-----Chapter Three-----
[Storm's POV]
OMG! Hindi ko na kaya 'to. Nakita kami ni Gabriel na ganito ang posisyon namin. Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin? Huhuhu.
"Gago ka, Aiden! Umalis ka sa taas ko." Nagwawala na ako. Tinuhod ko siya sa tiyan niya dahilan para mabitawan niya ko. Dapat kanina ko pa pala ginawa 'to. E di sana hindi na umabot sa moment na makikita kami ni Gabriel, my love ko.
"Ahhhhh!!! Langya ka, Storm!" Napahawak naman siya sa tiyan niya at napahiga sa kama.
"Bagay lang 'yan sayo! Manyak ka!" Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko at nagbihis. Patuloy pa rin ako sa pagmumura sa kanya. "Leche ka talaga! Sarap mong patayin! Ano na lang ang sasabihin ni Gabriel?! Bwisit!"
Nakapilipit lang siya sa kama at hawak-hawak pa rin ang tiyan niya. Wala na siyang ginawa kundi ang magpagugulong-gulong at magsisigaw sa sakit. Tama lang 'yan!
Pagkatapos kong magbihis, tiningnan ko muna siya ng masama. 'Yung matalim na matalim para tumagos talaga sa buto niya. Lumabas na 'ko. Padabog kong sinira nang malakasang pinto niya. Kulang na lang masira ito.
Pagkalabas ko, nakita ko si Gabriel na nakaupo sa sala habang nanunuod ng TV. Dirediretso lang akong tumungo sa pintuan para makalabas na 'ko ng unit ng bwiset na lalaking iyon.
"Oi. Violet! Alis ka na? Dito ka na lang magdinner." -Gabriel
"Kung makaaya ka parang unit mo ha? Feel at home talaga? Ano bang ginagawa mo dito?!" -Aiden. Nakalabas na pala siya ng kwarto niya. Hindi na ako lumingon pa dahil nahihiya na talaga ako. Don't get me wrong. Hindi ako nahihiya kay Aiden kundi kay Gabriel. Bwiset talaga sa buhay ko ang Aiden na 'yan. Sa kanya lang ako nagmumura ng ganito eh!
Pagkalabas ko ng unti ni Aiden, pumasok na ako sa aking unit at dumiretso na sa banyo sa kwarto ko para maghalf-bath. Nawala ang antok ko! Bwiset na, Aiden! Nakatayo lang ako sa banyo habang nakaandar ang shower. Iniisip ko kung paano ako makakapagpaliwanag kay Gabriel bukas. Ayokong isipan niya ako ng masama. No! Hindi pwede. Arghhh! Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
Lumabas na ako ng banyo, pagkatapos. Naka-undergarments lang ako habang pinupunasan ang basa kong buhok. Naligo na lang ako para lumamig naman ang mainit kong ulo tapos sinasabayan pa ng mainit na panahon. Gabing-gabi na pero ang init pa rin! Naghanap ako ng damit pantulog.
"Sto---" Napaharap ako sa pintuan nang may nagsalita. "What the f*ck?!"
Lintek na lalaki! Hindi pa nakuntento kanina! May pagnanasa siguro sa akin 'to eh!
BINABASA MO ANG
Hot VS Cold
Teen FictionHer VS Him Ms. Perfect VS Mr. Perfect Ms. #2 VS Mr. #1 Two different people na ang goal ay matalo ang isa't isa. She always loses and he always wins. But she never knew that he already lost. When he fell. He fell in love.