One

0 0 0
                                    

Aya's POV


"Aya Monique Delos Reyes!!!!!!!!" Halos matanggal ang tenga ko nang marinig ko ang boses ng kuya ko na isinisigaw ang pangalan ko (-___________-')

Ang aga aga yan ang bubungad sakin, Napaka great! Ang sarap sarap ng tulog ko dito tapos mambubulabog sya. Tapos tinawag pa ko sa buong pangalan ko na sobrang panget pakinggan.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at wala sa sariling binuksan ang pinto ng kwarto ko.

"Aya! Buti naman nagising ka na! Mag aalas nwebe na! Diba firstday mo--" Di ko na sya pinatapos at dali daling nagtungo sa banyo.

'Langya naman oh! Bat ba di nag alarm yung selpon ko? Argh! 9:15 pa naman ang first class ko ngayon. Jusko 8:47 na.

Halos malaglag pa ko sa hagdanan dahil sa sobrang pagmamadali kong bumaba.

"Ayan kasi Aya! Puyat pa more. Oh ano? Di ka nag sabon noh? Hahahahaha! First day na first day si Aya Monique Delos Reyes di nag sabon ng katawan HAHAHAAAHAHA" Yan ang bungad ng walang hiya kong kuya.

Punyemers! Di man lang makisama, well ano pa nga bang aasahan ko jan sa loko loko kong kuya?

"Oo kuya! Salamat sa pang aasar ha? Na appreciate ko talaga!" Puno ng sarkastiko kong tugon sabay suot ng Maroon na Keds shoes.

"Ako pa ba? Pero teka bat ganyan suot mo? Aya! Babae ka, Pero bakit pormahang lalaki ang suot mo?" Agad naman akong napa tingin sa suot ko.

Black V-neck shirt na pinatungan ng  Maroon Flannel Shirt tapos Black Ripped Jeans, Oh? Anong mali sa suot ko?

"Kuya ano ba? Matagal na kong ganito ang pormahan ah! Pero dahil ang daldal mo kelangan mong ipaheram sakin yung kulay itim mong sumbrero, Bye na kuya!" Sabi ko pagkatapos kong kunin yung naka sabit nyang itim na sumbrero tapos sinuot na, nilugay ko lang yung buhok kong hanggang bewang ang haba.

-

"Good Morning Sir, Im sorry im late" Bungad ko ng makita kong nag umpisa na ang una kong klase.

Jusko sana naman hindi ito strikto. Ayaw kong mapahiya sa unang klase.

Halos mapunta naman sakin lahat ng atensyon ng mga estudyante nasa loob ng room.

Oh ano? Ngayon lang kayo naka kita ng estudyanteng late? Ha? Mga ignoranteng 'to, dukutin ko yang mga eyeballs nyo eh.

"Okay, Next time please be on time. Come in and intruduce yourself" Puno ng otoridad na wika ng guro namin sa asignaturang Ingles.

Wooo! Paki check nga yung  ilong ko kung nag nonose blooding HAHAHAHAHAHA

Pumasok na ko sa loob at di pa rin naalis saakin ang atensyon ng mga estudyanteng magiging kaklase ko, Oh ano? Crush nyo na ko nyan?

"So yeah, Im Aya Monique Delos Reyes. 16 years of age, If you have a question 'bout me just kindly ask me" Pagpapakilala ko.

"Pare, ang ganda sana kaso mukhang babae din ang gusto HAHAHAHA" Rinig kong bulong ng isang lalaki sa isa pang lalaki

Sana kung magbubulungan kayo, yung tipong dapat di ko maririnig 'no? (-_-')

Nilingon ko naman si Sir Alvarez, para tanungin kung saan ako uupo. Sabi nya naman maghanap na lang daw ako ng bakanteng upuan kaya dumeretso na ko sa bandang likuruan ng room.

Ayun, dahil unang araw palang ng klase Rules & Regulations lang ang napag usapan.

After ng English time may 45 minutes Vacant time kasi nasa bakasyon pa yung teacher namin sa Home Economics, Oh diba ang saya saya.

Kaya nung matapos yung Discussion sa English, walang lingon lingon na kong lumabas ng room at dumiretso sa Cafeteria dahil gutom na gutom na ko diba nga dahil di ako nakakain kanina bago umalis ng bahay.

Ay punyemeres naman oh! Wooo nasan na ba yung wallet ko? Halos ibuhos ko na lahat ng nasa loob ng bag ko para lang makita yung wallet ko pero wala pa rin!

Ay pakingteyp! Mukhang naiwan ko sa sofa namin (T__T) Paano na ko kakain?
Ayun tama! Tatawagan ko si kuya.

Calling Kuyang Abno'y

"Kuya, sagutin mo pleaseee---" Naputol ang pananalangin ko dahil biglang..

Tooot tooot tooot

Anak ng pitumpu't pitong puting pating naman oh! Wala akong load mga P're! Paano na ko kakain neto?

"Miss? Kelangan mo ng tulong?" Halos mapatalon ako ng makarinig ako ng boses mula sa likuran.

Nakangiting lalaki na di ko maipagkakailang gwapo ang bumungad sakin.

Pakapalan na 'to ng mukha mga P're!

"Ay, oo eh! Mabait ka naman siguro 'no? Ano kase..Pwede mo ba kong pautangin ng Isang daan? Ano kase.. Naiwan ko yung wallet ko sa bahay, pero pramis mamatay ka man este mamatay man yung kuko ko sa daliri, Babayaran kita bukas." Ani ko sa kanya sabay taas pa ng kamay na parang nagpapanatang makabayan.

Narinig ko na man syang tumawa ng palihim. May nakakatawa ba sa sinabi ko? (-__-)

"Ayun lang ba? Oo naman, by the way I'm Jairus and you are?" Aniya sabay lahad ng kamay.

Ang pormal naman neto, pwede namang makipag fistbump na lang.

Pinakita ko sa kanya yung kamao ko para sabihing makipag fistbump na lang, siguro umabot muna ng 34 seconds bago nya na gets yung ibig kong sabihin.

"Aya" tanging tugon ko pagkatapos kong matanggap yung 100 pesos.

"Balik ko na lang 'to bukas ah? Uh sa Guardhouse na lang tayo mag kita bukas pagkapasok para mabayaran kita" Sabi ko sabay taas baba ng kilay.

Ngumuso na lang sya at tumango.

"Maiwan na kita dyan 'tol, punta lang ako sa Cafeteria gutom na talaga ko eh" Dagdag ko pa sabay himas sa tyan ko.

Di ko na sya inantay na tumugon at mabilis na kong naglakad patungo sa Cafeteria.

Pero dahil mukhang binibigyan talaga ako ni Tadhana ng kamalasan, Ayun! Natapilok ako sa batong may katamtaman ang laki, buti na lang naagapan ko at di ako pumlakda.

Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan, tingin sa likod, tingin sa harap, Wusssshu buti na lang walang nakakita.

Pero nagkamali ata ako...

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA Ngayon lang ata ako nakakita ng lampang tomboy HAHAHAHAHAHA" Ani ng lalaking mukhang lumunok ng gluta sa kaputian well di lang sya maputi gwapo rin naman, pero syempre mas gwapo ako! HAHAHAHAHA!

Inismidan ko na lang sya at nag lakad na uli papuntang cafeteria, Dear Tadhana please lang tama na ang pagbigay saking kamalasan sa araw na ito.

---
Author's Note: Ayun na nga mga bes, HAHAHAHAHAHA Kumusta naman ang unang kabanata? Ayos lang ba? I-komento mo nga ang opinyon mo. HAHAHAHAHA

VOTE|COMMENT|BE A FAN

There Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon