Ashton's POV
Nakakaboring naman tong panahon ngayon. Wala manlang akong makausap. Tinatamad naman akong lumabas tsaka ang lakas ng ulan. May bagyo atang parating buti nalang walang pasok.
Maglalaro nalang muna ako ng mobile legends. Nakaka adik kasi to hindi ko na mapigilan itigil pag naglalaro ako neto.
Tutok na tutok ako sa nilalaro ko ng biglang mag send saken si Andy ng picture na may kasamang mga babae nasa mall sila.
Langya, ang gaganda naman netong kasama ng kupal na to.
"Ganda ba? Hahaha. Mainggit ka!"
Sus. Kahit naman magaganda kasama niya di naman siya papatulan e. Hahaha."Come on Andy. Kahit naman maganda yang mga yan di naman papatol yan sayo." Reply ko sakanya. Hahaha.
"Ulol! Gago!" Haha. Sabi na nga ba mapipikon yan e. Ano bang bago?
"San mo naman nakilala yang mga yan ha?" Tanong ko nalang sakanya para naman maiba topic. Tinigil ko nalang din muna mag laro naglalag kasi ako.
"Oh ano? Ngayon interesado ka? Aba gago to."
"Edi wag. Problema ba yon? Haha. Takot mo lang baka pag nakilala ako ng mga yan ma-snob ka. Wawa hahaha."
"Lakas ng hangin. Bawas bawasan mo tsong masyado kang mayabang."
Hahahaha. Ang sarap talaga asarin ng isang to palibhasa pikon. Pero seryoso magaganda mga kasama niya pero may nangingibabaw talaga e. Ang ganda niya, ang ganda ng mata niya, ng ilong niya, ng labi niya, she looks so perfect for me.
"Haha. Wag ka ng pikon diyan. Sino ba kasi mga yan?" Dapat makilala ko yung babaeng yon. Di ako papayag na lumipas tong araw to na hindi ko manlang malalaman kung sino siya.
"Kaklase ko nung elementary. Nasan ka ba? Sama ka samen nagmumukha na akong bading dito ako lang lalake."
Gusto ko sana pumunta pero tinatamad ako e. Tsaka ang lakas ng ulan.
"Bahay. Tinatamad ako umalis malakas ulan nakakatamad mag drive."
"Ikaw din bahala ka bro. Sayang naman di mo makikita tong mga chixx na to."
Aba langya. Inaano ako ng mokong na to a. Hahaha.
"Ayoko nga." Di niya na ako mapipilit. Sobrang tinatamad talaga ako.
"Hanggang 5 pa naman kami dito kung magbago isip mo tawagan mo nalang ako. Sayang ka bro. Haha."
"Sige pagdasal mong sipagin ako. Wag ka ng mag reply boring mo kausap. Haha."
Anong oras na ba? Pagtingin ko sa oras sa phone ko 1 palang pag tumila na yung ulan baka sakaling magbago isip ko. Sayang nga din naman kasi kung di ko makasama mga babaeng yon. Hahaha.
Matutulog nalang muna ako inantok ako bigla e.
"Kuya! Kuya!"
Niyuyugyog ng kapatid ko braso ko dahilan para magising ako.
"Ano ba yon? Istorbo ka naman Ashley!" Di ko na mapigilang hindi siya masigawan ang sarap ng tulog ko napaka istorbo.
"Tumawag sakin si mommy wala daw kasing kwenta yang cellphone mo hindi matawagan! Pumunta ka daw ng mall mag grocery ka ng pagkain wala si ate Lina naka day off!" Balik na sigaw neto saken.
"Bakit ako pa?!" Sarap na ng tulog ko e. Nakakainis naman tong buhay na to.
"Alangan namang ako?!" Zzz. Suko nako di naman papatalo tong babae na to saken e.
BINABASA MO ANG
The Last 21 Days
Teen Fiction"Hindi ko alam" "Ewan, basta" "Hindi pa ako handa" "Ayokong masaktan ka" Yan yung mga linyang pinaka mahirap intindihin na salitang bibitawan sayo ng taong nagpapatibok ng puso mo. Oo nga mahal na mahal mo siya pero siya hindi pa sigurado. Ano magag...