Chapter 22: From Her Dreams to Reality

48 1 0
                                    

[ Chapter 22: From Her Dreams to Reality ]

Bella Shin's Point-of-View

*bzzt*

Ugh, bakit ba tumutunog yung telepono ko ng ganito kaaga?

*bzzt*

Napabangon ako sa kama at tinignan yung telepono ko. Ano bang meron ngayon?

From: Y. Domingo

LINTEK NA BELLA! NASAAN KA NA? AKALA KO BA 8AM ANG CALL TIME KINA LANCE? LECHE PUMUNTA KA NA DITO.

Shit! May group meeting nga pala kami ngayon! Aish, ba't ko nga ba nalimutan yun?

"Ma, pahanda ng breakfast-to-go! Thank you!" Sigaw ko kay mama mula sa kwarto. Sana narinig niya yun. Nagmadali na akong maligo at magbihis. Lintek, 8 na! Pagkababa ko ay kinuha ko na yung hinanda ni mama sa mesa. Shit, late na 'ko nito.

"Ma, alis na po ako!" Madali kong sabi sabay sara ng pintuan. Tumakbo na 'ko papuntang gate at naghintay na ng tricycle. Buti na lang at may nasakyan ako agad papuntang terminal.

Nang nakasakay na 'ko ng jeep, tinawagan ko na si Yanna. Lagot na talaga ako nito. Paano ba naman, role playing kasi gagawin namin. At ako pa yung napiling main role! Aish, I'm so dead already.

Calling: Y. Domingo

Aish, ba't 'di 'to sumasagot kaagad? Ganito ba 'to kagalit sa'kin dahil na-late ako? Kainis! Binaba ko na yung tawag. 'Di na rin naman sasagot, eh.

"Manong para po!" Sigaw ko dun sa driver ng jeep nang nakarating kami sa subdivision nina Lance. At dahil nasa may harap lang yung bahay nila, naisipan ko na lang na lakarin 'to. Tatagal pa kasi ako pag naghintay ako ng tricycle.

"Hayun! Hayun ang babaeng sinasabi ni Boss!"

"Ano? Paslangin na natin?"

"Sige ba!"

H-huh? That conversation sounded so familiar. Aish, pati ba naman 'yan iniisip mo, Bella? Tss.

Calling: Y. Domingo

Shit, hayan na! Sinagot ko na kaagad yung tawag. Sigurado akong magagalit na 'to sa'kin.

"Oh ano na Bella?" 'Tay tayo diyan, Bella.

"Ha? Di kita maintindihan."

"Pupunta ka pa ba sa group practice natin? Late ka na for 45 minutes!"

"Ah sorry, sorry. Ito na. Malapit na ako sa bahay ni Lance."

"Sigurado ka ha. Pag ikaw umabot ng isang oras na late, magsisimula na kami."

"Oo, oo. Magsimula na muna kaya kayo. Kabisado ko naman lines ko eh."

"Ikaw po ang main role. Bahala ka. O siya, baba ko na 'tong phone."

"O sig -- aaaaaaaaah!"

What the f-ck! Bigla-bigla akong hinawakan ng kung sinuman sa likod ko. 'Di lang 'yun, hindi ako makaalis na pagkasakal niya sa'kin!

"Oy Bella! Bella! Huy! Nangyari sayo diyan?"

Shit, Yanna. Sorry, some bastard got me. Sinubukan kong pumiglas kaso wala talaga, eh. Darn, these guys are so strong!

"Aaaaah! Tulong! Tulong! Puchang gala! Tulooooong!" Sigaw ako ng sigaw dito! Ano bang kailangan nila sa'kin?

"Sabing manahimik ka, eh!"

In Her DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon