Ako ay nasaktan ng ika’y biglang lumisan.
Ngunit ito’y sinubukan ko noong labanan.
Nang hindi na lumalim sugat na ‘yong iniwan.
Ngayon ito’y naghahanap upang malunasan.
Masaya na ako kapag ikaw ay masaya.
At lahat ng gusto mo ay ginusto ko na.
Sapagkat doon lang ako magiging masaya,
kaya pinilit ko na lang ang magpakatanga.
Noon pag-ibig ko’y unti-unting nabubura,
ngunit ngayo’y unti-unti nagbabalik sinta.
At sana’y iyong sabihin ang aking gagawin.
Nang hindi muling umasa, puso ko’t damdamin.
Heto ako ngayon na sadyang naguguluhan.
Dahil pagtingin mo sa’kin hindi ko malaman.
At ano na ba ang aking paniniwalaan,
Gayon ang puso ko ba o ang aking isipan?
Hindi ko naisip na ako’y magkakaganito.
Ni sa hinagap hindi ko naramdaman ito.
Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.
At nangyari ang lahat ng ito, dahil sayo.
BINABASA MO ANG
Talaan ng mga saloobin, tapunan ng mga masalimuot na damdamin.
PoetryPasensya na po kung masyadong emo, broken, pagkabigo, trying hard, etc. etc. Lahat po kasing ito ay nasulat ko lang dahil wala akong mapagsabihan. Sa pamamagitan ng pagsusulat ay naiibsan ang aking kalungkutang naramdaman, kaya sana po ay pagpasensy...