Chapter 14 -- Back to reality

6 2 0
                                    

Chapter 14

Pagpasok nina Yonah sa opisina kinabukasan ay ipinatawag siya ni Keena para makausap.

"Hi Myra!" sabay na bati nina Yonah at Drian.

"Hi! By the way, Ms.Yonah please proceed to Ms.Keena's office. She wants to talk to you." nakangiting sabi ni Myra.

Kumatok at pumasok agad si Keena sa opisina nito.

"Hi Ms.Keena!" bati ni Yonah.

"Oh hi Yonah.. I called for you because I want you to attend an investor's meeting at Empire building. There is a conflict in my schedule since I will be meeting clients from Singapore." sabi ni Keena.

"Ok po. What time po?" tanong ni Yonah.

"Around 8:30am. After this, you can proceed there. Look for Keos because he will explain to you the flow of the deal." sabi ni Keena.

'Shocks! Magkikita na kami ni Keos.. Ready na ba ako?!' sabi ni Yonah sa sarili.

"Yonah??" pukaw ni Keena sa pag-iisip niya.

"Yes, Mam. Noted po. Thank you." derechong nasabi ni Yonah.

Lumabas na siya ng opisina nito. Si Keena naman ay pangiti-ngiti sa nangyari.

Agad ring pumunta si Yonah sa Empire building. Dere-derecho siya hanggang sa dumating sa floor ng mga executives. Pumasok siya sa opisina ni Keos.

"Hi Mam. What can I do for you?" tanong ni Audrey, secretary ni Keos.

"I am looking for Mr. Keos Nikolai Amorsolo. I was sent here by Ms. Keena to attend the investor's meeting." sabi ni Yonah.

"Ok. For a while, Mam." sabi ni Audrey at tumawag sa intercom.

Maya-maya pa ay sinabihan na siya nito na pumasok na sa opisina. Pagpasok niya sa opisina ay nakita niyang may sinusulat pa si Keos.

"Good morning, S-sir." sabi ni Yonah na halos hindi mabigkas ang Sir.

Hindi ito sumagot. Tumingin ito sa kanya saglit at ngumiti.

'Grabe! Natutunaw yata ako.. Miss na kita, Keos.. Miss na miss..' sa isip ni Yonah.

Tumayo si Keos para kunin ang files sa cabinet niya malapit kay Yonah. Sa hindi malamang sitwasyon ay hindi napigilan ng dalaga na tumayo rin at yakapin si Keos sa likod nito.

"I missed you.." maluha-luhang sabi nito habang nakayakap sa likod ni Keos.

Matagal bago muling nagreact si Keos. Naawa siyang bigla sa dalaga.

"Ms.Madrigal, you must be mistaken me for someone else.. I am your boss." pigil emosyong sabi ni Keos.

Biglang bumitaw si Yonah sa pagkakayakap niya kay Keos. Hindi niya alam na ganito ang magiging reaksyon ng binata sa ginawa niya. Ang buong akala niya ay na-miss din siya nito. Halos napahiya siya sa sarili kaya naluha na siya. Agad-agad siyang tumakbo palabas at hindi na nagpaalam kay Keos.

Umiyak siya nang umiyak sa restroom. Pagkatapos niyang mailabas ang lahat ng luha sa kanyang mata ay napagpasyahan niyang bumalik sa opisina nito. Inisip niyang trabaho ang pinunta rito at hindi si Keos.

Papunta na sana ulit siya sa opisina nito nang tawagin siya ni Audrey.

"Ms.Yonah, Sir Keos is not there anymore. Sinalubong niya ang mga investors sa lobby. I was tasked to relay to you the flow of the deal." sabi ni Audrey.

Pagkatapos i-briefing ni Audrey si Yonah sa deal, sumunod na ang mga ito sa conference room. Saktong kapapasok pa lang ng mga investors.

Habang nagpapaliwanag ang speaker tungkol sa process na deal, napansin ni Yonah na titig na titig sa kanya si Keos. Iwasan man niya ito ng tingin ay hindi ito natitinag.

'Masama ang loob ko sayo, Keos. Ang bilis naman magbago ng ihip ng hangin.. Bakit ngayon pa na ikaw na ang laman ng puso at isip ko..' halos maluhang sabi ni Yonah sa sarili.

'Yonah, I'm sorry if I have to be that rude to you.. Kung alam mo lang na halos gusto na rin kitang yakapin kanina.. I miss you more and more each day..' usal ni Keos sa kanyang sarili.

Natapos na ang meeting. Na-close nila ang deal at nagbigay ng 20M contract ang investors. Hindi na hinintay ni Yonah ang assembly for late lunch. Agad na siyang dumerecho sa Shatton building. Tinawag pa siya ni Audrey dahil sa pagsenyas ni Keos.

"Ms.Yonah, you should join them over lunch inside." sabi ni Audrey.

"No need for that, Mr.Cruz.. Thank you." sabi ni Yonah.

"But Mam, I insist.." pagmamakaawa nito.

"I'm sorry but my job here is done. If you'll excuse me.. my work is waiting for me in Shatton." pagmamatigas ni Yonah.

Hindi na napigilan ni Audrey si Yonah. Sa may sulok naman ay takang-taka si Keos sa inasal ng dalaga.

'Napasama ko kaya ang loob niya?.. I'm sorry, Yonah. I will explain everything to you in time." nasabi ni Keos sa sarili.

Sa review center..

"Mikell, wait!" tawag ni Rafa.

Mahigit isang buwan na rin mula ng hindi sila magpansinan pwera na lang kung andyan sina Yonah at Drian. Ayaw naman kasi nilang mahalata ng dalawa na nagkakaalitan sila nang dahil kay Misty.

"Rafa?? Hayy.. I am sorry, pare." sabi nito.

"You don't have to say your apologies to me. You know the right thing to do. Ayoko lang na mag-take ka ng exams na may burden ka saka regrets. Please set yourself free from lies." advice nito sa kanya.

Hindi kumibo si Mikell. Natulala lang ito kaya naman tinapik na lang ni Rafa ang balikat niya bago tuluyang umalis.

Nakokonsensya man ay pinili ni Mikell na huwag nang sabihin kay Yonah ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Mistelle. Hinayaan na lamang niyang walang alam ang dalaga tutal naman ay minsan lamang ito nagkamali at ayaw na niyang maulit pa.

Dumating na ang araw ng exam. Sabado ng umaga ng mapagpasyahan nila Yonah at Drian na ihatid ang mga kasintahan bilang goodluck charm ng mga ito.

"Sweets, isipin mo ang sagot ha, wag naman palaging ako.." pagbibiro ni Yonah.

"Ikaw din, babe.. sa papel ang tingin ha hindi sa chicks.." birong sabi din ni Drian.

At tuluyan nang nagpaalam ang dalawa kina Yonah at Drian. Pasakay na sana ng kotse ang dalawa nang makita nila sa di kalayuan ang isang taong nagpakulo ng dugo ni Yonah.

"M-misty?? Si Mistelle yun ah.. di ba, Dri?" kumpirma ni Yonah.

"Oo nga noh.. Bakit siya dito magte-take ng exam? Ibig sabihin iisang review center lang sila nina Rafa?" tanong ni Drian.

"Wala naman silang nababanggit e.. baka naman hindi. Tara na nga!" sabi ni Yonah.

Chaos in LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon