Zone One

485 18 0
                                    

COLINE'S POV

PROM is the most precious event that could happen sa isang normal high school student, bukod sa graduation day ay ito ang pinaka-aabangan naming mga Seniors.

Prom night namin ngayon at sobra akong excited dahil ngayong gabi ko na sasagutin si Timotheo.

3 months na syang nanliligaw sakin, wala naman akong balak na pahirapan sya pero gusto ko kasi na special yung araw na sasagutin ko sya kaya hinintay ko talaga yung prom namin na saktong Valentine's Day din. Oh diba? Bonggacious ng monthsary namin pag nagkataon.

Haaaaaaay, matagal ko na kasing gusto si Tim, Grade 9 palang kami nun. Kaya sobrang saya ko nung naging mutual yung feelings namin sa isa't-isa, kahit na ang tagal bago sya umamin sakin pero it's worth the wait.

"Ayan Coline, sobrang ganda mo naaaaaa. For sure ikaw magiging Prom Queen tonight tapos si Tim naman yung King," Kilig na kilig talaga sya sa pinagsasabi nya eh no? "Bagay talaga kayong dalawa."

Si Ate/Kuya France yung nagsalita, yung personal make-up artist ni Mommy. Kailangan kasi ni Mommy ang personal make-up artist kasi marami syang mga pinupuntahang formal party, perks of being a politician.

"Ate France naman, wag nang ma-ingay please?" na kwento ko kasi sa kanya yung tungkol sa gagawin kong pag-sagot sa manliligaw ko na si Timotheo. Kilala nya din kasi si Tim. Ang liit lang kaya ng San Fernando City.

"Ok, ok, I'll shut up na," sinuklay-suklay nya yung buhok ko nang konti "Tayo ka nga then turn around," Sinunod ko naman yung sinabi nya "Ayaaaaaan, perfect!" ngiti lang yung sinagot ko sa kanya. Alam ko naman kasing maganda na ako no kaya maliit na bagay, hihihihih.

"Mam Nekolen, nandyan na po yung bisita nyo." Biglang pasok ng isa sa mga kasambahay namin. Nekolen, nice -_-

"Sige Manang, bababa na ako."

Nagpasalamat muna ako kay Ate France sa magic na ginawa nya sakin, pagkatapos nun ay mag-isa akong bumaba ng kwarto. Nasa second floor kasi yung kwarto ko kung saan ako minake-upan ni Ate France kaya kailangan ko talagang bumaba para makarating sa living room, anubayan.

"Nagmukha ring tao si Ate! SA WAKAS!" sinimangutan ko yung kapatid kong pinaglihi sa bulalakaw. Butas-butas kasi ang pagmumukha. HAHAHAHAHAHA

"Manahimik ka bulalakaw kung ayaw mong ibalik kita sa asteroid belt."

Oh kitams, natahimik ang bulalakaw.

"Ang ganda mo Nicole." Napatingin agad ako sa nagsabi nun. Oooooow, si future boyfie pala. Hihihihi

"Araw-araw akong maganda Tim, at alam kong alam mo yan." Nakarating na ako sa living room at kaharap ko na ang makakasama ko habang buhay, choss.

"Woah! Nagsalita nanaman ang buhawi." Bwesit na bulalakaw naman to oh.

"Isa pang salita mo Nick ha! Ibabalik talaga kita sa tiyan ni Mommy."

"At bakit mo naman ibabalik sa tiyan ko si Niccolo Raphael?" napatingin agad ako, or rather kami, sa pintuan ng bahay kasi dun nanggagaling yung boses nung nagsabi nun. Si mommy pala kasama si daddy, kararating lang nila.

"Mom, Dad." Sabay naming sabi ni Nick, yung kapatid ko nga. Nakipag-beso lang kami sa magulang namin tapos pinapasok ni mommy yung bulalakaw sa kwarto nya kaya kaming apat nalang ang na-iwan sa sala.

"Magandang gabi po Sir Derick, Congresswoman Nila." Magalang na sabi ni Tim sa magulang ko, awwwe so polite naman ni future boyfie.

Medyo awkward pa yung atmosphere kasi ito yung unang beses na nakapunta si Tim sa bahay namin then first time nya ding nakaharap ang parents ko, always kasing busy.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon