35th chapter

14 1 0
                                    

Monday, medyo di ako mapakali. Merong try out ng volleyball at kelangang makapasok kami ni Dom. Two days lang kaming ng nagpractice with kuya..

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa pag kakaangkas kay Kuya.. Naalala ko madami pala akong itatanung sa kanya na di ko na nagawa kahapon dahil sa "teacher gwapo" daw sya nung sabado at linggo.

"Does it still hurt...? " sabi ni kuya sabay hawak sa nga kamay ko n may benda.. Tatawa tawa sya nang makitang ngumuso ako..

"Malamang, kita mo oh.. Kulang mabali..pwersahan ginawa mo sa amin.. Pati katawan ko nakakaramdam ng sakit ah.. " sabi ko at ngumiti siya.

"can't wait to hear Dorcas rant again!.." sabay tawa.. See,feelingero talaga sya. Coach na coach ang peg.

"Makukulili na naman tenga ko malamang.. " naiiling kong sabi sa kanya. At nag lakad na kami..

"We will see kung papasa na kayo sa try out.. " yabang nya.

"Try mo kaya back uppan kami ni Dom.. " pairap kong sabi...

"Let me see kung may silbi nga ang pag turo ko.. " bumuntong hininga na lang ako.. Crossing my fingers on it para mamaya..

Di pa kami nakakalayo ng parking ng biglang dumating ang sasakyan ng kambal. Kaya naman napahinto kami dahil sa harap namin to dumaan.

"Andito na ang mga maangas.. " bulong ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.. Kahit talaga anung saway ko sa kanya, still a over protective stage brother talaga sya. Nginitian nya lang ako at nag peace sign.. Tumingin na lang ako sa daanan namin at nag lalakad na kami.. Naramdaman ko ang malalaking hakbang.. Malamang si Brandon to.. Kukulitin na naman ako. Wala sya nung magising ako sa clinic last friday.. Napangiti nako..

"How's your day..? Good morning.." biglang may nag salita sa gilid ko kaya napalinggon ako bigla.. Nagtaka ako di sya ang inaasahan kong babati sa akin ng "Good morning" ..Nakaramdam ako nang kakaibang panghihinayan pero madali ko itong winaglit sa dibdib ko.

"Good morning din sayo Panget.. " sabi ko at binigyan sya ng ngiti..

"Whooa, kahit sinabihan mo ako ng pangit, abswelto kana dahil sa magandang ngiti.. " sabi nya at ngumiti din.. Kaya natawa ako.. Pero inalala ko agad si Kuya.. Kaya lumingon ako sa kanya.. Nakakunot ang kanyang noo.

"Sino ka para patawanin si Ain ha?  Ako lang dapat nagawa nun.. " mag sisimula na naman sya Ivan kulot ka talaga.. I just roll my eyes on him..

"Chill, don't be selfish...I love hearing her laugh..freshener.."

"Anu albatros lang.. " kulit naman.. Kaya binilisan ko na ang lakad ko..

"Hey, wait..What happen to that.. " tinuro nya ang mga kamay kong nakabenda. Di ko malaman kung itatago ko pa ba..kaya nag kibit balikat ako.. Kaso kinuha nya ang mga kamay ko at di nya namalayang napahigpit ang kapit nya kaya napangiwi ako..

"Ouch..! " daing ko..

"Hoy,  anu ba nasasaktan naman oh.. " saway ni Kuya sa kanya at kinuha agad ang kamay ko himaplos haplos nya ito..

"I'm so sorry...but what really happen? " nag aalala ang tono nya.. Napatingin ako sa mukha nya nakatingin sa mga kamay ko..

"She's fine just don't touch her.."tinapik ang kamay ni Branden na hahawak ulit sana sa akin.

"Kuya, ok nako pwede ka nang mag punta sa room mo.. Sasabay na lang ako kay Branden.. " mahinahon kong sabi sa kanya at tinitigan ang mga mata nito.. Super obvious na hanggang ngaun nag aalala pa din sya..

"Pero... " kokontra pa dapat sya pero biglang nag salita si Branden..

"Don't worry, I'll take it from here.. " nakatingin sya kay kuya assuring him that I'll be fine in his hand.. Tumango si kuya at humalik sa noo ko.

"Ok, see you later." tumango ako. Tumalikod na sya at lumihis ng daan pa punta sa room nya..

"What exactly happen to your arms.?" he suddenly ask habang nag lalakad kami.. May naalala akong bigla dahil parang merong kulang.. Inilibot ko ang paningin ko hanggang mapadako ito kay Branden.. Matiim sya nakatitig sa mga mata ko. Di ako makasagot dahil sa paraan ng kanyang pag titig. Umiling ako,di ko kayang makipag titigan sa kanya.

"Bilisan na lang natin ha.. Baka malate tayo... " sabi ko na lang at binilisan na ang pag lakad..

"You should take extra carefull next time Ice.. " nilingon ko sya at nginitian..

Pag pasok namin ng room boses ni Dom ang narinig ko. Napangiti na lang ako.. I should ready my ears.. Naka yuko sya sa armchair nya while her two hands are stretched forward.

"Ouch, ang sakitttttt. It's the end of me.. My gosh...! " maarte nyang sabi.. Natatawa ako, naalala ko kahapon ang bungad nyang sinabi samin ni kuya noong umaga ng linggo.. Di ko naiisip na babalik pa sya after Saturday..

"Why, so arte naman this gurl.. " panggagaya ko kay kuya sa sinabi nya kay Dom.. Automatic umangat ang ulo nya at tumungin sa akin..

"How dare you mimic kuya Ivan ha.. Maldita ka talaga.. Tinawanan mo lang ako.. Di mo man lang inawat si kuya na saktan ako.. Anung klase kang friend.. Oh, my precious arms.." nang dahil sa sinabi nya natawa ako ng malakas.. Kaya napatingin sila sa akin..

"Shit, ang ganda mo Ice... " biglang sigaw ni James.. Dating friend ni Juben. Iniwan nila ito ni Tim dahil di daw magandang influence. Natigil akong bigla.. Nanlaki mata ko dahil biglang tumayo si Branden. Akmang pupuntahan si James pero inawat ni Tim at Juben..

"Shut up James.." tanging sigaw ni Tim ang narinig ko dahil nataranta ako sa ginawi ni Branden. Hawak nila ang mag kabilang braso nito..

"Tumigil ka James Yes... " sabi ni Juben, napatingin kami sa kanya at nag taka sa surname ni James..

"Anung yes, di naman yes apilyedo nyan.. GG ka..! " singhal ni Dom dito.. Binitawan na nila si Branden..umupo naman ang huli sa tabi ko.. "Huh, asan si Brandon" tanong ko sa isip ko.. Di ko naman maitanong dito sa katabi ko ngayon dahil nakakahiya..

"Sweetie,naman minsan ang slow mo.. " sinamaan sya ng tingin ni Dom.. Umayos ka Juben sasamain ka kay Dom sa isip isip ko.. Napapangiti na ako dahil alam kong kalokohan ng kumag na to..

"Ako pa slow. Gusto mo itong benda ko ipulupot ko sa leeg mo.. " amba ni Dom..

"Chill, sweetie pie, tsk!hot mo talaga.. What i mean kasi is anu bang ibang words ng yup, di ba yes or yeah.. Buti nga di yeah sinabi ko, James Yeah.. Sagwa sweetie, para you know.. Bedscene lang..Pang porn.. "  nag tawanan kami bigla dahil nung ma gets ni Dom.. Namula sya na parang kamatis. Kahit masakit kamay nya,pinapapalo nya si Juben at sinabihan ng bastos..

"Finally I can say gusto ko na ng friends.."

My Heart Found YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon