Chapter 53. Gorta At Ang Kanyang Kakayahan

2.1K 101 5
                                    

Alex POV-

Paakyat pa lamang ako nang hagdanan nang maramdaman kong may mga yabag mula sa akin likuran
Mula sa malayo dalawang tao ang tumatakbo papunta sa aking direksyon

Kakaibang saya ko nang matanaw ko si anna sa malayo kasama nya si maru at magkahawak ang kanilang mga kamay habang tumatakbo

Teka teka bakit kailangan pang hawakan ang kamay ni anna

Nang makalapit sila sa akin ay masaya silang nakatingin sa akin

"Alex"
wika ni Anna

"Prinsepe"
Sabi naman ni Maru

"Magaling maru ngayon inuutusan kitang bitawan na ang kamay ni Anna"

Mabilis nya naman sinunod ang utos ko at nawala ang nakakainis na pakiramdam ko

Sabay sabay kaming umakyat pataas nang hagdanan isang mahabang daan muli ang bumungad sa amin

Naglakad kami sa mahabang daanan nang may naramdaman kaming kakaiba ni maru

Lumabas ang mga pana sa magkabilang bahagi nang pader

Mabilis kaming tumakbo pabalik para makaiwas sa maraming panang sunod sunod na lumalabas

Paano na kung ako ang tatanungin kayang kaya ko naman lusutan ang mga patibong dahil maliksi ang aking katawan

Pero si Anna at maru ay imposibleng makaraan sa mga bugso nang pana

"Anna gawin mong yelo ang mga pader"

"Patawad alex naubos na ang aking kapangyarihan at tingin ko wala na kong lakas pa para pagyelohin ang mga pader"

May boses na nangaling sa aming likuran

Kulay berdeng nilalang ang nagpakita sa amin

Sya ay isa sa mga pinuno

"Pinunong gorta"
wika ni maru

"Ako nga may kakayahan akong patigilin ang mga bagay na walang buhay tulad nang mga palaso na hadlang sa inyong daan pero sa loob lamang nang limang minuto sanay sapat na sa inyo ang ganun kaiksing oras"

Sumang-ayon kami na susubukan naming lampasan ang mahabang lagusan sa loob lamang nang limang minuto

Yumuko ako

"Pumasan ka sa akin anna"

Pasan pasan ko si anna si maru naman ay naka-anyong tao

Nakahanda na kami sa hudyat ni Gorta

"Ngayon na!"

Pagkarinig nang hudyat ay mabilis kaming kumaripas nang takbo bawat minuto mahalaga at hindi dapat sayangin

May isang dipa lamang ang layo ko kay maru

"Bilisan mo pa maru!"

Tumango sa akin ito na tanda nang pagsang ayon

Nang biglang...

Lumusot ang malaking ispada sa katawan ni gorta dahilan para mawala ang kanyang kapangyarihan

Matapos hugutin ang ispada ay muli nyang tinaga ang likuran ni gorta

Lumabas ang dugo mula sa bunganga ni gorta at nawalan na ito nang malay

Isang nilalang na may malaking pangangatawan hindi nalalayo ang itsura nya kay maximus

Maliban lamang sa malaking peklat sa kanyang mukha at sa uri nang kanilang sandatang ginagamit dahil wala syang kadenang nakabalot sa kamay

"PINUNO!"
malakas na sigaw ni maru na

"Tayo na maru"

Mabilis kaming tumakbo palayo sa nilalang na tumapos kay gorta

Mabuti na lamang at mukhang wala nang patibong maliban na lamang sa pader na bumabagsak upang masarhan ang aming daanan

Nakaraan kami bago pa man bumagsak ang malaking pader

Sino kaya ang nilalang na yun?
iniisip ko habang pinagmamasdan ang pader

Unti unting naglalamat ang mga pader at bigla itong nadurog mula sa usok galing sa nagibang pader ay nagpakita ang maya gawa nang pagkakatibag nang pader

Sya ang tumapos kay gorta

Galit na galit ang mukha nito na para kaming lalamunin nang buhay

"Sino ang pumatay sa akin kapatid na si maximus?".

End Of Chapter

ALBULARYO Hiwaga at Misteryo (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon