XX

5.5K 142 14
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

"Baby, wake up.." I slowly open my eyes as I heared Liam's voice. Naaninag ko ang mukha nya may paskil ng ngiti habang nakatingin sa akin. Tumayo ako at tumingin sa kanya. Si Liam ba talaga ito? Ano bang oras na? Sinundot ko ang  pisngi nya at nanlaki ang mata ko. Shit!

"Liam?!" Tawag ko sa pangalan nya. Nag chuckle naman si Liam habang mahigpit ang hawak sa kamay ko. "You're so cute.." sabi nya at pinisil ang ilong ko. Teka, naabutan nya kaya si Dwight? "A..ano, kanina ka pa ba dito?" Tanong ko. Dahan dahan naman tumango si Liam kaya kinabahan na ako ng husto.

"M..may nakita ka ba? N..natutulog sa couch?" Tanong ni Liam na syang ikinakunot ng noo nya tapos ay ngumuso. "Wala. Bakit mo natanung?" Tanong nya. Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at maaga umalis si Dwight! Ngumiti na lang ako kay Liam at hinawakan din ang kamay nya. "Hehe. Sa panaginip ko pala yun." Natatawa kong palusot pero mabilis na hinalkan ako ni Liam at ngumiti.

"Take a bath, sleepyhead. Aalis na tayo." He said and drag me to the bathroom. Oo nga pala, aalis kami ngayon dahil wedding anniversary ng magulang nya. Kumindat muna sa akin si Liam bago nya sinara ang pinto kaya nagsimula na ako maligo.

Naiinis ako kay Dwight, hindi nya man lang ako ginising. Hindi man lang sya nagpaalam sa akin. Psh. Nagmadali na ako maligo dahil nakakahiya naman kay Liam. Pagkalabas ko ng bathroom ay agad akong nagbihis. Nagsuot lang ako ng isang beach dress tapos ay naglagay din ako ng isang sunglasses sa buhok ko. Kinuha ko ang gamit na inimpake ko kagabi pati na rin ang regalo na binili ko para sa magulang ni Liam pagkatapos ay lumabas na ng kwarto.

"Let's go.." aya ko kaya naman agad tumayo si Liam pero pinigil nya ako. "Bakit may kumot sa couch mo?" Tanong nya kaya napatigil ako. Kinagat ko ang aking labi pagkatapos ay tumikhim. "G..ginamit ni Kate yan nung isang gabi." Pagsisinungaling ko.

Ang sama ko. Nangako na ako na hindi ako magsisinungaling sa kanya, pero ginawa ko pa din. Puro ako pagsisinungaling para pagtakpan si Dwight. Ayoko na nagsisinungaling ako sa kanya pero wala akong magawa kundi iligaw sya dahil ayokong malaman ang deal namin ni Dwight. Ayoko na maungkat din ang nakaraan dahil don. Sana mabilis nang matapos ang paglilipat ng lupa sa akin para naman matapos na ang mga pagsisinungaling ko.

"Okay.." sabi ni Liam at binuksan na ang pinto. Sya na ang naglock nun kaya sumakay na kami sa elevator. Habang hinihintay na magbukas iyon ay sumusulyap ako kay Liam. Tumingin sya sa akin kaya binigyan nya ako ng isang ngiti. Nginitian ko din sya ng pilit at inabot ang kamay nya. Guilt. Ito yung nararamdaman ko. Gusto ko sabihin sa kanya ang totoo, pero hindi pa ito ang tamang panahon.

Nang bumukas na ang elevator ay humigpit ang hawak ni Liam. Tiningnan ko ang kamay naming magkahawak, sana palagi na lang ganito. Sana kahit ano man sumubok sa amin, mananatiling magkahawak yung kamay namin. Pinagbukas nya ako ng pinto kaya ngumiti ako sa kanya pero bago ako makapasok ay nagsalita sya.

"Sam.." tawag nya. Tumingin ako sa kanya habang nakataas ang kilay, hinihintay ang sasabihin nya. Huminga sya ng malalim at pumikit. "Wag ka magsasawa sa akin ha, kasi kahit magsawa ka ipaglalaban kita dahil akin ka." Napako ako sa kinakatayuan ko. Kinutuban ako dahil sa sinabi nya. Nagdududa na ba sya? Alam nya ba na nagkikita kami ni Dwight? Ngumiti sya sa akin tapos ay niyakap ako ng mahigpit.

"Sabihin mo sa akin kung nagsasawa ka, para magawan ko ng paraan, hmm?" Paninigurado nya. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso nya kaya naman wala akong nagawa kundi tumango. Bakit naman ako magsasawa sa kanya? Sino naman ang ipapalit ko sa kanya?

He let go of me then kiss me on my lips. It lasts for a second then he hold my hands tightly.

"Hop in." He said. Tiningnan ko muna ang mukha nya bago ako sumakay sa kotse nya. Sinara nya ang pinto tapos ay mabilis na lumipat sa kabilang part at sumakay na. Mabilis nyang binuhay ang makina ng kotse at umalis.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon