chapter six

1.2K 19 2
                                    

Chapter 6

Tapos na kaming kumain at nagpapa-alam na ang Peste kay Gab. Buti naman no? Hindi ako makapag enjoy sa mga ginagawa ko dahil kasama namin siya. Pasalamat siya at pinaka sasamahan ko pa siya.

Tapos! Nagaala-artista pa siya. Eh pano ba naman kasi, sa lahat na lang ng puntahan namin palagi nalang may nalapit sa kanya na babae. 

 Nakakainis!

"Gab, aalis na ako ha?" sabi niya sa kanya.

"Sigurado ka, tol? Maaga pa naman oh?" Gab! Wag ka ng magsabi pa ng kung ano ano na makakapag pabago ng isip niya. Let him go!

"Oo naman. Tyaka alam mo..." nilapit niya yung muka niya kay Gab, tapos bumulong, "Mas pipiliin ko pang umalis kesa makasama pa ng mas matagal yang kasama mo." he said, smirking at me. Is he referring to me? Malamang, nakatingin siya sakin eh. Bumubulong siya kay Gab, pero sakin siya nakatingin.

"Whatever..." I mumbled, looking away from him. Then to my surprise, siniko siya ni Gab. I almost fell on my sit.

"Gab?!" sigaw niya sa gulat.

"Kanina ka pa." nakakunot noo na sabi ni Gab. Aww, he look so cute. Heehee.

"Ikaw naman? Biro lang!" tapos nag aalinlangan na lumapit sakin ang Daga. "Peace..." sabi niya in a monotone tone.

"Don't mention it.." sarkastikong sabi ko sa kanya na may kasama pang pilit na ngiti.

Nginitian naman niya ako bago siya tumalikod. Nakipag fist bump muna siya kay Gab, bago tuluyang umalis.

"Ella?" tawag sakin ni Gab. Sa tingin niya parang sinasabi na niya na sorry. Ano magso-sorry na naman siya dahil ganun yung best friend niya? Nako.

"Gab, yaan mo na. Ayoko din sa kanya kaya no worries." sabi ko sa kanya habang umaayos ako ng upo, tiningnan ko siya ng diretso sa mata. "I can handle him." I added winking at him.

Napangiti naman siya. The boy-ish smile that will make your heart melt. Bakit ang gwapo mo?

"Bakit ba naman kasi nagkaroon ka ng ganung kaibigan?" pabiro kong tanong sa kanya. Lumapit siya sakin, pero hindi naman siya naalis sa kinauupuan niya na asa harap ko, tapos he gently messed up my hair.

I shoo his hands away. Tapos parehas kaming napatingin dun sa pinang-galingan ng tawanan na narinig namin. It's Matthew with a group of girls. 

Nakita nung isang babae si Gab, kaya tinawag siya. Tumingin naman muna sakin si Gab na para bang nagpapaalam siya kung pwede ba siyang pumunta o hindi.

"What?" tanong ko.

"Pwede ba akong pumunta dun?" nagulat naman ako sa tinanong niya. So tama nga yung pagkakabasa ko sa tingin niya sakin.

 "Gab? You--" may sasabihin pa sana ako kaya lang umimik na naman siya agad.

"Pwede ba akong pumunta dun?" napailing na lang ako sa ginagawa niya. Hindi ko talaga maintindihan minsa ang lalaking to. 

The Story of UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon