Chapter 13

10.8K 336 44
                                    

NALAMAN kong umalis ng bansa si Andrew may aasikasuhin daw ito. Naging mapayapa naman ang mga sumunod na araw. Walang maria, walang gavin at lalong lalong walang nathalie. Iniisip ko nag sanib pwersa na kaya sila? Well, kahit anong gawin nila .. Wala na akong pakealam.

"Bakla! Nabalitaan ko na pwede daw mag exam ang mga estudyanteng 99 ang average. Go na!" Sabi ni jasmin ng makalapiy ito saakin bitbit ang order namin.

"Saan mo naman yan nabalitaan? Tsaka para saan ba yung i-eexam?"

Kinuha ko yung saakin at inayos na ang sarili sabay higop sa milk tea na binili niya. Siya naman ay umupo sa harap ko, at itchuserang hinawi ang kunong mahabang buhok niya. Kuno dahil hindi naman mahaba ang buhok niya.


"Like duh?! Seriously!? Saang planeta ka dumayo at hindi mo na alam ang mga nangyayare sa paligid mo?"

Sabay irap nito saakin. E sa totoo namang hindi ko alam e.


"Ano nga kasi yun?"



"Hay nako! Kahapon may ini- announce na yung mga gustong makagraduate ng maaga dapat 97 pataas ang average. Eh diba 99 averge mo? So yun na nga, kapag naipasa mo yung 1 to 1000 na exam ay makakasabay ka sa mga ga- graduate."

Napa ubo naman ako sa sinabi niya. Totoo? 1 to 1000 langyang exam yan. Talagang matatalino lang ang sasali sa ganyan. "Balak mo ba akong patayin? 1000!? 1 to 50 nga pahirapan na ako 1000 pa kaya!?"



Sinamaan niya ako ng tingin. "Wow ha, hiyang hiya naman ako sa average mong 99. Kaya mo yun, actually kinuha na kita ng form at naipasa ko na din yun. So mag e-exam ka nalang"


Napabuga ako sa iniinom ko dahil sa sinabi niya. Langya e talagang balak pa ata akong patayin ng baklang ito e. Dahil wala na akong magagawa at nakakahiya naman kung mag ba-back out ako.



Pumunta ako sa office para linawin ang sinabi ni bakla. Pagkatapos na ipaliwanag saakin ay napag desisyonan kong tumambay muna sa room, sakto naman na walang katao tao doon. Ewan ko ba kung bakit hindi mapirme ang mga kaklase ko sa room namin.




Maya maya may narinig akong pumasok. Dahil busy ako sa pagkalkal ko sa bag ko hindi ko napansin na sina marga pala iyon. Nalaman ko nalang ng lumapit ito saakin at binuhusan ako ng juice. Langya. Buti nalang may extra lagi akong dala.




Narinig ko ang tawanan nila. "Bagay na bagay sayo." Hindi ko nalang ito pinansin at kinuha ang panyo ko para punasan ang mukha ko.


Hindi pa siya nakuntento at bigla niya ulit akong binuhusan. Kaya sa inis ko ay napatayo ako at inagaw ko sa kanya yung juice at marahas na isinaboy sa kanya.



"O MAY GAAADDDDD!!!!! HOW DARE YOU!!! OMYYYYYYYYYY" histerikal na sabi nito, halatang nag pipigil ng tawa ang dalawa niyang kasama.




"Oh ano? Kamusta naman ang masabuyan? Teka, parang mas bagay sayo." Sabi ko.





Sasampalin na niya sana ako kaso may pumigil sa kanya. Pag tingin ko nakita ko si gavin. Walang emosyon ang mukha nito. "Uhm. S-sir si Cl—"


"Alam ko kung sinong nag panimula ng gulo." Mukhang tinakasan ng dugo ang tatlong pugo.



Tiningnan niya ako. "Go to my office Ms. Devon" Nagulat ako dahil sa sinabi niya.

"Bakit ako?"





Halatang natuwa ang tatlo sa ginawang desisyon ni gavin. Akala ko pa naman alam niya kung sino. Lakas mamintang ha.




A1 Part 2: My Ex, My Professor✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon