Chapter 6 Tree House

63 1 0
                                    

Justine's POV

 

Hindi ko alam pero parang biglang sumaya yung puso ko nung nakatabi ko dito si Liane. Hindi naman sa pagiging corny pero seryoso talaga ko. Iba yung pakiramdam ko nung tinabihan niya ko. Sana, hindi siya mailing sakin. 

"Uhh, kamusta pala sa US Liane?" – ako. Tinanong ko siya.

"Ayun! US pa din naman siya. Wala namang pagbabago kahit sa spelling eh. Hahahaha!" – siya

Aba at nakuha niya pang magjoke samantalang ako parang hindi na mapakali pa dito. Pero, buti naman at marunong pa siya magtagalog kahit na matagal na siya sa US.

"Uhh, bakit nga pala ang galing mo pa din magtagalog kahit na matagal ka na nasa US." – ako

"Kasi naman dito naman ako pinanganak diba? Kaya kahit matagal ako dun, kaya ko pa din naman magtagalog. Marami lang akong mas natutunan at mas nalaman sa English. " – siya

"Ah. Eh Kamusta naman yung mga kaibigan mo dun? Hindi ba sila malulungkot dun kasi umalis ka na?" – ako.

Wala akong maisip na itanong sa kanya at yung pwedeng pag-usapan namin. Naba-blangko ako eh.

"Maniniwala ka ba kung sasabihin ko sayong wala kahit isa akong nakasundo dun? Kahit nga kausapin ang kaklase wala eh. Kaya kapag groupings, ayoko! Kasi lagi akong mag-isa. Ewan ko ba kung bakit hindi ko feel mga tao dun eh." – siya

"Talaga?" – ako

“Talagang talaga! Tsaka, kahit naman saan ako magpunta, kayo lang naman yung kaibigan ko. Kayo lang naman nila Cass." – siya

Ano ba naman ito?! Bakit nahihiya akong kausapin siya?! Naba-blangko ako kapag siya kausap ko eh. Wala na nga kong masagot sa kanya ngayon eh. Kaya nanahimik na lang ako kasi wala na talaga kong masabi sa kanya eh.

Natahimik kami ng mga 15 minutes siguro. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin siya sakin. Tapos minsan naman, siya yung nakakahuli sakin. Alam niyo yung awkward na nagpapakiramdaman? Ganun yung nangyayare samin ngayon. 

Forbidden Love (Onhold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon