Track 10: We danced the night away, we drank too much 📀

0 1 0
                                    

"Songs in this story are copyrighted from it's true owners. Anything said otherwise are purely fictional."

🎼 🎵 🎤 🎧 🎶

Di ko alam kung gano katagal kaming nakatayo dun at sumasayaw. Di nagtagal ay sumunod na samin si Carl, Tan, Alex at Lyndon na halatang mga nakainom na din.

Tumatalon, nagsisigawan at nagtatawanan kami sa gitna na para bang walang ibang tao dun maliban samin. Sumasabay sa bawat beat ng kantang work from home by fifth harmony.

Understatement pa ang salitang "baliw" para idescribe kaming pito but it's fun.

So much fun since one of the reasons kung bakit di ako nasama sa mga party ay dahil sa reputasyon na dala ng pangalan ko, pangalan ng pamilya ko.

Takot ako na baka may gawin ako na pwedeng gamitin laban samin. O na baka ako ang sumira sa pamilya namin na kilalang business-minded people at family of famous pianists.

Tonight, it feels like letting myself get lost with extreme happiness, with my emotions, with my friends.

Patapos na ang kanta nung napansin ko yung babae na nakatayo sa pinto ng kusina. May kausap siyang lalaki at mukha silang naglalandian. Ngayon ko lang siya nakita dahil sa sobrang dami ng tao. Di ko din inakala na pupunta siya dahil knowing Nate, kahit na open ang party for everyone, I don't think she's invited.

May naramdaman akong dalawang kamay sa nagkabilaan kong braso bago ako inikot patalikod para humarap sa kanya. "Having fun?"

Ngumiti ako kay Alex. "Super."

Ngumiti din siya at niyakap ako ng mahigpit. "Glad to hear that."

Inikot ko siya para makita ko ulit yung babae sa may bandang kusina. Nung nakita ko na paalis na yung kausap niya ay humiwalay ako sa pagkakayakap kay Alex. "Be right back."

Hinawakan niya ko sa braso at pinaharap sa kanya. Puno ng pag-aalala ang mga tingin niya. "San ka pupunta?"

Nginitian ko siya. "Washroom. I'll be quick."

Naglakad ako palapit sa babae. Yung buhok niya ay kinulot niya at nakasuot siya ng gold na dress na medyo maiksi dahil sa tangkad niya.

Paalis na sana siya pero natigil siya nung makita niya ko. Biglang kumunot yung noo niya at lumungkot yung mukha niya. "Isa."

"Felicity."

Alam kong sinabi ko na monday ko pa to gagawin kapag nakita ko na siya sa Nirvana. But I think tonight is the right time to finally let go of the past. Being in this party is letting go my insecurity to become a normal teenager. So, why not face the other insecurity, which is being scared of admitting that what Felice and Kiel did really had an effect on me.

Sino ba namang hindi? Si Felice na para ko ng kapatid. She might not be number one for me because nobody could take that place from Alex pero halos parehas na sila. Lagi ko silang kasama ni Kiel and I trusted them not to hurt me.

Tapos sa huli sila din pala talaga ang may relasyon.

Apat kami na laging magkasama kaya nga masaya ko nung nalaman ko na naging girlfriend siya ni Alex.

BEHIND THE MUSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon