Chapter 44

11 1 0
                                    

Janet POV

Umalis na ko sa carinderia nun. Na realtalk ko si Edyl e. Totoo naman kasi lahat ng mga sinabe ko sa kanya e. Nagpakabulag ako sa pag ibig. Nagpakabulag ako. Sobrang sobra! Umuwi nalang ako ng walang gana at natulog nalang buong araw. Pagkagising ko , nag ayos ayos na lang muna ako ng sarili ko at pumasok na din agad sa room.


"Diba siya yung girlfriend ni Edyl?"


"Oo beks! Sinayang niya si Edyl."


"Ayy sayang naman! Kung sasaktan niya lang si Edyl dapat binigay na lang niya sa akin."


"Oo nga e. Hindi siya right para kay Edyl."


Yung mga bulungan na naman ng tao ang naririnig ko. At dahil nga wala si Carlo , wala nang pumrotekta sakin. Nasasaktan ako sa mga sinasabe nila. At dahil nga sa baba lang ako nakatingin , may nakabunggo sa akin.


"Ay sorry miss." Sabi nung lalaki na nakabangga sakin


"Arjay! Ikaw pala yan!" 


"Ayy ikaw pala yan Janet. Sorry ah. Haha! Nagmamadali kasi ako e."


"Saan kaba kasi pupunta? Magtatime na oh."


"Mabilis lang to. See you sa room. Bye!" Umalis na nga siya at ako naman tumungo nalang sa room kasi 15 mins nalang at magstastart na yung klase. Its 8:45 na kaya ilang minuto nalang ay magsisimula na. Wala daw kasi kaming first subject e sakto yung first subject ay 2hrs. Hahaha! Kaya sarap buhay. May seminar daw si Sir e.


Pagpunta kong room , walang nakaupo dun sa upuan namin ni Carlo. Asan na kaya yun?


"Uy sis!" Bati sakin ni Ronalyn. Ang saya niya ah. Ano kayang meron?


"Hello sis!" Sabi ko sa kanya at binigyan siya ng napakasayang ngiti.


"Uy Janet. Dito kana oh. Namimiss ka na namin ng girls." Sabi ni Krisly at inalis yung bag niya sa isang upuan para makaupo ako. I missed this girls


"So hindi na kayo galit sakin?" Tanong ko sa kanila


"Sa pagkakaalam ko , wala naman kaming dapat ikagalit e." Sabi ni Shervee


"Eh diba iniwan ko kayo dun sa resort ng tito ko."


"It's okay Janet. Naiintindihan naman namin ikaw e." Sabi ni Rheynalyn. Buti nalang at matatalino ang mga to kaya madali nilang makuha yung point ko.


"At sinabi na din naman ni Edyl ang buong storya e." Sabi ni Kaye


Oo , since nakasama namin siya sa resort naging kaibigan din namin siya. Masaya naman siyang kasama at may pagkakalog din. Haha!


Iniisip pa rin kaya ako ni Edyl hanggang ngayon? Mukhang nasaktan ko siya e. Pero nang dahil nga sa kwinento ni Edyl yung buong storya mukhang nasaktan siya.


"Uhm girls , pwede ba akong magtanong sa inyo?" Tanong ko sa kanila


"Hindi kapa ba nagtatanong ngayon sis?" Sabi ni Ronalyn sakin. Kalog na din to ngayon since bati na sila ni Roosevelt. Haha!


"Ayy. Joker ka sis! Nung kwinento ba ni Edyl yung buong storya , anong reaksyon niya?"


"Malungkot siya girl. At ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya. Kilala ko si Edyl e. At sakin siya naglalabas ng loob sa mga ganyang sakit." Sabi ni Krisly


"Kakausapin mo na ba siya Janet?" Tanong ni Rheynalyn


"Sa ngayon , ayaw ko pa muna." Sabi ko sa kanila


"Sige girl! Ikaw bahala." Sabi ni Shervee


At ilang minuto lang ay nakarating na  rin yung prof namin. Pinokus ko muna yung sarili ko sa pag aaral at pakikinig sa prof. At dahil nga sa kuryosidad ko , hinanap ko si Edyl at yung tropa niya sa loob ng room. Bat wala sila? Bat hindi sila umattend?


A Heart Full of LoveWhere stories live. Discover now