Paano ang "ako", kung wala namang "ikaw?"
Paano mabubuo ang salitang "tayo",
kung binubuo ito ng dalawa tao
Ngunit ngayon nag-iisa na lang ako?
Buti pa sa Edsa palaging may paalala
Ngunit sa ating dalawa nauwi nalang sa ala-ala
Yung boses mong mala musika sa aking tenga
Ngayon sa iba mo na binabandera
Huwag mo naman akong gawing pinto
Na palagi mo na lang itinutulak palayo
Ngunit kung tutuusin sa ating dalawa ikaw naman talaga ang lumayo
Ganoon ba talaga?
Darating ka ng biglaan
Yung tipong hindi ko inaasahan
Tapos mawawala ka ng tuluyan
Yung tipong hindi ko naramdaman
Sa iyong paglisan
Ako'y nasaktan
Ngayon babalik ka, hawak siya
Yung ngiti mo na para sa akin noon
Siya na ang nakikinabang ngayon
Hanggang dito na lang ba talaga ang ating nobela?
Gusto kitang tawagin
Ngunit naalala ko hindi ka na nga pala sa akin
Ilang walang katapusang sana pa ba ang aking babanggitin
Para ipaintindi sa aking hindi na talaga ako sapat?
Ilang hugot pa ba ang huhugutin ko hanggang ipaintidi sa aking ubos na talaga?
Na hanggang dito na lang talaga ang storya nating dalawa.
Minahal kita sa paraang alam ko
Sa paraang kaya ko
Sa mga oras na nilaan ko
Ngunit nag kulang pa ba ako?
Hindi pa ba ako sapat?
Siguro oo nga kapalit palit ako
Pero wala eh mahal pa rin kita
Ikaw? Minahal mo ba talaga ako?
BINABASA MO ANG
12 letters 3 words wag kang tanga
PoetryPara sa mga taong hanggang ngayon ay hindi paren maka recover sa nakaraan pilit pinagsisiksikan ang sarili sa kagaguhan, sa mga broken na takot ng mag mahal kase naloko na minsan para sa mga taong pang altar ang hanap hindi pang short time relations...