Tila nalalapit na ang tag init,
Paano na itong damdaming tinatagong pilit?
Paano na ang pusong iyong napapaligaya at tila umaawit?
Nais kong umamin bago ang dapit hapon ay sumapit,
Habang nalalapit ang barko sa kanyang daungan,
Heto at lalong lumalalim ang nararamdaman,
Ngunit dito sa akin ay tila may pag aalinlangan,
Dapat pa nga bang sabihin o dapat na lang pabayaan?
Hindi ko alam kung mahal na nga ba kita,
O dala lang ito ng ngiti mong dulot ng tuwa at saya,
Ngiti mong nag bibigay sa aking ligaya,
Tuwa at saya na kitang kita sa iyong mga mata,
Paano kung mahal na nga talaga kita?
Siguro ay bale wala dahil may mas mahal ka nang iba,
aminin ko man ay baka iwasan mo lang ako,
O di kaya'y iwan ko yung mahal mo,
Heto na ang habagat na tila kay bigat,
Ngunit ang isip ko ay pilit na sumasalungat,
Upang ang damdamin ay maiwasang muling magkasugat,
Tulad ng sugat mula sa mga naunang alamat,
Siguro mawawala din itong nararamdaman ko para sayo,
Hindi ko alam kung may balak pa akong sabihin ito,
Magkaroon man ako ng lakas ng loob na umamin sayo,
Baka ubos naman na ang oras ko,
Patuloy ngang lumilipas ang panahon,
Madami nang nasayang na mga pagkakataon,
Naglalagas na ang mga dahon,
Hindi ko pa din alam kung ako'y Sasalungat O Magpapaalon
BINABASA MO ANG
Silakbo
RandomMga tula mula sa aking puso nais kong ibahagi sa inyo nawa'y magustuhan at malibang kayo! ~~