Chapter 01: First DayUnang kita ko palang sayo, para nakong naiinis na ewan, sobra kang walang modo! Dapat ikaw yung magsorry pero may pababy-baby ka pa -Mica
Michaela Grace's POV
Hello! Im Michaela Grace Cerna, 17 years old. Fourth year highschool from Philipines! Pwede na bang into ito sa bago kong school pag nag introduce yourself? Nasa tapat ako ng salamin, i didn't know kung paano, o magiging ano ang buhay ko sa bagong school na papasukan ko.
Pinalipat kasi ako ni Mama sa isang private school, hayst! Ayoko sana kaso kailangan. Baka daw kasi ako ang pag-initan ng mga kalaban ni Mama sa Bussiness World. Lilipat ako sa Marcus Academy, balita ko masyadong high tech at maganda daw duon, kaso makakapagadjust ba ako? Isa lang naman akong isang estudyante na galing sa public school dati.
Inayos ko ang straight kong buhok, tutal nakatapat na naman ako sa salamin ehh. Ika nga nila grab the opportunity hahaha. Ngayon ang unang araw ko sa paaralan na aking papasukan, actually nagpunta na kami duon nung isang linggo. Nakaikot na rin ako kaso hindi ko parin talaga kabisado, Wala daw required uniform pag 4th years highschool kana, pero hangga't maaari daw ay ang suotin ay hindi mga klase ng damit na kinapos sa tela. Pero wala naman akong ganung damit at asang magsusuot ako ng ganun! Kaya ang suot kong damit ay isang plain white t-shirt at pantalon na tinernuhan ko ng aking puting sapatos.
Lumabas na ako sa may kwarto ko, balak ko pa sanang mag agahan kaso naalala ko baka malate ako! Daan pa kasi ako sa Dean's office mamaya. Pumunta ako sa may garahihan ng mansion ni Mama, hindi namna kasi akin itong bahay kundii kay Mama.
"Ma'am ako po ang maghahatid sa inyo" sabi ng isa sa driver namin. Tumango naman ako at sumakay na sa likod, hindi naman kasi ako sanay na sa unahan na sakay. Mabuti na rin ang may driver kasi pag wala baka magkanda ligaw-ligaw ako. At saka waley pa akong driver's license.
Pagkatapos nang ilang minuto ata? Ay nandito na kami sa Entrance Gate ng Marcus Academy. Kitang kita mo sa gate ang karangyaan at kung gaano kayaman ang School. Dahil sa dami nitong kumikintab na bagay at kulay ginto.
Ay! Pupunta pa pala ako sa Dean's Office! Wait saan ba banda iyon? Hayst nako ka talaga Mica! Kung magtanong kaya ako? Oo siguro nga. Mabait naman siguro ang tao dito no?
May nakita akong babaeng kulay blonde ang buhok, kinalbit ko sya. Sana mabait at hindi masungi katulad nubg nga babaeng blonde ang buhok na nababasa ko sa Wattpad.
"Hello po Goodmorning! Magtatanong lang po saan kung saan ang office ng dean?" Nahihiya kong tanong. Sana hindi masungit. Sana hindi masungit!
"Hello din bago kalang dito? By the way Im Mandy! Halika samahan nakita sa Dean" Yaya nya sakin, mabait naman pala sya. Nakahinga na ako ng maluwag! Uyy at ang ganda nya!
"Ayt thank you pala! ako pala si Michaela pero Mica nalang ang itawag mo saakin" Saad ko. Nakita ko naman ang pagngiti nya.
Ilang minutong paglalakad, nakarating kami sa opisinang pinuntahan namin nung isang linggo. Hindi naman pala masyadong malayo. Buti nalang sinamahan ako ni Mandy! Ang bait nya bago ang friendly pa, habang naglalakad kasi kami ay nagkwe-kwento sya.
"Mandy thankyou pala ulit" pagpapasalamat ko, tumango naman sya sa akin.
"Sige, katok ka lang dyan! Maiwan na kita Ate Mica. Nice to meet you" Sabi nya bago tuluyang umalis, matand apala ako sa kanya ng dalawang taon. Kasi na kwento nya pati ang edad nya kanina.
BINABASA MO ANG
Loving Him
Teen Fiction[ revising ] Written by @aeraceles Alright reserved 2017 Date started: 07/05/17 Date ended: 09/05/17 Revising date: 05/26/19