Chapter 15:Awkward

66 7 2
                                    

A/n: Kristiana Irish Dominguez and Erickson Yurri Kurt Lee on multimedia♥♥.

Dominica PoV

NASA sala kami ngayon kumakain ng meryenda, yes meryenda! Itong si Ana kasi mapilit, gustong gustong lumamon nang lumamon buti nga hindi tumataba eh. Vacant kasi namin ngayon, kesa naman sa labas kami tumambay eh napag-usapan namin na dito nalang sa dorm.

Nakalabas na ako ng ospital dalawang araw na mula ngayon♥ baka kasi magtaka kayo kung bakit nasa dorm na ulit ako.

'Tatlong sasakyan ang sabay sabay sa sumabog sa Cavite, ayon sa mga nakakita pagewang-gewang daw ang isang sasakyan hanggang sa sumalpok ito sa dalawang sasakyan na nasa harap niya."

Napatingin ako sa t.v ng ibalita 'yon at napangisi ng bahagya, sa Cavite pala nila dinala yung mga kotse na sumusunod kay daddy. Nakakatawa lang.

'Namamasyal kami dito ng makita namin yung tatlong kotse na parang nag-uunahan sa daan kaya napatigil kami sa pagdadrive ng makita namin yun, then nangyari na ang banggaan.'

Nakita ko ang isa sa mga body guard ni daddy sa t.v, ang galing talaga ni daddy pumili ng mga magtatrabaho sa kanya, yung tapat , mapagkakatiwalaan at magaling umarte.

"Grabe 'no? Nakakaawa naman yung nasa loob nung tatlong kotse na yun." Kunot noo 'ko naman na tinignan si Ana ng sabihin niya yun.

"Anong nakakaawa diyan? Eh kung mga masasamang tao pala 'yan tapos sabihin na natin na karma na nila ang aksidente na nangyari...maaawa ka pa rin ba?" Pagtatanong ko.

Tinignan nila ako bago sila magkatinginan dalawa. Ano nanaman kaya ang iniisip nitong dalawa 'to? "Bakit may kinalaman kaba?" Mapanghuli nilang tanong but sad to say, hindi nila ako mahuhuli.

"Sa tingin mo?" Panghahamon kong tanong sa kanila. Nagkibit balikat nalang ito ay tumingin ulit sa t.v.

Tumayo ako at nagpuntang kusina para kumuha ng pagkain, nang nasa tapat na ako ng ref. may kung ano akong napansin sa lababo. Nang lapitan ko...isang kwintas na kulay gold ay may nakalagay na letter K.

Tinignan ko yun ng maayos. "Kanino 'tong kwintas na 'to?" Agad naman napatingin sa akin yung dalawa at biglang tumayo si Ana at kinuha sa akin yung kwintas.

"Wooh! Buti nalang!" Napahinga siya ng malalim at niyakap yung kwintas, hala baliw lang?

"Sayo 'yan?" Tanong ko kay Ana agad agad naman siyang tumango, lumapit ako sa kanya at kinuha yung kwintas na hawak niya. Para kasing pamilyar hindi ko lang alam kung saan ko 'to nakita.

"Sinong nagbigay sayo nito?" Pagtatanong ko. "Si papa...binigay niya 'to sa akin nung nasa labas pa tayo, sabi niya suotin ko daw kapag nasa loob ng Academy." Sagot naman niya.

Bakit naman magbibigay si tito Dennis ng kwintas na kapareho---natigilan ako ng may maalala.

~~flashback~~

Nung grade 2 ako at nung bago umalis si mommy pumunta muna sa kwarto ko.

"K-kim anak aalis muna ako, may pinapagawa kasi sa akin ang daddy mo." Iyak na sinasabi ni mommy habang hinahawi ang mga hibla ng buhok ko.

"Saan ka po pupunta?" Pagtatanong ko. Napaiwas naman ng tingin si mommy at tumingin sa bintana.

Hindi iyon sinagot ni mommy. "Babalik din naman ako Kim, sa-sabihin na natin na magbabakasyon lang ako." Paliwanag ni momy tumango-tango naman ako.

The Gangster Trio[Under Revision](On-going)(Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon