Maretis Lily's POV
Tahimik akong naglalakad patungo sa isang pond na nakita ko sa academy ng may maaninag akong isang bulto ng katawan na nakaupo sa gilid ng pond at mukhang may malalim na iniisip.
Hindi naman ako nagdalawang isip at nilapitan ko ang nilalang na iyon. Napasinghap lang ako ng mahina ng makitang si prince Mirco Isaiah pala ang nilalang na iyon. Sinilip ko naman ang mukha neto at nakita kong may luhang tumutulo sa kanyang mga mata at parang wala nang buhay ang mga ito.
"Pstt." Tawag ko dito pero tila wala lang siyang narinig. Napakamot naman ako sa aking ulo at naupo katabi niya ngunit syempre may distansya no mga 3 metro lang ang layo.
"Psst, prince Mir..co.." tawag kong muli sa kanya sa boses na medyo mahina at malambing. Takte, hindi niya pa din ako pinapansin. Kung itulak ko nalang kaya siya? Yun sigurado akong mapapansin niya ako. Napatawa naman ako sa aking naiisip.
"Baliw." Mabilis akong bumaling sa kanya ng bigla siyang magsalita. Napakunot- noo naman ako, sinong baliw?
"Tumatawa kahit wala namang nakakatawa." Sambit pa neto sa tila walang buhay na boses, napasinghap naman ako sa sinabi niya. Shit, tumawa ba ako ng malakas? Hindi ko alam, nakakahiya. Bigla namang namula ang aking mukha at napaiwas ng tingin sa kanya.
"Bakit ka nandito?" dinig kong tanong niya sa akin makalipas ang ilang Segundo. Napatingin naman ako ulit sa kanya, nakatingin na siya ngayon sa tubig sa pond.
"Yan din sana ang itatanong ko sa iyo eh. Bakit, nandito ang isang prince Mirco at nagsesenti sa harap ng pond?" sambit ko naman dito.
"Bakit? Bawal ba?" ganting tanong neto sa akin kaya napakamot nalang ako sa aking ulo ulit.
"Hindi naman sa bawal pero nakakagulat lang. Ang alam ko kasi sa iyo ay masyado kang Masaya para magsenti dito. E- a-assume ko nalang na may nangyaring masama kaya ka nandito." Sambit ko naman sa kanya at napatingin na din sa pond.
Hindi naman siya sumagot kaya napatingin ako ulit sa kanya at nakikita ko ang pagkuyom ng mga palad niya na tila nanginginig pa ang mga ito. Hindi ko alam kung anong nagyari sa akin at hinawakan ko ang kamay niyang nakakuyom.
Napatingin naman siya sa akin at hinaya-an niya lang na hawakan ko ang kamay niya.
"magiging okay din ang lahat. Wag ka lang susuko at patuloy kalang sa paglaban kahit na ano pa yan." Ngiting sambit ko sa kanya habang nakatingin pa din siya sa aking mukha.
"Maraming salamat." Sagot niya sa aking ilang Segundo ang natapos. Binitawan ko na naman ang kanyang kamay kaya napatayo na din siya at nagpagpag.
"Salamat ulit, Maretis." Sambit neto sa akin at napatango naman ako sa kanya bago siya tumalikod at umalis sa lugar na ito.
Kate's POV
Napamulat ako ng aking mga mata at napatingin sa aking paligid, napabuntong hininga nalang ako ng makitang madilim na ang paligid. Nakatulog pala ako dito sa itaas ng puno ng hindi ko manlang nalalaman.
Lumundag naman ako pababa sa puno ng makapag- unat na ako ng aking mga buto. Maglalakad na sana ako palayo sa puno ng may Makita akong isang maliit na papel na tinatangay ng hangin.
Sinalo ko ang maliit na papel na iyon ng mahulog ito sa aking harapan. Binasa ko ang papel at napataas ang sulok ng labi ko sa nakasulat sa maliit na papel na iyon. Kinuyom ko naman ang aking kamay na may hawak ng papel at bigla itong lumiyab sa kakaibang apoy. Binuka ko ulit ang aking kamay at tanging abo nalang ang nandoon, bigla namang humangin kaya tinangay na ang abong iyon.
YOU ARE READING
DOMARIE (Enchanted Bloodline) (Complete)
FantasyRated SPG All Rights Reserved This is a work of fiction, any resemblance to any other stories are pure coincidence. This is rated spg.., the story contains some gore and adult scenes. Please be open minded. Thank you!! I never...