"KUYA!!!' Sigaw ko.
"Mahal na mahal kita hope. Mahal ko ang buong school. Pakisabi kina mom and dad na mahal ko sila. Mananalo kayo. Alam ko yan! Wag nyo na ako isipin. Tignan mo ako hope. Wala ng patutunguhan ang katulad ko. Wala ng pag asang mahabol ko pa ang home base natin.
Basta sabihan mo si Creia na mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal kita Hope! Kayo ni mom and dad. Wala akong ibang hinangad sa buong buhay ko kung hindi makasama kayo at mabuo. Pero sapat na ang mga oras na magkakasama tayo. Nakikita mo na ba ang katotohanan? Mananalo tayo. Makakasama nyo pa rin ako pero sa puso. Hindi nyo ko kailangan makita para masabing mahal nyo ko. Pwede nyo akong isecure na lang sa puso nyo at doon, mas makakasama nyo ko. Mas buo tayo. Kaso sa kabilang banda--" sabi nya at pinilit na huminga."Sa kabilang banda—may mga bagay na hindi ko na talaga makikita pa. Si Mom at dad. Kailan ulit ang anniversary celebration nila? Ang stellar Academy. Paano kaya ang pag welcome nila sa inyo? Ang Castello? Paano nila kayo babatiin? Hindi ko na makikita kung paano sumimangot si raven. Kung paano maging strikta si Meissa. Kung paano mang inis si Andreu, kung paano kayo kasweet ni steven, kung kailan ang kasal nyo? Kung ilan ba ang magiging pamangkin ko? Hindi ko na makikita si Creia na nandyan sa tabi ko para suportahan ang isa't isa. Hindi na ako ang magiging tagapagtanggol mo or ni creia. Wala ng gigising sayo para sa early wake up call. Tama ka, wala ng tatawag sayo ng little princess. Wala ka ng magiging kaasaran. Wala na siguro sa vocabulary mo ang kuya' wala na siguro ang Neill na lagi kayong tinuturuan humawak ng armories. Wala ng Neill Hudgers na bubuo sa warriors. Wala na hope. Tanggapin na lang natin na napakaraming pahina na ng libro ng buhay ko ang nabasa nyo. Marami dun ang Ups and Downs. Marami na rin kayong pahina na binuklat para makasama ako. Siguro, ngayon na ang itinakdang oras para isarado nyo ang libro ng buhay ko. Makapal man ito at puno ng kwento, pinagtiyagaan nyo yung pakisamahan. At dahil dun, hindi ako nagsisisi na maging bida sa kwento. Hindi ako nanghihinayang na ipabasa sa inyo ang buhay ko. Salamat dahil inalagaan nyo ang aklat. Salamat sa pagdadala nito sa kahit saan. Though mamamatay ako ng ganito, masaya ako. Masaya ako na kayo yung dahilan ng kamatayan ko. Pinaglaban ko kayo. Pinaglaban kita. Hindi ako nagsisisi dun. Basta lagi mong tatandaan, I am Neill hudgers, I will be there for you and for everyone and I hope my Image will remain. Mahal na mahal ko kayong lahat." Sabi nya.
Puro iyak ko, iyak nya, at iyak ni steven ang maririnig.
"Pagod na ako. Pagod na rin ang mga mata nyo sa kakabasa. Hayaan nyong ipahinga ko na ito at punasan nyo na rin ang mga namamaga nyong mata. Isarado nyo na ang libro ko at hayaan nyo na akong mamahinga. MANANALO KAYO! MABUHAY ANG CASTELLO! MABUHAY KAYO!" sabi nya at ngumiti.
Naipikit nya na ang mata nya at natapos na ang pagdurusa nya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napahagulgol na ako sa iyak.
"My twin, My bestfriend, My brother, My protector, My savior, My guard, My teacher, My Alarm clock, my Everything—KUYA. Sana maging masaya ka sa pupuntahan mo. Mahal na mahal kita Neill hudgers. Neill Hudgers was gone far away." Huli kong nasabi bago tumulo ang sunod sunod na luha ko.
Neill Hudgers was gone far away.
"Hope?" Sambit ni andreu na kanina papala naririto.
"Tara na?" Sabi nya.
I nodded.
Wala akong maramdaman. My body is alive but deep inside, I was dead. I was so dead since a while ago. I never knew that this could probably kill me silently.
"Pwede bang—isama muna natin ang katawan ni Kuya? Kahit malibing lang sya? Ayoko syang masama sa pagka abo ng mga naririto sa explosion." Sabi ko.
"Oo.tara na?" Sabi nya.
Kasabay ko si kuya at si steven pati si Andreu sa super speed ball.
Hawak ko si kuya at nakita ko ang ngiti at luha sa mga mata nya.
Kitang kita sa bawat isa sa amin ang pagkalumo. Dati kinakaya kong magpakatatag pero ngayon? Hindi na. Hindi muna. Ako muna. Sarili ko muna.
Ilang minuto ko ng sinasariwa ang bawat nangyari kanina. Pinapatay ako nito. Pinapatay ako ng sarili kong emosyon.
Nakarating kami sa sentro ng court.
Nag iintay sila creia na nakangiti. Mas naiyak ako dahil umaasa sila na naligtas si Neill.
Pagdating ko dun, binuhat na ni steven at andreu si kuya.
Dun ko nakita si Creia na napaluhod.
"NEILL! ANONG NANGYARI?!" sigaw nya at umiyak.
Inalalayan sya ni raven at ni Meissa.
00:00:30
Ang oras na sana ay kanina pa kami naririto.
Pumasok na una si Meissa.
Nagbilang na ang orasan at duon na nagflicker ito sa wrist namin.
Meissa Estrella From team castello Sealed. Chieftain safe.
Sumunod si Steven dala si Neill.
Steven Hexus from Team Castello sealed. Shaman safe.
Ang pagod na pagod na si Andreu na ang sumunod.
Andreu Collister from Team Castello sealed. Astir safe.
Si raven na nagdadalamhati ang sumunod na tumapak sa Home base Flatform.
Raven Blush from team Castello sealed.Concealer safe.
Si creia na ang sumunod. Halos parehas kami ngayon.nawala na angsaya sa mga mukha namin. Parang nalewala nasa amin ang pagpasok dito.
Creia Anderson from Team Castello sealed. Seer safe.
Huli ako. Huli akong tumapak pero bago yun, huminga muna ako ng malalim at tumapak.
Hope hudgers from Team Castello sealed. Schemer safe.
Ng mabanggit ang pangalan ko, agad na kaming tumingin sa buong paligid.
Umangat na ang flatform at lahat kami nag sigh. Its a breath of relief and satisfaction.
The explosion will occur in..
Three.
Tinignan ko ang kabuuan nito. Ang baba nito na nililibutan ng mga puno.
Two.
Nahanap ko ang sarili ko na nakangiti. Lahat kami ay kahit papaano'y ngumiti.
One.
Natapos rin ang pagbilang ng babae at isang pagyanig ang narinig namin.
**********

YOU ARE READING
STELLAR ACADEMY✔
FantasyStellar Academy. [School for supernaturals] "In order to have power is to take it" ©All rights reserved MoiSelle_Unicorn's Fantasy Collection started: Feb 6,2017 ended: February 25,2017