong kasi unang-una, intimidated pa rin ako dun sa gitarista. Siya kasi yung nabangga ko kanina sa cafeteria. Kanina nga, nakatingin lang siya sa akin. Awkward talaga.

"Sophie! Ano ka ba? Daydreaming ba ang peg mo?" sabi ni Ashley. Ngayon ko lang napansin na nasa chapel na pala kami ng campus. Mga 100 meters ang layo noon mula sa gymnasium.

"Wala. May iniisip lang ako." palusot ko. Totoo naman na may iniisip ako at iyon ay ang gitaristang yun. Para kasing nakita ko na siya noon pa pero hindi ko malaman kung saan. Kanina nga, parang nakita ko si Benedict sa kanya, pero he is not that fair. Mamula-mula ang mukha ng lalaki kanina. Pero ang mga ngiti nila, parehong-pareho. "Asan sila Hannah?"

Natawa siya. "Tulog ka nga. They are going to study. May exams daw sila."

Napatigil ako. "Really? Mag-aaral sila?"

Tumango lang siya. Maya-maya, nagpaalam na siya sa akin. "Sophie, aalis na ko. Nandyan na 'yung sundo ko eh." paalam ni Ashley. "Ingat ka ha."

Niyakap ko siya bago ako nagpaalam. Wala ako sa sarili ko kaya kung saan-saang parte ng campus ako napunta. Ang sama pa, umulan nang malakas.

Tumakbo ako kung saan hanggang sa napadpad ako sa isang lumang building na alam kong nakakatakot base sa mga kwento nila. Ito raw ang dating chapel ni San Vicente na pinaniniwalaang horror at may mga nagpaparamdam.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko at unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko

К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.

Nagsitaasan ang mga balahibo ko at unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. Pumasok ako sandali sa loob pero nagulat ako sa nakita ko.

"Oh, tingnan mo nga naman. Pinagtagpo na naman tayo ng tadhana." asar niya. "Hi Miss Sungit!"

Bakit siya nandito? Bakit sa lahat pa ng taong makikita ko rito, siya pa?

Itutuloy...

Love ChordsKde žijí příběhy. Začni objevovat