*3 The Goddesses

171 2 0
                                    

Mars' Pov

"1,000 pesos ang fee ng pagiging boyfriend ko sayo sa loob ng isang araw, at P200 naman kapag may holding hands, P300 kapag may yakap sa braso , P400 kapag Hug, P500 kapag may kiss sa cheeks at P1,000 kapag sa lips! pero mas maganda kung wag mo na lang isama yung pang huli"

Nandito parin kami sa park at ang loko  nagsulat at nag kwenta pa ng mga presyo niya sa pagiging boyfriend niya sakin

(-_-) ang mamahal pa man din ng singil niya noh?

Hindi ko akalaing sa ganda kong to kailangan ko pa palang magbayad ng napaka laking halaga magka boyfriend lang

"Ano nag-gets mo ba!?" tanong niya sakin habang naka half sitted (yung upo na hindi sumasayad yung pwet sa lupa)

"Opo..." walang gana kong sagot "tsk! naman! napaka ma kwenta mo talaga"

"Aba siyempre ginusto mo yan" mataray na sagot niya sakin

Naku! kung hindi lang talaga ako porsigido na gawin kang lalake malamang matagal na kitang inurungan! at tinarayan

At tulad nga ng nakikita niyo, wala na akong nagawa at pumayag na lang ako sa gusto niyang mangyare

Makalipas ang ilang oras, nag desisyon na rin kaming maghiwalay at dumaretso na siya ng uwi

Ako naman pumunta muna ako sa resort namin ng mga barkada ko, kailangan ko muna kasi ulit mag isip isip ng panibagong plano

[Galaxy Resort]

Nandito na ako ngayon sa veranda ng resort namin, malaki din ito at sobrang masarap ang simoy ng hangin kaya dito magandang magpunta kapag gusto mong mag isip isip

Iniregalo samin itong resort na ito nung birthday namin ng mga kaibigan ko, pare-pareho kasi kami ng birthday kaya ito nalang ang naisipang iregalo samin ng mga parents namin at next year 4 years na itong resort na ito  ^_^

Nakatingin lang ako sa napaka gandang view mula dito sa veranda habang nag iisip kung paano ko ba talaga ma s-seduce ang nag iinarteng baklang si Keila, ng biglang

"Oh you're also here ^_^ nice to see you again Mars" napalingon ako bigla dun sa taong nagsalita sa may gilid ko at pagkakita ko kung sino

Biglang lumapad yung ngiti ko

"Uranus ikaw pala!" nakangiti siyang kumaway sakin mula sa pintuan at lumapit

Siya ang isa sa mga kabarkada slash bestfriend ko na si Uranusilvia Zamora. 17 years old at siya ang pinaka mabait, pinaka humble at pinaka matured sa buong barkada

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya

"Wala naman ^_^ I just missed this place, oh ikaw?" naka ngiti pa rin siya habang nakikipag usap sakin

"Hmm wala naman, may iniisip lang kasi ako"

"Ahh ganun ba? come on lets have a coffee then we're going to talk about it"

At sabay na kaming pumunta sa kitchen, nagtimpla ng kape then umupo sa sofa

Paupo na sana kami sa sofa ng bigala namang dating ng iba pa naming kabarkada

"Mukhang kumpleto ulit ang Galaxy Goddesses ha?" ^__^ ngiting ngiti na sabi ni Jupiter habang papasok ng pinto

Nagsitabihan naman rin sila sa saming dalawa ni Uranus

Si Jupiter Mae Villafranca ang isa pang myembro ng barkada, ang pinaka kikay at pinaka maingay sa grupo

"Kumusta na? Ang tagal din natin hindi tumambay dito ah" masayang sabi naman ni Saturn sabay inom pa sa kape ni Uranus

Seducing my most Unexpected LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon