Nais kung ibahagi ang Buhay ng isang babae na nangarap at lumaban sa maraming pagsubok, nadapa ng maraming beses at patuloy na lumalaban sa buhay upang magpatuloy sa buhay na sa kasalukuyang hinaharap ng hindi sumusuko.
Si Regie ay Bunso sa walong magkakapatid, napakapalad nila sa knilang magulang, sa kabila ng madaming magkakapatid ay binigyan sila ng maayos na buhay. Dahil dito sila ay lumaki ng maayos at nakaranas ng marangyang buhay na hindi naranasan ng ibang mga kabataan. Dahil si Regie ay bunso sa magkakapatid ang kanyang karangyaan na naranasan ay hindi sapat para sa kanya.
Because of Martial Law maraming taong nakadanas ng hirap sa buhay, kasama na don ang pamilya ni Regie. Bumagsak ang kanilang negosyo, kaya nagdesisyon ang kanyang magulang na manirahan na lang sa kanilang probinsya, kaysa naman mabaliwala lahat ng pinag paguran ng kanyang magulang. Binenta ng kanyang magulang ang kanilang bahay, lupa at ibang ari-arian at tumira sila sa probinsya.
Regie was four years old, on that time they left the City where she was born, ' Pa, talaga bang dito na tayo titira?..hindi kaya mahirap ang mga anak natin'..tanong ng ina ni regie sa kanyang ama... 'Ma, konting tiis lang, gagawan ko ng paraan para makabalik tayo sa Manila...pansamantala lang naman to ibabalik ko rin kayo sa Manila ng mga anak natin'.
Nagdesisyon ang ama ni regie na iiwan sila sa probinsya habang ang kanyang tatay ay magtratrabaho sa Manila. Every weekend umuuwi ang kanyang tatay, ito ang naging sistema ng kanilang buhay. Naging maayos naman ang buhay nila sa probinsya, meron silang malaking tindahan at bangka motor boat na syang pinagkakakitaan nila. Si Regie ay sanay na laging nakadikit sa kanyang ina, at ito rin ang laging katabi ng kanyang ina sa pagtulog. ' Nay bakit wala pa si tatay'. namimiss mo na ba si tatay'? tanong ng kanyang ina. 'Opo nay'..wag kang mag alala nak darating ang time na magsasama sama uli tayo sa Manila, tulog na tayo nak'.
Naging masaya sila Regie at kanyang mga kapatid na nanirahan sa probinsya, Quezon, may sariwang hangin at malapit sa dagat at ilog ang kanilang bahay. Normal naman ang naging buhay nila sa probinsya. Nasanay na silang dinadalaw ng kanilang ama sa weekend. Limang taon si Regie nung nag aral sya bilang kinder. Sama-sama silang magkakapatid na pumapasok sa school kung saang na malayo nilang nilalakad. 'Regie, pagod ka na bang maglakad'? tanong ng kanyang ate Rina... 'Hindi pa naman ate' 'kung gusto mo sa baybay na lang tayo dumaan, masarap maglakad ng naka paa' sabi ng ate myrna nya..'sige' masayang naglalakad ang magkakapatid pauwi ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
"I Have My Own" ( A true to life story)
Non-FictionThis is the true to life story of a woman. Her life would revolve finding her own life, love and family. Much suffering, sorrow, disappointment and love. Several times She stumbled and stood. But remained resistant to life for her loved ones. Lahat...