How to move on from your "almost" boyfriend/girlfriend?
Nasubukan mo na bang magkaroon ng "almost" sa buhay mo?
Si Mr/Ms. Almost.
Sila yung muntik mo ng maging syota kaso ---
May syota syang iba, may mahal syang iba, malayo kayo sa isa't isa o sa madaling salita... complicated yung sitwasyon ninyong dalawa.
May nakilala akong isang lalaki, si Ivon. Unexpectedly minahal ko sya. Ganun naman talaga usually nagmamahal tayo unexpectedly diba? haha okay balik sa topic.
So I met this guy named Ivon. Sya yung 'almost' ko.
Nanligaw sya sa akin, hindi ko na muna sinagot kasi medyo komplikado yung sitwasyon naming dalawa.
Dumating yung time na kahit hindi ko sya sinagot eh parang 'kami' na. Sa labas kumakain, sabay umuwi. Nanonood ng sine. Basta yung mga typical na gawain ng mag jowa.
Hanggang sa nawala na sa isip ko na sagutin sya simula nung malaman kong may girlfriend naman pala sya. Naging cold ako, ganun din sya.
Ang pagkakaiba lang, SOBRA akong nasaktan. Inaamin ko sa sarili ko nung time na yun na mahal na mahal ko na sya. Maayos na sana ang lahat kaso -- yun nga may girlfriend sya.
Naka move on na nga ako kay Jay, eto na naman back to zero ulit. Ganun talaga, we have to accept the fact na paulit ulit lang yung nangyayari sa buhay natin.
Nagmamahal tayo, Nasaktan, Nag move on -- Nagmahal ulit, nasaktan ulit --- move on na naman. Ganun lang.
Pero kahit ganoon yung nangyari sa amin. Hindi ako nawalan ng pag-asa na balang araw mahahanap ko rin yung lalaking para sa akin talaga. Yun nga si Mr. Right ko at hindi lang si Mr. Almost.
Hindi lang dun nagtapos ang lahat, yung akala ko "Sya lang magiging Mr. Almost ko."
After a month na naka move on ako kay Ivon nakilala ko si Tram. He's a good guy. Oo yun talaga yung pagkaka kilala ko sa kanya. Naging matalik kaming magkaibigan. Sya yung drinking buddy ko, magkasabay kami sa lahat ng bagay. Sa inuman, sa galaan at kahit saan nagkakasundo kami.
Noong una ayokong aminin sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya. Sa mga ngiti nya, sa kulitan naming dalawa, sa mga sweet conversations namin and late night talks hindi ko maiwasang mahulog talaga.
Hanggang sa yung relasyon "parang kami pero parang hindi" (pag usapan natin ito next chapter)
Ayos lang sa akin, kasi sa isip ko wala naman syang girlfriend. Parehas kaming single. Sa isip ko baka darating din yung araw na manliligaw sya sa akin at magiging offical, oo umasa na naman ang lola niyo.
Tumagal yung relasyon namin na ganoon lang, masaya naman kami.
Pero hindi pa rin talaga sya para sa akin.
One time nakiusap ako kay God, sabi ko "God, kung hindi sya yung para sa akin pwede bang alisin mo na lang sya agad sa buhay ko?"
Ewan ko pero iyun talaga ang pumasok sa isip ko.
Nagdaan yung ilang buwan maayos pa rin naman kami. Hanggang sa isang gabi niyan, nalaman ko na lang mula sa isang kaibigan niya na may kasama siyang ibang babae.
After knowing that, umiwas na ako sa kanya. Oo nakaya ko naman. Kahit masakit at kahit back to zero na naman ako from the process of moving on ayos lang.
Ganoon naman talaga diba? Gaya ng sabi ko paulit-ulit lang talaga tayo nito.
NAGMAHAL, NASAKTAN, NAG MOVE ON - NAGMAHAL ULIT, NASAKTAN ULIT, NAG MOVE ON NA NAMAN
Ganoon tayo. Natural na iyun sa atin. Kaso yung iba napapagod na. Iniiwas na nila yung sarili nilang masaktan ng paulit-ulit. Alam mo kasi ang pag-ibig, maganda pero nakakatakot. Masarap pero delekado. Masaya pero nakaka-depress din. Ang labo diba?
Wag kayong matakot masaktan kasi parte na yun ng pagmamahal. Kung ayaw niyo munang masaktan sige huwag na muna kayong mag mahal for the meantime.
Yes, for the MEANTIME lang.
Hindi naman porket nasaktan ka ng paulit-ulit,aayaw ka na talaga. Pahinga lang wag kang mag quit. Ang pag-ibig parang buhay ng tao din yan.
Huwag mag quit sa buhay, laban lang. Huwag mag quit sa pag-ibig, laban lang.
Sa next chapter nito pag-uusapan naman po natin yung "Parang kayo, pero parang hindi." Alam ko po na marami din sa inyo na nabiktima ng sitwasyon na yan haha ayos lang po iyan marami na po tayo.
BINABASA MO ANG
ANG HIRAP MAG MOVE-ON (Paano nga ba?)
RandomPaano nga ba mag move-on? Ikaw sa tingin mo paano nga ba? Paano ba maka get over sa nawalang relasyon nyo ng long term boygfriend/girlfriend mo? Gaano ba kadali? Madali lang ba talaga? Ang daming tanong sa isip ng ilang mga taong heartbroken. Ma...