Chap. 15

839 224 8
                                    


Nabigla ng husto si Kurt matapos marinig ang sinabi ni Carol. Lumapit ito sa dalawa at nilipat ang tingin kay Egay.

"Anong sinabi mo Carol?" Gusto pang liwanagin ng maigi ni Kurt ang kanyang narinig.

"Sir, si Sir Popoy po ang ama ng pinagbubuntis ni Egay." Malinaw na inulit pa ni Carol ang pagsumbong sa nakakatandang kapatid ni Popoy.

"Egay, totoo ba?"

Parang naputol ang dila ni Egay; biglang napalundag ang puso n'ya. Kinabahan sa presensya ng kapatid ni Popoy.

"Sir..ano po kasi.." hindi na malaman ni Egay kung magsasabi ba sya ng totoo.

"Egay, sabihin mo sa akin ang totoo. Si Popoy ba ang ama ng dinadala mo?" Tanong ni Kurt.

Tumango si Egay.

"Dios ko.." Napabulong si Kurt.

Agad nagdial ng kanyang cell phone si Kurt upang tawagan ang kanyang mga nakakatandang kapatid at iparating ang problemang ginawa ni Popoy. Gusto mang pigilan nina Egay at Carol ngunit wala silang magagawa. Tinawagan din ni Kurt si Popoy.

"Umuwi ka dito. Importanteng harapin mo ang problemang ginawa mo." Sermon agad ni Kurt.

( Anong pinagsasabi mo kuya? )

"Poy, ayaw kong magsalita ng magsalita sa 'yo dito sa cell phone. I want you to be here as soon as possible. Talagang tarantado kang bata ka!" Bulyaw ni Kurt sa kapatid.

( Ano bang problema ha? )

"Umuwi ka nga dito eh. Pwede ba h'wag kang makulit."

At pinutol ni Kurt ang tawag. Habang sina Carol at Egay naman ay dinadamayan ng kanilang mga kasama.

"Egay, naku bakit nangyari 'yan sa inyo ni Sir?Dios ko, alam mo namang meron syang nobya at magpapakasal na sila." Litanya ni Erlie.

"Egay, bakit ka nagpadala sa tukso?" Tanong ni Bonifacio.

Napayuko si Egay pakiramdam nya halos hindi sangayon ang lahat sa kanya upang makasama si Popoy. Nagsimulang napaiyak muli si Egay.

"Egay sabihin mo sa amin ang totoo." Kinausap ng maigi ni Manang Angie ang dalaga.

"Manang, mahal ko po si Popoy." Inamin ni Egay ng tuluyan.

Parang sasabunutan ni Carol ang kaibigan dala ng inis.

"Ay ang gaga mo naman! Kahit pa gaano mo kagusto si Sir, alam mo namang nakatali na sya sa iba dapat umiwas ka. Sinasabi ko naman sa 'yo na umalis kana lamang dito at umuwi sa inyo, pa ayaw ayaw ka pa. 'Yon pala may milagro na kayong sinimulan ni Sir Popoy. Egay, hindi mo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito sa 'yo. Dinala kita dito upang magtrabaho; paano ko ipapaliwanag kay Nanay Adel ang lahat ng ito? Egay, gumagawa ka ng problema mo eh. Hindi ka nag-iisip. Bakit sa tingin mo pakakasalan ka ni Popoy? Eh kita mo namang patay na patay 'yon sa nobya nya. Masasaktan ka lang."

Mahabang litanya ni Carol. Sa inis pa nito ay umalis ito sa harapan ni Egay.

"Oo nga Egay, paano kung kukunin lamang ni Sir ang bata sa 'yo?" Nag-alala si Erlie.

"Hindi naman siguro 'yon gagawin ni Popoy kay Egay." Sabi ni Manang Angie.

"Paano nga kung ganun ang mangyayari?" Balik tanong ni Erlie.

"H'wag kang mag-alala muna Egay, makakasama sa dinadala mo pag-iisip. Hintayin nating makauwi si Popoy dito. Pwede agad s'yang makauwi dito dahil may Charter plane  s'yang masasakyan." Paliwanag ni Manang Angie.

Bukas Kita Mamahalin Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon